THIRD PERSON POV Hindi makapaniwala si Annalyn na sinabunutan siya ni William. Galit na galit niyang nilisan ang apartment ni Reighn. Hindi niya matanggap na mas pinipili talaga ito ni Vin kahit pa itakwil ito ng ama nito. Hindi niya alam kung ano ba ang mayroon sa batang ito. At kung bakit ganun kamahal ni Vin ang batang ‘yun. At hindi niya hahayaan na maging masaya ang mga ito. Kailangan na nilang madaliin ang lahat para lubusan ng maging kanya ang lalaking mahal niya. Kahit pa ano ang mangyari ay kanya ang si Vin at hindi ito mapupunta sa batang ‘yon. Mas pinili niya na sa bahay ng kanyang parents umuwi. Kailangan na niyang pilitin ang daddy niya na kumbinsihin ang daddy ni Vin na ipakasal na silang dalawa. “Daddy, I’m hom–” Hindi niya magawang tapusin ang sasabihin niya dahil nag

