REIGHN SELESTINE “Miss, puwede mo ba akong ipakilala sa daddy mo?” tanong niya sa akin kaya mabilis na kumunot ang noo ko. “Excuse me? Daddy?” pigil ang inis na tanong ko. “Oo, daddy mo siya d—” “Excuse me? He’s not my dad,” putol ko sa sasabihin niya habang pinipigilan ko ang sarili ko na sampalin ang bibig niya. “Hindi mo siya daddy? Eh ano mo siya–” “I’m her husband,” nagulat na lang ako dahil biglang nagsalita ang asawa ko kaya hindi na natapos ng babae ang sasabihin niya. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya dahil hindi yata siya makapaniwala na asawa ko si Vin. Hindi ko alam kung saan ba siya natulala sa sinabi ng asawa ko ba o sa mukha ni Vin kaya naman nagsalita na ako. “Narinig mo naman siguro ang sinabi niya? He’s my husband at hindi ko siya tatay.” mataray na sabi ko sa

