REIGHN SELESTINE “Alam ko na, mamatay na ba ako? Kaya ka masaya kasi matutuloy na ang kasal mo kay Annalyn?” sabi ko sa kanya ng akmang magsasalita pa lang siya. “Mahal, ‘wag kang mag-iisip ng ganyan. Huwag ka na rin magsasalita ng ganyan,” sabi niya sa akin. “Eh ano ba kasi ang dahilan kaya ka masaya?” naiinis na naman ako. “Masaya ako dahil may magandang balita.” Sagot niya sa akin habang hindi maalis ang maganda niyang ngiti. “Magandang balita? Anong magandang balita?” Tanong ko sa kanya at bigla na lang kumunot ang noo ko. “You’re…..” “You’re…..” “Mahal, kasi…” “Mahal, state it. Bakit ba hindi mo matuloy ang sasabihin mo?” Tanong ko sa kanya dahil putol-putol ang sinasabi niya. Gusto ko na kasi marinig ang sasabihin niya. “You’re pregnant,” sabi niya sa akin na dahilan para

