THIRD PERSON POV Hindi na pinatapos ni Vin ang sasabihin ni Reighn dahil mabilis siyang bumalik sa office niya. Nakakuyom ang mga palad niya sa galit. Galit sa narinig niya mula sa kanyang kasintahan. Pero pinipili pa rin “Mabuti naman na bumalik ka na.” sambit ni Annalyn. “Ano bang problema mo?” galit na tanong ni Vin sa babae. “Wala, baka ikaw ang may problema.” tanong paa ni Annalyn. “Bakit mo siya pinalinis? Ni ayaw ko nga siyang pahawakin ng basahan tapos pinahirapan mo siya. At anong sabi mo naaawa ako sa kanya kaya ko siya inaalagaan. Ano ba ang alam mo?! You know nothing.” galit na sambit ni Vin. “Naawa ka lang naman talaga sa kanya ah. Kasi hindi mo ibaba ang sarili mo kung hindi ka naaawa sa kanya. Anak ka ng isa sa pinakamayaman dito pero ginagawa ka lang babysitter ng ba

