THREE WEEKS LATER “BYE,” paalam ni Mikaella sa kaibigan. Uwian na niyon. “Bye. Ingat. Huwag mong kalimutang ipaalam sa akin kapag nagparamdam na uli siya, ha? Cheer up. Baka nagpapa-miss lang iyon,” ani ni Jena. Nasa harap na sila noon ng kanyang sasakyan. Natigil siya sa aktong pagbubukas ng pintuan ng driver’s side. “Hey, ano uli?” natatawang reaksiyon niya. Muli niya itong nilingon. Itinuro ang sarili. “Ako? Mag- cheer up? At bakit kailangan kong mag-cheer up?” Namaywang si Jena. “Come on, my dearest. Nakakalimutan mo na ba ang motto natin na: Hypocrisy is not my cup of tea? Mga totoo tayo sa sarili natin, ‘di ba? Alam natin kung ano ang mga ayaw natin at alam natin kung ano ang mga gusto natin. Kaya sabihin mo, disappointed ka na hindi siya nagpapakita, tama?” Napapailing, binuksa

