PALAKAD-LAKAD si Mikaella sa sala ng condo unit ni Jena. Usapan na talaga nila iyon na doon siya tutuloy pagkatapos ng pakikipagpulong niya kay James para mapag-usapan agad ang sunod nilang hakbang.1 “Kumalma ka nga. Nahihilo na ako sa kapaparoot-parito mo,” saway sa kanya ni Jena. “Come here. Maybe this drink can calm your nerves.” Nang sulyapan niya ang kaibigan, nakita niyang nasa likod na ito ng bar at nagsasalin ng alak sa dalawang kopita. Lumapit siya roon at inukupa ang isang high stool. Tinanggap niya ang alak. “That man was terrible, I swear!” Handsome, yeah, but terrible! Natawa si Jena. “Sabihin mo nga, gusto mo pa rin bang magkaanak?” “Yes! Anak lang. Walang asawa.” “Eh, ‘di kunin mo na ang chance na ito. Kapag magkasama na kayo sa malayong lugar na iyon, I’m s

