Chapter 6: Angel in Disguise

1364 Words
"SELENA?" "Mm. Bakit po ma'am, Helena?" "May itatanong sana ako." I have no right to ask her about the threat note pero katulong siya sa bahay. Maaaring may kinalaman siya rito. "No'ng mga araw na nasa hospital ako may napansin ka bang kakaiba?" Kumunot ang noo niya. Kasing edad ko lang si Selena at magkasabay kaming lumaki. There's a possibility that she knows the person behind this threat notes. Ayokong magbintang pero iyon ang kutob ko. "Ka-kaiba? Ano pong kakaiba?" Naguguluhan niyang tanong. Sinalinan niya ng juice ang baso na nasa tabi ko. Alas syete na ng gabi at inaya ko na si Rowan na kumain dahil nagugutom na ako. "Pumunta ba rito si mama?" Tanong ni Rowan-binaba niya ang kobyertos na hawak niya. Masama ang tingin niya kay Selena. "Hindi po sir Rowan. Bakit niyo po naitanong?" "Wala. Nevermind." Sagot ni Rowan-nagpatuloy na siya sa pagkain. "May ipag-uutos pa po ba kayo sir Rowan?" "Wala na. You can back to the kitchen Selena. Thank you." Napataas ang kilay ko nang irapan ako ni Selena. Like wtf? Anong ginawa ko sa kanya? "Hon, sagutin mo na baka emergency." Lahad ko kay Rowan-kanina pa tumutunog ang cellphone niya. "Thank you, hon, sagutin ko lang 'to saglit. Kumain ka lang para bumalik iyong lakas mo." Umalis na siya at ako nalang ang naiwan sa dining area-umakyat siya sa itaas. Hindi ko alam kung gaano na katagal si Rowan sa itaas pero natapos na ako lahat lahat sa pagkain hindi pa rin siya bumababa. "Selena, pakiligpit na 'to, kumain kana rin." "Selana?" Pag-uulit ko. Nanatili siyang nag ce-cellphone. Siya lang ang naiwan sa bahay dahil 'yung dalawang kasambahay ay nagpaalam na uuwi sa kanilang mga pamilya. Sa susunod na linggo pa sila babalik. "Selena!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa inis-ang pangit ng pinapakita niya, nakakapang init ng ulo. "Selena, gawin mo na ang trabaho mo." Padabog siyang lumapit sa dining area. "Selena, ano bang problema mo?" Tanong ko. Huminto siya sa pagliligpit. "Problema? Ikaw ang problema ko, Helena." "Paano ako magiging problema mo, eh, wala naman akong ginagawa sa iyo." "Wala? Talaga? Ang kapal ng mukha mo na utos-utusan ako." "Nagpapatawa kaba, Selena? Hindi ba katulong ka rito sa bahay ko." "Correction, kay sir Rowan lang ako naninilbihan. Siya ang nagbabayad sa akin kaya siya lang ang may karapatan na utusan ako." "Asawa ako ng boss mo, Selena. Kaya pwede kitang utusan dahil binabayaran ka niya." Hindi na siya nakapagsalita pa at nilagay ang mga pinagkainan sa kitchen. Gusto ko ng bumalik sa kwarto. "Selena, pwede mo ba akong ihatid sa itaas?" "Wow. Ang kapal talaga ng mukha mo, Helena. Ako pa talaga uutusan mo?" "Katulong ka rito, Selena. Hindi ka bisita." "Alam mo hindi ko alam kung ano ang nagustuhan sa'yo ni sir Rowan. Hindi hamak na mas maganda at matalino naman ako kaysa sa'yo." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. "Mabuti nga hindi nakita ni Rowan sa'yo ang hindi niya makita sa akin." Huminto siya sa paghuhugas ng plato. Magkatapat lang ang dining area at kitchen kaya kitang kita ko ang reaskyon ng mukha niya. "Tama nga si ma'am Nelia hindi kayo bagay ng anak niya." "Paano naman napasok sa usapan natin ang nanay ng asawa ko?" "Sana namatay ka nalang." Nagulat ako sa sinabi niya-saktong pagdating ni Rowan. "Anong sinabi mo, Selena?" Tanong ni Rowan-maski siya nagulat sa pagdating ng asawa ko. Mukhang namumutla pa siya. "Si-sir." "Ulitin mo 'yong sinabi mo, Selena." "A-ang a-li-alin po s-sir?" "Paano mo nasasabi ang bagay na iyon sa mismong harap ng asawa ko?" "Hindi ko po alam ang sinasabi mo sir Rowan." Pagtatanggi niya. Nanatili siyang nakayuko nang lapitan siya ng asawa ko. "Kung ikaw kaya ang patayin ko, Selena." "Rowan!" Pigil ko. "Pasensiya na po sir Rowan. Hindi na po mauulit. Hindi ko naman po intensyon na sabihin iyon. Nabigla lang po ako." Sunod sunod na paliwanag ni Selena. Lumuhod siya sa harap ni Rowan. "Asawa ko si Helena kaya kahit anong i-utos niya sa'yo gagawin mo. Naiintindihan mo ba iyon?" "Yes po sir. Masusunod po." "Sa oras na malaman ko pang pinagbabantaan mo ang asawa ko hindi ako magdadalawang isip na patayin ka." "O-opo." Binuhat na ako ni Rowan patungo sa aming silid. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng husto lalo na't pinagbantaan niya pa si Selena. "Kailan kapa naging killer, Rowan?" Tanong ko nang ibaba niya ako sa kama. "Tinakot ko lang siya." "Kahit na ba, 'di ka dapat nagsasabi ng ganoon. Paano kung magsumbong siya sa pulis?" "Hindi niya magagawa iyon." "Paanong hindi? Pinagbantaan mo siya." "Helena, hindi pwedeng maliitin ka lang ng ibang tao. Hindi pwedeng pagsabihan ka nila ng kung ano-ano kapag nakatalikod ako. Nang marinig ko ang sinabi niya parang gusto kong pumatay. Gusto kong sapakin ang mukha ng babaeng iyon." "Rowan, babae pa rin ang kausap mo." "Matagal na akong nagtitimpi sa babaeng iyon, Helena. Kung hindi lang siya anak ni Nanny Belen, hindi ko siya papapasukin sa pamamahay ko." "Hayaan mo na. Huwag mo nalang siya pansinin. Paniguradong natatakot na iyon sa'yo." "Dapat lang na matakot siya lalo na kapag nawalan siya ng trabaho." "Napakasama mo talaga, Rowan." "Para sa iyo, Helena, handa akong magpakasama." Tinawanan ko lang ang sinabi niya. "Mm. Hon, sino pala 'yong tumawag kanina?" Pag-iiba ko sa usapan. "Ah. Si papa." Maikling sabi niya. "Bakit siya tumawag?" "Tungkol sa kompanya-pinapapunta niya ako sa mansyon." Tiningnan niya ako. "Ngayon niya ako pinapapunta." "Ah. Sige. Pumunta kana. Pero anong oras kaba uuwi?" "Hindi ko pa alam, eh. Saka sinabi ko naman na sa kanya na hindi ako pupunta." Hindi na ako umimik pa nang tumunog na naman ang kanyang cellphone. Nag-aalala siyang tumingin sa akin. "Si papa-" "Pumunta kana. Mauuna na ako matulog." Putol ko sa sinabi niya. "Sigurado kaba?" "Oo naman. Baka urgent iyan kaya kanina kapa tinatawagan ni tito." "Okay sige. Hindi rin ako magtatagal sa mansyon." "Okay." Nakangiti kong sambit. Nang makaalis siya hinabilin niya pa ako kay Selena-wala akong tiwala sa kanya. Wala akong tiwala sa babaeng iyon. Minsan na siyang nagsinungaling sa akin at baka maulit pa iyon ngayon. Balak ko na sanang matulog nang mag ring ang cellphone ko. Agad kong sinagot ang tawag. "Hello, Celine, how are you?" "I'm good, Helena. It's nice to hear your voice. Mula nang ikasal kayo hindi na kita nakita, ah. Nag s*x na ba kayo ni Rowan?" "Celine!" Sigaw ko sa kabilang linya. "Why? Bakit hindi pa ba?" Natatawa niyang tanong sa akin-'di ko inexpect na tatanungin niya sa akin ang tungkol doon. "Hindi pa." May lungkot na sagot ko. "Bakit naman? Mag asawa naman na kayo." "Naaksidente kami, remember? At inoperahan ang mga binti ko dahil sa natamo ko." "Sorry, hindi ko alam." "Hindi mo alam na naaksidente kami?" "Yes, I haven't heard it yet. That's why I'm excited to ask you kung may nangyari na sa inyo ni Rowan." Sa paraan ng pananalita niya parang may gusto siyang sabihin sa akin na hindi niya masabi ng diretso. Saka bakit naman siya mae-excite kung may nangyari nga sa amin o wala? "So, ano nga, may nangyari na sa inyo?" Pangungulit niya. Nilayo ko ang cellphone sa tainga ko at huminga ng malalim. Ayaw kong pag-isipan siya ng masama. She's been my best friend since college. She's loyal to me ever since and I treated her like my real sister. Masyado siyang mahalaga para sa akin. "Wala pa. Wala pang nangyayari sa amin, Celine. Maski maghalikan ng matagal hindi pa namin nagagawa. Kaya tigilan mo na ang kakatanong, okay?" "Really?" Mukha nga siyang excited sa sagot ko. Tumatawa pa siya. "Ay. Oo nga, may diperensiya na pala ang mga binti mo kaya hindi kana makakasakay sa kanya." "Kaibigan ba talaga kita Celine? Parang ikaw pa ang unang nanlalait sa akin." "No. No. I didn't mean to offend you. I'm just saying na sayang. Sayang ka. Sayang iyong chance na maangkin mo si Rowan." "Paano naman magiging sayang iyon? Beside ako naman ang pinakasalan niya. Asawa ko na siya." "Ikaw bahala baka maagawan kapa-baka may makauna pa sa kanya. Imbes na Ikaw ang mag e-enjoy ibang babae ang dinadala niya sa langit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD