Chapter 9: Doubtful Wife

1541 Words
I wanted to scream, but I wasn't able to. I'm only able to cry. I'm not sure if the letter is true or if the person behind this letter is just trying to destroy us. I'm extremely confused. “Helena!” She makes a hand gesture in front of my face. I give her a horrible look. “What's the matter? Kanina kapa tulala, ha, kanina pa ako nagsasalita rito hindi ka naman pala nakikinig.” “Are you interested in my husband?” I addressed her with a blunt question. I'm not in a position to ask her about my husband's infidelity, but I'm curious. I'd like to get to the bottom of things as quickly as possible. “Ano?” She laughed. “Baliw kaba? Hindi ko type ang asawa mo at mas lalong hindi siya pasok sa standard ko.” “Sure ka na hindi siya pasok sa standard mo?” Paninigurado ko. “Helena, alam kong hindi tayo close pero hindi naman ibig sabihin noon pwede ko ng sirain ang buhay mo. Wala akong gusto sa asawa mo, okay?” “I just want to know the truth.” “Oh. Nangangaliwa ba ang asawa mo? Alam mo kanina hindi ako kumbinsido na si sir Herver ang may gawa noon sa leeg niya. Haler! Babae rin ako. Sa tingin niya ba magagawa ng isang lalaki iyon? Maliban nalang kung bakla ang asawa mo?” “Hindi bakla si Rowan.” “I was saying na hindi magagawa ng kaibigan ni Rowan ang bagay na iyon.” She's right. Hindi magagawa ni Herver na halikan ang leeg ng asawa ko at mag-iwan ng marka. “Kung hinahalikan siya ni sir Herver sa leeg, edi mararamdaman iyon ni sir Rowan pero hindi niya pinigilan iyon. So, possible na babae ang humalik sa kanya.” “Sinasabi mo ba na babae ang kasama ng asawa ko kagabi?” “Ah. Oo. Parang ganoon na nga. Alas kwarto na rin ng madaling araw umuwi si sir Rowan, eh.” “Totoo ba ang sinasabi mo, Selena?” “Na ano? Alin doon? Iyong may babae ang asawa mo o na bakla si sir Rowan?” “Madaling araw na ba siya umuwi?” “Oo, kakalabas ko lang ng cr noon, eh. May kausap pa siya sa phone. Hindi ko nalang pinansin at pumasok sa kwarto.” Nilamukos ko ang papel na hawak ko. “Bakit hindi mo ba alam na late na siya umuwi?” “Sa tingin mo ba magtatanong ako kung alam ko?” “Sungit mo naman. Edi tawagan mo si sir Herver kung totoo nga bang magkakasama sila kagabi.” Inutusan ko siyang kunin ang cellphone ko sa kwarto. Nanatili ako sa garden. Nang may biglang bumusina sa harapan ng bahay. Bumukas ang gate at iniluwa niya si Simon–ang personal driver ni sir Luciano. “Helena!” Tumakbo siya palapit sa akin. Inabot niya ang bouquet ng bulaklak at cake. “Anong ginagawa mo ritong mag-isa? Nasaan ang asawa mo?” “Pumasok sa kompanya nila. Ikaw, anong ginagawa mo rito?” Minabuti kong ayusin ang boses ko–ayaw kong makahalata siya. “Gusto kong dalawin ang kaibigan ko. Bawal ba iyon, Helena?” Nakilala ko si Simon dahil kay Rowan–mag best friend silang dalawa ngunit nasira ang pagkakaibigan nila dahil sa isang babae. “Sana naman nagpaabiso ka muna bago tumawag. Paano nalang kung nandito pala si Rowan? Edi nagkagulo na naman.” “Eh, wala naman siya. Saka hindi lang naman iyon ang pinunta ko rito. Sa totoo niyan, si sir Luciano ang nagpapabigay ng bulaklak at cake.” “Bakit hindi mo siya kasama?” “Nasa company rin. May urgent meeting ata sila kaya ako nalang ang pinapunta ni sir Luciano.” Huminga ako ng malalim. Pakiramdam ko parang sasabog na ang utak ko kakaisip kung sino ang babae ng asawa ko. “Helena, bakit ka umiiyak?” “Ha?” Umupo siya para punasan ang mukha ko. Halata ang pag-aalala sa mukha niya. “Helena, ano ito?” Hindi ko namalayan na nabitiwan ko na pala ang papel. “Niloloko ka ni Rowan?” “Hindi ko pa alam.” “Paanong hindi mo pa alam, Helena? Kailan pa? Kailan kapa niya niloloko?” “Hindi pa ako sigurado kung totoo ngang niloloko niya ako. Magmula kasi nang makalabas ako sa hospital kung ano-anong threat notes at sulat ang natatanggap ko.” Pagpapaliwanag ko. “Sinabi mo na ba ito kay Rowan?” “Iyong threat notes oo pero itong sulat na kanina ko lang natanggap hindi. Wala akong lakas ng loob kung paano ko itatanong sa kanya ang tungkol diyan.” “Listen to me, Helena. Kilala ko si Rowan–kilalang kilala ko siya mula pagkabata kaya hindi niya magagawa ang bagay na ito. Hindi ka niya magagawang lokohin lalo na't wala pang isang buwan nang ikasal kayong dalawa.” “Iyan din ang nasa isip ko pero..” “Pero ano? Wala kang tiwala sa kanya?” “Pero bakit ako nasasaktan? Kung hindi totoo ang nasa sulat bakit affected ako? Bakit ako umiiyak?” “Natatakot ka.” Inabot sakin ni Selena ang cellphone ko, “Hi, Simon, napadpad ka ata rito.” “Selena, alam mo ba 'to?” Tanong sa kanya ni Simon. “Ang alin? Ano ang alam ko?” Balik na tanong ni Selena habang nakangiti sa kanya. “Alam mo bang may babae si Rowan?” Hindi agad nakapagsalita si Selena. “Ah. Hindi. Ano namang pakialam ko kung may babae nga si sir Rowan o wala.” Mariin akong pumikit. “Ewan ko sa'yo, Selena. Bumalik kana nga sa loob dalhin mo 'yang bulaklak at cake. Ako na ang maghahatid kay Helena sa kwarto niya.” Hinayaan ko lang na ihatid ako ni Simon patungo sa silid ko. I told him na gusto ko ng magpahinga pero pinagpilitan niya pa rin na bantayan ako hanggang sa makatulog ako. “Simon, umalis kana, baka hinahanap kana ni tito.” “Babantayan kita hanggang sa makatulog ka.” “Hindi naman na kailangan, Simon. Kaya ko naman ang sarili ko.” “Paano kung umiyak kana naman? Paano kung may mangyaring masama sa'yo rito?” “Simon, nag o-overreact ka lang. Wala naman mangyayari sakin rito and beside kasama ko si Selena.” “Tatawagan ko si Rowan para bantayan ka niya.” “Mag aaway lang kayo at saka busy iyon. Huwag mo na siyang guluhin.” “Helena, tapatin mo nga ako. Gaano mo kamahal si Rowan?” “Hanggang ngayon pa rin ba itatanong mo sa akin iyan?” “Gusto ko lang malaman kung gaano mo na siya kamahal ngayong kasal na kayong dalawa.” “Alam mo kung gaano ko kamahal si Rowan. Teka bakit ba napakarami mong tanong?” “Wala lang. Sige na. Aalis na ako. Sasabihin ko nalang si Selena na huwag magpapasok ng kung sino-sino. Tawagan mo agad ako kung may mangyaring masama okay?” “Kung may mangyayari man na hindi maganda sa akin ang asawa ko ang una kong tatawagan.” Nginitian niya ako bago tuluyang isinara ang pinto ng silid ko. I know masyadong harsh ang paraan ng pananalita ko pero mas makakabuti na iyon kaysa umasa siya sa wala. Ayaw ko na ma-misinterpret niya ang closeness namin. Ex-bestfriend siya ng asawa ko kaya sa oras na malaman ni Rowan na pumunta rito si Simon at pinapasok ko pa sa silid namin tiyak na magagalit iyon. “Ma'am! Helena! Helena!” Hinihingal na sigaw ni Selena–sapo sapo niya ang kanyang dibdib. “Bakit ka tumatakbo? Anong mayroon? Nakauwi na ba si Simon?” Tumango siya. Lumapit siya sa akin. Inabot niya ang kapiraso ng papel.“Nakalagay sa mail box.” Napapikit ako nang buksan ko ang papel. “Helena, anong nakalagay?” Tanong ni Selena. Nanginginig kong inabot sa kanya ang papel. Kumunot ang noo niya. “Hello, Helena, how's your night with your husband? Do you have s*x with him? Anyways, I have some fantastic news to share with you. Don't be mad at me, ha, kasi hindi ko naman intention na sirain ang relasyon niyo. I swear! You know what may nangyari sa amin. Hindi ko naman inisip na magagawa niya iyon sa akin pero nangyari, Helena. For heaven's sake, he's the heir of Hidalgo's Corporation! Sino ba naman ako para tanggihan ang blessing diba? I know naman na nagtataka ka kung sino ako pero isa lang naman 'yung dapat mong tandaan na wala kang silbing asawa.” Mas lalong uminit ang ulo ko nang matapos basahin ni Selena ang sulat. “Bakit ganiyan ka makatingin sa akin, Helena?” “Tell me the truth, Selena, may relasyon ba kayo ng asawa ko?” “Helena naman! Wala nga kaming relasyon. Sa tingin mo ba papatulan ako ng asawa mo?” “Kung patulan ka niya, papatutulan mo ba siya?” Napalunok si Selena sa sinabi ko. I knew it. May possibility na siya ang kabit ng asawa ko. “What? Hindi! Hindi ko type ang asawa mo, Helena. Mas gugustuhin ko pa na makasama si Simon kaysa kay Rowan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD