Chapter 1

2167 Words
            When you fall for someone's personality, everything about that someone is admirable. "Maybe," I murmured. I closed the book I’m reading and glances at my wristwatch. I already finished reading 1 chapter of the book and yet, Clarence' still not here. I'll extend for two minutes, 'pag wala pa talaga siya aalis na ako, napakaingay rito sa gym. May mga babaeng nagba-basketball. Binuksan ko na lang ulit ang aklat, sayang ang oras. Biglang gumulong ang bola nila malapit sa akin. "Oops, sorry muntik ka pang matamaan," ani isang babae na kumuha ng bola. She smiled and even winked at me. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pinagtumpukan siya ng mga kasama niyang naglalaro ng basketball. Well, it’s cool for a girl being sporty. Nag-umpisa na ulit silang naglaro kaya bumalik ako sa pagbabasa ng aklat. Maya-maya'y I'm already distracted dahil dito palagi napupunta ang bola, hindi ko na nga naiintindihan ang binabasa ko. Psh. Ang tagal naman kasi ni Clarence. Not really a man of punctuality. "Chrys!" Galing ang malakas na boses sa pintuan ng gym kaya napatingin doon ang lahat kabilang ako. Grupo ng mga lalaki at ‘yong sa pinakaunahan nila ay tinapunan ng bola ‘yong babaeng lumapit sa akin kanina. Nakita kong nasalo ng babae ang bola pero hindi rin naman nakaligtas sa paningin ko na napaatras siya dahil sa lakas ng impact ng pagtapon. "Hala si Archo." "Ang init talaga ng dugo niyan kay Chrys." "’Di kaya may gusto siya kay Chrys?" "Aba te, sakitan na pala ang pagpapansin ngayon? Tingnan mo naman oh, halata namang malakas ang pagtapon ni Archo ng bola kay Chrys." "Oo nga, kung 'di nasalo ni Chrys ‘yon ay malamang natumba siya." Rinig kong bulung-bulungan ng ibang estudyante. Tsk. Can't they get their own life? Halatang nagpapalitan ng salita ang dalawa pero hindi masyadong naririnig kung nasaan ako kaya ang ibang mga estudyante ay talagang lumapit pa. Narinig ko rin ang pagsinghap nila. Hmm. By the looks of it and based on my judgement, wala silang affection sa isa't-isa dahil kulang nalang magpatayan sila sa tingin. Maya-maya'y umalis na ang sinasabi nilang Archo. "Tss. So ironic, I’ll never be a threat to you? So why say, gaano man ako kaGALING," malakas na sabi ng babae kaya narinig ko pero umalis na rin ang lalaki kasama ang grupo niya.   "Guys and Gals, Gays and Les, Ladies and Gentlemen. University of Heinstein Women's basketball team captain, the amazing Chrys Clarete! Around of applause please," anunsyo naman ng isang babae. Nagpalakpakan naman ang ibang mga estudyante. Psh. Mga puro pasikat lang. Bumalik nalang ako sa pagbabasa ng aklat dahil unti-unti na ring naglalabasan ang mga estudyante at ang butihin kong kambal ay wala pa rin. Tahimik na ang paligid kaya laking pasalamat ko. Naramdaman kong parang may kung anong bagay ang itinapon sa akin, nakita kong gumulong ang nakalukot na papel sa paanan ko. Who the hell throw this one? Nagpalinga-linga ako pero walang tao, pinulot ko nalang ang papel at binuklat. 'Hi, Clarence my babyboo, did you enjoy watching my oh so great moves? Hihi. Lovelots. Hemwe hemwe hemwe ' Napakunot ang noo ko sa nabasa. This someone just mistaken me for being Clarence. "Oh, Edrian bro. Sorry natagalan."  Tumayo na ako at sa wakas nandito na rin 'tong lunatic na 'to. "Ano pa ba i-e-expect ko sa'yo Clarence?" sagot ko. "Pasensya na, ang hirap makawala kay Prof. Lardizabal. Kaunti na nga lang iisipin ko nang may gusto siya sa akin eh." Napatawa ako sa kagaguhan niya. Kadalasan iniisip ng mga tao na hindi nagkakasundo ang kambal, but it’s different for us. We may have different forte but still we have connected navels. "Prof. Lardizabal's too old to have a crush on you." "Malay mo bro. Para kasing sinasadya niyang lagi akong pagalitan eh para mapatawag ako sa office niya. Alam mo ‘yon?" Itinaas baba niya pa ang kilay. "What?" "Para paraan para masolo ako sa office niya." "Tss." Binatukan ko na nang magising naman "Ouch bro, it hurts." "Umayos ka nga para kang bakla. Ano na? Anong ibibigay mo?" "Oo nga pala." May kinuha siya sa back pocket ng slacks pants niya. "Here, allowance mo sabi ni Mommy." Sabay abot sa akin ng credit card pero tiningnan ko na lang ito. "Didn't I already tell you that I have enough money from my part-time job?" He pushed me to sit back and he seated beside me. "Alam mo bro hanggang ngayon di pa rin kita maiintindihan. We have the money, why do you still need to work your a*s off?" "Our parents have the money not us," pagtatama ko. "As you've said, our parents. It's fully understood na kung anong meron sa kanila ay gano'n din sa atin." "Well it's not like that for me." "Halata nga. ‘Yong binigyan ka na nga ng condo, doon ka pa nagtitiis sa apartment. ‘Yong binibigyan ka na nga ng allowance, nagpapakahirap ka pang magtrabaho." Hindi na ako sumagot. "Pero alam mo wais ka rin eh, hindi mo tinanggihan ang kotseng binigay sa'yo ni Daddy" "Alam mong ayaw kong mag-commute." "Yeah. I know that. Seriously bro, I'm starting to doubt if you are really my twin," aniya na nakalagay pa ang kamay sa ilalim ng baba na talagang nag-iisip kaya binatukan ko ulit. "If you're already doubting just looked at me straight," sabi ko at tumayo na. "Hindi mo tatanggapin 'tong credit card?" aniya at tumayo na rin. Tiningnan ko lang siya at alam ko na kung saan mapupunta ang credit card ko kapag 'di ko tinanggap. "Akin na. Tiba-tiba ka na." At kinuha ko sa kanya ang card at naunang naglakad. "Alright," aniya. Huminto ako nang mapansing hawak ko pa rin ang papel kaya nilingon ko siya. "Anyway, ako na naman ang nakatanggap ng love letter mo," sabi ko at tinapon sa kanya ang papel. "Woah. Pagpasensiyahan mo na bro, sadyang gwapo lang talaga ang kambal mo." "And don't forget that we are twins," sabi ko na 'di na siya nilingon at nagpatuloy sa paglalakad. "Oo na gwapo ka na rin!" Rinig kong pahabol niyang sigaw kaya itinaas ko nalang ang kamay ko as if bidding bye. Tinungo ko na ang laboratory dahil doon ang next subject ko. Pagkarating doon ay sinuot ko ang laboratory gown, ang ibang kaklase ko'y ganoon din. I just fixed myself when Prof. Denzon entered. "Attention everyone! You are requested to go back to your respective department rooms for some announcements regarding Student Council." Aish. Wala kaming nagawa kundi magbihis ulit pagkatapos ay lumabas na rin ako agad at diretsong naglakad patungong Med Department. "Edrian!" Nagpatuloy lang ako sa paglalakad na parang walang naririnig dahil mga babae na namang papansin iyan. "Edrian!" Nabigla ako nang hinila niya ang braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad. I turned at her with blank expression at tiningnan ang kamay niyang nakahawak sa braso ko kaya agad niya itong tinanggal na parang napaso. I don't even know her. "Edrian, may prusisyon daw bukas." "And?" "May prusisyon bukas ang mga bingi at ikaw daw yung magli-lead," nakangiting sabi niya. "May prusisyon din bukas, nakahiga kang mangunguna at sila maglalakad puro nakaitim." Napasinghap siya sa sinabi ko. "Grabe ka Edrian ‘di ka naman mabiro. Anyways, tinatawag kita kasi gusto naming tumakbo ka bilang SC President." Lumingon siya para ipakita ang tinutukoy niyang namin. Maarte namang kumaway ang grupo ng mga babae. "I guess you're already aware how big is my group..." "Im not," maikling sagot ko. "Ouch. You are really out of this world, Edrian. Ikaw lang yata ang hindi nakakakilala sa amin." "There's always an exception." "Alright. To get you out in that exception list even though I'm badly offended that you don't know me." She offered her hand for a shake hands "I'm Cleya Theofel, leader of Dulcet Sorority." Tiningnan ko lang ang kamay niya kaya ibinaba niya na lang ito. "As always, suplado ka talaga Edrian. Well anyway, ‘yon nga we want you to run for SC President and… if I'm going to support you in this SC Election, with 100% assurance mananalo ka."  "You want me to run, but I don't want to. So, thank you for the offer," I said sarcastically and continued to walk. SC Election. Psh. I don't want to be involved in any clubs or groups or what. It’s just a waste of time, wala rin akong makukuha riyan. Plus, this is my last year being a college student and I don't want to have hectic schedules. "Wait! Edrian!" Hinila niya na naman ang kamay ko. Napapikit nalang ako at pinasadahan ng kamay ang buhok ko para humaba naman ang pasensiya ko. "Are you really sure you're turning down my offer?" she asked as if it’s a matter of life and death. "Without a doubt, 100% sure." At dumiretso na ako papasok ng classroom. "Think about it, Edrian! I'll get back to you later. " Rinig ko pa ang sigaw niya bago ko nasara ang pinto. "Good morning. Last year we haven't had our Student Council Election due to lack of time and so, there are no Student Council Officers governing students this school year. We decided that it's not yet too late to have an election. So, may I know who are interested to run for different positions?" Nagsitaasan ng kamay ang iba kong active na kaklase kaya agad naman silang nilista sa desired position nila. "How about you, Mr. Latwick?" "I'm not interested, Prof," I politely answered. "Okay." Nakinig lang ako sa iba pang announcements and at last it's lunch time kaya lumabas na ako. Isang subject lang ang meron ako mamayang hapon kaya pwede na akong makapasok ng maaga sa coffee shop. I'm working there as cashier. Pumunta na akong cafeteria para bumili ng pananghalian. Naghanap muna ako ng table at nilagay ang bag at um-order. Pagkabalik ko sa table ay may bote ng softdrink. Tsk, kaya ko nga nilagay ang bag ko para may pwesto na. Nilapag ko ang tray ng pagkain ko, itatabi ko na sana kung kanino mang softdrink 'to nang may napansin akong papel na nakadikit dito. 'Happy Lunch Clarence my babyboo, quench your thirst with this. Lovelots hemwe hemwe hemwe ' Clarence again. Hinanap ko ang cellphone ko at tinawagan si Clarence. Hindi na ako nag-abalang hanapin pa kung sino ang nag-iwan nito. Yo, bro. What's up? "I received again a letter with softdrink from your stalker." Karismang Latwick bro eh. Nasaan ka ba ngayon? "Cafeteria" Punta ako riyan. Pinatay ko na ang tawag at nag-umpisang kumain.               HINDI NA ako pwedeng magkamali, I'm sure of it. Si Clarence na talaga 'yan. "Dalawang softdrinks? Akin isa?" "Luh, mahiya ka Kyra para kay babyboo 'to no," sabi ko habang nagsusulat sa kapirasong papel. "Bah mabuti pa ang 'di nakakakilala sa'yo nililibre mo, ‘yong kilala ka from scalp to toes, echapwera?" "Dami mo kayang pera." "Ah? Baka nakakalimutan mo? Si Evan Clarence Latwick lang naman ‘yang nililigawan mo? 'Yong pamilyang parang halos saan ka magpunta ay may pagmamay-ari sila not to mention abugado pa mommy nila.” Hindi ko na lang siya pinansin dahil nakita kong pumunta ng counter si Clarence kaya dali-dali ko nang nilagay sa mesa niya ang bote ng softdrink at mabilis na bumalik. "Ayun, dumada-moves. Eh paano kung 'yong kambal niya na naman 'yan?" "Hindi na. I'm sure this time si Clarence na 'yan." "Eh baka nagkakamali ka na naman, ano bang palatandaan mo sa kanila? 'Yong facial features pareho eh, kahit 'yong style ng buhok. Pumorma ganoon din. 'Yong skin color wala ring pinagkaiba. Kung sa ugali naman parang pareho namang suplado…" "Sshh ingay mo, bumalik na siya." Ang pwesto ko kasi nakaharap sa kanya tapos si Kyra nakatalikod kaya panay ang talak. Natahimik naman ang isang 'to at lumipat sa tabi ko. "Oy ano ba mahahalata tayo niyan eh," sabi ko at hinampas siya. "Aray naman 'no? Bigat kaya ng kamay mo." Pasimple ko lang siyang sinusulyapan kaya nakita ko nang binabasa niya na ang note.  "Ganoon lang? Wala man lang ngiti o anong expression?" komento ko. Grabe naman 'tong si babyboo, may emosyon ba 'to? "Nagkagusto ka yata sa bato Chrys eh." "Anong ginagawa sa bato para lumambot?" tanong ko. "So far in my 19 years of existence, wala pa akong nahawakang malambot na bato kaya 'di ko alam.” "Wala ka talagang kwenta, Ky." "Aba bakit may alam ka ba?" "Oo," mabilis kong sagot. "Ano?" "Pakuluan ng pagmamahal," sabi ko with dreamy eyes pero bigla niya akong hinampas. "Aray!"  "Ang corny mo!" Nakita kong may tinatawagan siya. Oh My! Based on my research or should I say stalking activity, wala pa naman siyang girlfriend. Very indulge kaya siya sa pag-aaral. So sinong tinatawagan niya? Mga ilang minuto lang ang lumipas ay may umupong lalaki sa table niya. Inabot niya ang softdrink na nilagay ko sa mesa niya pati ‘yong note. "Uh oh, Chrys…" Uh oh. Not again. Napapikit ako, tinapat ko ang palad ko sa mukha ni Kyra. "Ky, just... shut up. Alam ko kung anong sasabihin mo. Better to wish me luck next time." "Ooh okay, better luck next time. Sana si Clarence na nga talaga sa next time," aniya. Napasabunot ako sa sariling buhok. 'Nak ng pucha talaga eh. Kilatisin ko kaya bawat anggulo ng mukha nila at pag-aralan buong katawan at paraan ng pagkilos nila? Napatayo ako at nahampas ang mesa sa badtrip. "Bakit ba kasing may ipinanganak na kambal?!"  Kahit ako nabigla sa pagsigaw ko kaya napatingin ang lahat ng mga estudyante rito sa cafeteria sa akin, kabilang sina Clarence. Watdapak Chrys!  "Ah ha ha ha! Ang hirap pumili kung sinong mas gwapo kina Tyler at Tanner Mata, ano, Ky?" palusot ko habang nagdahan-dahang umupo at siniko si Kyra. "Ha? Ah! Oo! Kambal eh." Jusko. Grim Reaper? Kunin mo na ako please. ‘Yong cause of death, embarrassment. ----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD