Chapter 3

1284 Words
             PAGPASOK ko pa lang ng gate ay sumasalubong sa akin ang dalawang malahiganteng tarpaulin kung saan nakasulat ang dalawang partido na maglalaban sa SC Election. Nagulat ako nang mabasa ko ang mga pangalan ng tumatakbong presidente. The AlphaBeta party which is led by my brother, Clarence. How's that? Anong pumasok sa kukote nito at tumakbo? If I have socialization issue, meron din naman siya. Kumbaga sa cancer, nasa final stage na ako at nasa stage 2 siya. Mabuti na lang at wala talaga sa isip ko ang mga Student Council na 'yan. Kung tumakbo ako kakumpitensiya ko pa ang isang 'to. I read the other tarp and it says, The Ultraviolet Party which is led by Chrystienne Brielle Clarete. Her name seems familiar. "See that space there? It should have been your name." Cleya again. Seriously, wala bang buhay 'tong mga babaeng buntot niya? "I thought you have your word?" Kunot noong tanong ko. "Oops, so hot. Does seeing me really bugs you a lot?" "Yes, really and a lot," diretsang sagot ko. "Uhm. . .that's so blunt." "Tss," then I walked out. Dumiretso na ako sa Medical Department Building. It is always been my dream to become Cardiothoracic surgeon that's why I’m studying regarding that profession while Clarence is in Tourism and Management Department taking HRM course. Nasa 4th floor ang first subject kaya tinatahak ko na ang hallway patungo roon. "Mr. Latwick?" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses and if I'm not mistaken it's the former SC President Ms. Gabriella Sylvior. "Ah, Evan?" Lumapit siya ng kaunti sa akin "Uhm. . . I'm not sure if you're Evan or Edrian but I hope you're Evan I've been searching for you since this early morning." Kita ko ngang mukhang kanina pa nga siya naghahanap dahil medyo haggard na siya umaga pa lang. She looks like she doesn't care of how she looks, unlike any other girls here na kulang nalang ikwintas ang salamin. "I'm. . .Edrian." She let out a heavy sigh after I introduced myself. "Ugh. If by any chance you'd see him, can you please tell him to see me at SC Office this lunch break. There are important matters we need to discuss about the SC Election with our adviser and the other party." "Sure." "Thank you, Mr. Latwick." Tumango lang ako at umalis na rin siya kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad putting my hands back on my pocket. Woman like Ms. Sylvior is like an endangered species, bilang na lang sa mundo ang mga babaeng pormal. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang biglang may babaeng sumulpot sa harapan ko, nang huminto ako ay umisod siya sa bandang grills. Ipinatong ang dalawang siko sa grills at ikinrus pa ang paa, dagdag pa ang pagkain niya ng chewing gum. Tsk. Tsk. Napakabruskong babae. "Hey babyboo, I love you," sabay kindat niya pa. Hindi ko maikakailang umangat ang gilid ng labi ko dahil sa aksyon niya pero agad din akong bumawi at tinaasan siya ng kilay. "Tss. People nowadays say I love you as if they're just saying hello." "Ah so hello." At kinaway pa ang isang kamay. "I'm. . .Edrian,” pagpapakilala ko  Nahulog ang kaliwang siko niya sa grills at napaayos siya ng tayo na para bang nakita niya ang general at handa ng sumaludo. "And I'm not your babyboo,” dagdag ko pa kaya napakamot siya sa sentido. "Ah hindi, alam mo 'yong truth or dare na laro? Natalo ako eh kaya dinare nila ako na kung sino man ang unang taong dadaan dito. . .ayun. . . sige bye." Dali-dali siyang pumasok ng classroom na nasa gilid ko. "Shet Kyra! Ang ganda ko tangna! Pakipatay nga ng Edrian na 'yan nang hindi ko na maipagkakamaling siya si Clarence babyboo. Tangna hooo! Pahiya ako do'n ah?!" Hindi pa ako nakakaalis sa pwesto ko kaya rinig na rinig ko mula sa classroom nila ang tantrums niya. Napailing na lang ako. How funny, someone wants to get rid of me because of looking like Clarence. Hahakbang na sana ako para makapagpatuloy ng paglalakad nang may nakita akong nalaglag na ID, minsan lang din naman ako maging concern kaya pinulot ko. It has the picture of the woman a while ago.   Chrystienne Brielle S. Clarete Medical Department   Ah, siya 'yong makakalaban ni Clarence? I'm not seeing any leadership potential in her.   Dumiretso na ako sa room at napakagandang timing na may oral recitation kami. It's alphabetical kaya medyo matagal pa ako. Hindi pa naman ako nakapag review kagabi. Ang hindi nakakasagot ay singko agad sa recitation na ito. "For your question Mr. Latwick, What is DNR?" "DNR or completely means Do Not Resuscitate. It is tagged to a patient that when the sudden attack comes, the patient is not advisable for resuscitation due to conflict with respiratory system." "Very well said, as always Mr. Latwick. Okay next. . ." The recitation goes on until bell rings. I finished my four subjects and decided to take lunch at the cafeteria again. I'm searching for my wallet in my pocket and I got this ID of that woman. Chrystienne Brielle S. Clarete Medical Department   May bigla akong naalala, "Hey babyboo, I love you." Okay. I think I can sort things out. Siya ang kalaban ni Clarence sa SC Election, siya ang team captain ng woman basketball team which, she is called Chrys. Tama nga naman, Chrystienne 'yong pangalan niya eh. 'Hi, Clarence my babyboo, did you enjoy watching my oh so great moves? Hihi. Lovelots. Hemwe hemwe hemwe.' 'Happy Lunch Clarence my babyboo, quench your thirst with this. Lovelots hemwe hemwe hemwe.' 'Hey babyboo, I love you.' I dialed Clarence' number as I walked to the cafeteria. "Bro, where are you?" Cafeteria. Having lunch. "Alright. Order foods for me.” What? Ako ang magbabayad? Hey! I ended the call. Siya ang palaging tumatanggap ng allowance pero pakiramdam ko mapera pa ako sa kanya, napakamagastos naman kasi. Ngayon, ngayon lang naman ako magpapalibre sa kanya. Pagpasok ko ng cafeteria ay maraming estudyante. Nakita ko siya sa pinakagilid na bahagi. See? He also has socialization issue. Tinungo ko ang table at nakitang may tag dadalawang serve ng pagkain. "Bayaran mo 'yan ah." "Sure," sabi ko lang dahil I'm sure makakalimutan niya rin mamaya. Nilaglag ko sa mismong harapan ng mukha niya ang ID ng admirer niya pero hinahawakan ko pa rin ang sling. Parang hini-hypnotize ko siya sa lagay namin. "Baka gusto mong ilayo? Nakakaduling ah." Mas iginalaw galaw ko pa ang ID, hinawakan niya naman ito at inilayo sa mukha. "Chrystienne Brielle S. Clarete. Oh? Ano meron? Don't tell me type mo? Well, maganda naman siya, maputi and oh look at her nose. Just perfectly pointed," dire-diretsong sabi niya. "Your curious with your babyboo hemwe girl, right?" Tumango lang siya. "You are also curious with your rival party, right?" Tumango ulit siya. "Haven't you read yet, beside the announcement board. You have your name in that gigantic tarp as presidential candidate for SC Election—" "Oh, anyway 'di ko ba nasabi sa'yo ang pagtakbo ko? I just want to experience it. But what about my rival party? I haven't heard nor read yet the information." He even shrugged his shoulder like it's no big deal. Umupo na ako sa upuan at inilapag ang ID. "Ms. Clarete, Women's Basketball team captain. Ultraviolet Party Presidential Candidate." "Huh? This girl?" "Yes. That girl who happened to be your hemwe girl." "Huh? She's the one sending those letters? She's the hemwe girl?!" "Do you really want me to repeat it all?" Ngumisi lang ang gago, "Hemwe hemwe hemwe," na nakanguso pa. "Tsss." Umupo na lang ako at nag-umpisang kumain. Nauna siyang natapos sa pagkain, "Bro, una na ako." "Ah, wait. I forgot may meeting kayo sa SC office with the SC Adviser, Ms. Sylvior and... Ms. Clarete" "What? Ba't ngayon mo lang sinabi?" "As I've said I forgot." I glanced at my wristwatch. "There's still more time, makakahabol ka pa." Nagmamadaling umalis nga siya. Nakita ko pang nakalabas ang sling ng ID ni Ms. Clarete mula sa back pocket ng slacks niya. Napailing iling na lang ako. -------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD