Chapter one: The untold story

837 Words
chapter 1: Nicolette: Aga pahiram nga ng pen mo? Ang aga aga nanghihiram ng ballpen hindi pa nga ako nakaka upo. Wala pasigaw kung sagot.. sumimangot ito na parang pato akala ata nito ay madadala niya ako sa pa cute effect niya well sad to say wala akong paki kahit umabot pa ng edsa nguso nito.. Nicolette: sige na ganda pahiram na ako hindi ko pa kasi natatapos ung homework natin sa math. Hindi ko nalang ito pinansin. Tumayo ako at naglakad patungo kay Casper. Pahiram ng pen kalabit ko dito nakakunot noo naman itong tumingin sa akin pero inabot parin nito ung ballpen. Kay Nicolette mo kunin itong pen siya hihiram. Walang gana kung sabi. Nicolette: Hoy Gaga bat doon kapa nanghiram.. namumula nitong sita sa akin. Ang gaga kinikilig na naman. 3 years niya na kasing gusto si Casper pero bokya dahil may jowa ito. Inirapan ko nalang ito at nagpatuloy sa panunuod ng MSA. Para ka talagang bata. Sabi pa nito bago tuluyang bumalik sa upuan nito. Raya: kain tayo Nicolette: Saan nio gusto? Iahna: kila nanay doring nalang tayo kumain para malapit ayaw ko ng maglakad ng malayo.( maktol nito) Thierra: Kahit kailan ka talaga Iahna. ( umiiling nitong sabi) Gusto mo lang makita si kuya Liam. Iahna: ay talaga ba( pairap pa nitong sagot na hata mong naiinis) Raya: Enough ( sigaw nito) I'm hungry kaya manahimik kayo baka kayo kainin ko. Nakamasid lang ako sa kanila habang patuloy na nagbabangayan. Hindi ko alam kung paano nagsimula ang friendship namin. Kumaway sila sa akin at agad naman akong tumakbo palapit sa kanila. I treasured every moment na kasama ko sila. Natapos na kaming kumain at dahil wala na kaming klase ay naisipan namin munang maglaro sa arcade sa SM. Malapit lang kasi ito sa university na pinapasukan namin. Isang sakay lang ng jeep at boom nasa SM na kami. Halos pagabi na ng maisipan naming umuwi. Hindi na namin namalayan ang oras sa sobrang saya namin. Nagkanya kanya na kaming uwi dahil iba-iba ang rota ng sasakyan namin. Bandang 8 pm na ako ng makarating sa bahay. Sarado na ang mga ilaw. Saktong pagpasok ko ng marinig kung nag aaway na naman sila mama at papa. Lalabas na sana ako tulad ng nakagawian ko tuwing naabutan ko silang nagsasagutan. Ngunit isang malakas na sampal ang narinig ko sabay ng pag iyak ni mama. Sunod sunod na tunog ng sampal ang naririnig mula sa loob at sigaw ni mama. Akala ko tapos na ngunit ng balak ko sanang buksan ang pinto ng makarinig ako ng parang may isang bagay na tumama sa isang matigas na bagay. Agad kung binuksan ang pinto at laking gulat ko ng makitang makahandusay si mama sa sahig habang may dugo sa kanyang ulo. Tiningnan ko si papa ngunit mala demonyo ang nasa harapan ko isang demonyong handang patayin si mama.Sa takot ko ay agad akong napa atras ngunit ng mahagip ng paningin ko ang bahagi kung nasaan si mama ay agad napalitan ng galit ang takot. Agatha: Pa anong ginawa mo( Galit Kong sigaw) lumapit ako kay mama at inalalayan itong makatayo. Papa: kasalanan yan ng mama dapat lang yan sa kanya.( Galit nitong Turan sa akin) Dalhin natin sa hospital si mama para matingnan ang ulo niya. Umiiyak ako habang sinasabi kay papa ang dapat naming gawin ngunit isang masamang tingin lang ang naging sagot nito. Akmang ilalabas ko na si mama ng biglang humarang si papa sa harapan ko sabay sampal sa akin. Nagulat ako at hindi alam kung anong gagawin o mararamdaman ko. Walang aalis sigaw nito sa akin. Sasagot pa sana ako ng biglang itaas nito ang kanyang kamay akmang sasampalin ulit ako nito ng humarang si mama. Tama na nanghihina at umiiyak si mama. Ako nalang ang saktan mo wag si Agatha parang awa muna. Humawak pa si mama sa binti ni papa habang nakaluhod at patuloy na nagmamakaawa na huwag akong saktan ni papa. Walang aalis galit at nakadirektang tingin ni papa sa akin. Subukan mo lang umalis o magsumbong sa pulis mamatay ang babaeng ito sabay sipa kay mama. Niyakap ko si mama habang patuloy na umiiyak. Gusto kung magwala at sumabog sa galit. Galit na galit ako kay papa pero mas galit ako kay mama at sa sarili matagal na bang ganito ang nararanasan ni mama sa kamay ni papa pero bakit wala akong alam. Akala ko normal na ayaw lang ang nangyayari sa pagitan nila ni papa pero bakit may ganito. Blanko ang utaka ko habang ginagamot si mama. Hindi na ako umiiyak ngunit ukopado naman ang isip ko ng tanong kung bakit naging ganito ang pagsasama nila ni papa. Wala man lang akong ideya na kayang saktan ni papa si mama. Si papa ang kilala kong tao na walang masamang tinapay sa katawan ngunit mali ako demonyo pala ang tinitingala kong ama. Balak ko sanang lumabas upang makapagbihis ngunit pagkarating ko sa pinto ay naka lock na ito.. Ang magaling kung ama ay ni lock kami ni mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD