Justine's Pov Nakatulala lang ako sa classroom, marami akong iniisip lalo pa ang banta ni Aron. Matapos nila akong gamitin ay na trauma ako at kahit na konting daplis lang ng kahit sino ay nakakaramdam ako ng matinding takot. Pansin ni nanay ang pagiging tahimik ko sa mansion, at ni marcus naman sa klasi, lagi pa ako nitong tinatanong kung may problema daw ba kami ni miguel tanging sagot ko lamang ay wala. Habang naka tulala ako ay may humarang sa aking harapan , agad kung tiningala ito at nakita ko ang malademonyong ngisi ni Aron na nakatitig sakin. Ang mukha palang niya ay nagbibigay na sakin ng takot, lalo pa ng haplusin niya ang kamay ko na nag patayo ng balahibo ko at panginginig ng katawan ko. Hinila ako nito, labag sa aking kalooban ngunit wala akong magawa ni pag tutol dahil n

