12 (Last Part)

814 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full --------------------------------- Nanlaban ang tiyuhin ni Jerry. Nagpambuno sila. At dahil madilim ang lugar at sa bilis ng pangyayari, hindi ko masyadong naaninag ang pagpapalitan nila ng suntok. Hindi ako nakapagsalita agad. Gusto ko sanang awatin si Jerry ngunit hindi ko na nagawa pa ito. Natulala ako sa hinid inaasahang pangyayari. At kung gaano kabilis ang pagsugod at pagpaulan ni Jerry ng suntok sa kanyang tiyuhin, ganoon din kabilis ang pagbagsak niya sa kalsada. At nakita ko na lang na nagtatakbo ang kanyang tiyuhin papasok sa gate ng kanyang bahay at isinara ito. Dali-dali kong nilapitan si Jerry na hindi na halos kmilos. Inalog ko ang kanyang katawan. "Jerry???? Jerry???" Ngunit ungol lang ang narinig ko sa kanya. Habang patuloy ko siyang inalog, naramdaman ko namang nabasa ang aking kamay. Inaninag ko ito sa kaunting sinag na nanggaling sa ilaw ng poste ng kalsada. Doon na ako napasigaw nang nakita ko kung ano iyong likido sa aking kamay - dugo. "JERRYYYYYYYYYYYYYYY!!!" ang sigaw ko. Nagsilapitan ang mga pinsan ni Jerry at nagsisigaw na rin. "Kuya! Kuya! Kuyaaaaaaaaa!!!" Agad kong inutusan ang mga pinsan ni Jerry na tawagin ang mama ni Jerry at mama at papa nila. Hindi ko kasi alam ang gagawin at hindi ko kabisado ang kanilang lugar. Dali-dali naman silang tumalima. Habang hinintay ko ang pagdating ng inay ni Jerry at mga kamag-anak niya, umupo ako sa kalsada at isinandal ko ang katawan niya sa aking katawan habang niyayakap ko siya. "Jerry, huwag kang bumitiw. Lakasan mo ang loob mo, 'tol! Darating na ang inay mo 'tol. Tatagan mo ang iyong sarili 'tol. Please!" "S-salamat... M-mahal k-k-kit-taaa" ang narinig kong halos pabulong na sabi niya't halatang nahirapan sa pagbigkas at hindi makahinga. Pilit niyang inangat ang kanyang kanang kamay patungo sa aking mukha. Ngunit hindi na niya nakayanang gawin ito. Bigla itong bumagsak sa semento. Doon na umalingawngaw ang aking sigaw. "JERRRRRRRRYYYYYY!!! JERRRRYYYYYY!!!" Saklolo! Saklolo po!!! Dumating ang ang inay ni Jerry at ang mga tiya at tiyuhin niya. Dinala agad siya sa pinakamalapit na ospital. Ngunit huli na ang lahat. Dineklarang dead on arrival si Jerry. Dalawang saksak ang natamo niya sa dibdib na tumagos sa kanyang puso at ang isa ay sa leeg siyang dahilan upang bumulwak ang maraming dugo. Mistulang gumuho ang aking mundo sa nangyari. Para akong nawalan ng lakas at pag-asa. Parang gusto kong magalit sa Diyos. Sa sobrang depressed ko sa pagkakataong iyon na tila gusto ko na lang din na magpatiwakal. Hindi ko matanggap ang katotohanang sa isang iglap lang ay nawala siya. Wala na akong nagawa pa kundi ang umiyak nang umiyak. Inilibing si Jerry pagkatapos ng limang araw na burol. Sa paglibing sa kanya ay ibinuhos ko ang aking mga hinaing. Sinisi ko siya kung bakit hindi niya pinanindigan ang kanyang pangakong hindi niya ako iiwan, na hindi niya ako pabayaan. Sinisi ko siya kung bakit ang payo niya sa akin na huwag magtanim ng galit sa puso ay hindi niya magawa sa kanyang sarili, dahil kung hindi sa matinding galit niya sa kanyang tiyuhin, hindi sana hahantong ang lahat sa kanyang pagkamatay. Sinisi ko siya sa pagiging marupok niya, kung saan ay abot-kamay na lang sana niya ang katuparan ng kanyang mga pangarap, saka pa siya bumigay at sumuko. Pagkatapos na pagkatapos ng libing ni Jerry ay umuwi akong mag-isa. Hindi ko na tinapos ang pasiyam gawa nang kailangan kog pumasok na ng eskuwela. Limang araw ang burol ni Jerry at hindi ko kayang magtagal sa lugar na iyon. Tila tinotorture ako. Tila unti-unti rin akong pinapatay. Sa paglakbay ko pabalik sa aming lugar ay doon ko mas lalo pang naramdaman ang lungkot ng pag-iisa. May takot, may panghinayan, mag pagsisisi, may galit. Kung gaano ako kasaya nang patungo pa lang kami ni Jerry sa lugar nila ay kabaligtaran naman sa sandali ng aking pag-uwi. Sa buong walong oras na biyahe ay walang humpay ang aking pag-iyak. Nang nakarating na ako ng bahay, agad kong kinuha ang pinalaminate niyang litrato na regalo sa akin ni Jerry. Pinagmasdan kong maigi ito. Tila isang imahe ito kung saan ay pag-aari namin ang mundo. Sa litratong iyon ay saklaw namin ang aming kapalaran. Ang paghawak niya sa manibela ng bisekleta habang ako ay nakaangkas ay tila nangangahulugang siya ang aakay sa akin at sa aming relasyon patungo sa kung saan man niya gustong dalhin nito; kung saan kami ipadpad, kung saan patungo ang aming buhay. Sariwa pa sa aking isip ang pagbigay niya sa akin sa regalo niyang iyon, "Itago mo siya, 'Tol para kahit ano man ang mangyari, hindi mo ako malilimutan. Kapag nakita mo iyan, palaging mananariwa sa isip mo ang sandali kung saan ay sarili natin ang mundo." Mistulang isang masamang pangitain ang pagkasabi niyang iyon sa akin. Parang alam niya na mawawala siya sa akin. Parang alam niya na iiwan niya akong mag-isa... WAKAS.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD