Tahimik na nakaupo si Aphrodite sa harap ng malaking vanity mirror. Sunod-sunod ang galaw ng mga makeup artist at hairstylist sa paligid niya. May nag-aayos ng belo, may naglalagay ng huling touch ng setting spray, habang ang iba naman ay inaayos ang laylayan ng napakamahal niyang wedding gown. Sa labas ng bridal suite, abala ang buong Lagdameo family sa pag-aayos. May mga coordinator na paroo't parito, may mga bodyguard na nagbabantay, may mga kamag-anak na dumarating. Ngunit sa gitna ng lahat ng kaguluhan, tahimik lang si Aphrodite. Parang hindi siya excited sa kasalan na iyon dahil alam naman niya kung anong mangyayari mamaya sa simbahan. Nakatitig siya sa cellphone niya, sa locked screen, wala. Wala kahit isang bagong notification. Hindi niya alam kung pang-ilang beses na niya iy

