Isang hapon... Katatapos lang ng duty niya at agad na siyang umuwi galing paaralan. Pagbukas ng pinto ng elevator, napaawang ang labi niya at nainis nanaman. "Maron?" Nakatayo ito sa hallway nanaman. Ilang buwan na ito pabalik-balik sapol ng umalis si Vance na parang alam nitong wala ang asawa niya. May dala pang bulaklak madalas, napairap agad siya na nilampasan ito. "Ano bang ginagawa mo rito? Hindi ka na ba talaga na hihiya?" Hindi agad sumagot ang lalaki. Sa halip... Iniabot nito ang isang brown envelope. "Basahin mo muna ito, tingin ko kailangan mo itong makita." Hindi niya iyon tinanggap. "Wala akong interes sa kahit ano man laman niyan." "Please." Napabuntong-hininga siya. Kinuha niya ang envelope ng pahablot. Pagbukas... Nanlamig ang mga kamay niya. Mga legal documents, co

