Bitbit ang basket ng mga confiscated items, dere-diretsong naglakad si Aphrodite patungo sa faculty room. Mainit pa rin ang ulo niya, mas uminit pa lalo dahil sa lalaking nakabanggaan niya kanina. Sobrang kahihiyan ang inabot niya dahil sa nangyari pero kapag na iisip niya ang sinabi ng lalaki parang kumukulo talaga ang dugo niya.
"Volunteer daw siya? Kapal ng mukha!" Napapailing siya habang bitbit pa rin ang basket na dala niya para dalahin sa faculty.
"Hindi na talaga marunong rumespeto ang mga lalaki ngayon." Napabuntong-hininga siya na napailing.
Not knowing na meron isang lalaki na nakangiting nakasunod sa kanya. Hindi para hahabulin ang babae dahil interesado siya rito.
Well... Hindi lang iyon ang dahilan. Mas importante... Nasa basket nito ang cellphone niya.
"Miss Nurse!" tawag niya. Hindi man lang lumingon ang babae. Mas lalo pa nitong binilisan ang lakad. Napakamot siya sa batok.
"Looks like she's mad as hell." Pagdating ni Aphrodite sa faculty room, agad niyang inilapag ang basket sa mesa. Isa-isang isinalansan pero item ang mga confiscated items sa kani-kanilang lalagyan ng may aninong huminto sa pintuan.
"Excuse me..." Napalingon siya at doon niya muling nakita ang lalaking kanina pa bumubuntot sa kanya. Naningkit ang mga mata niya.
"Talaga? Sinundan pa niya ako... Dahan-dahan siyang napalingon at eksakto ngang nakita niya ang lalaking kanina lang ay may lakas ng loob na asarin siya gamit ang pink na silicone toy. Nakahawak ang dalawang kamay sa bulsa habang diretsong naglalakad papunta sa kanya. Bahagyang nakangiti parang walang nangyari. Nagliwanag ang mga mata ni Aphrodite. Hindi sa tuwa kundi sa inis.
"Kapal ng mukha...guwapo nga buwisit naman." Huminto si Vance dalawang dipa ang layo.
"Excuse me—" Hindi na siya pinatapos.
"What do you want?" Ngumiti si Vance.
"I think—"
"Listen, Mister." Mariin niyang itinuro ito.
"Hindi ako isa sa mga babaeng puwede mong landiin." Napakurap si Vance.
"What?"
"Kung iniisip mong matutuwa ako sa mga bastos mong biro kanina, dahil guwapo ka, nagkakamali ka." Sandaling natahimik ang faculty na iilan lang ang tao at mga busy pa sa kanya-kanyang trabaho. Napakamot si Vance sa sentido.
"I think there's a misunderstanding."
"Misunderstanding?" Bahagyang tumawa si Aphrodite.
"Sinundan mo ako hanggang dito."
"Because—" hinawakan ni Aphordite ang braso ng lalaki at at hinila ito palabas ng faculty patungo sa corridor.
"Ano? Gusto mo pang makita kung akin ba talaga ang confiscated item?" Napabuntong-hininga si Vance.
"No."
"Look and Listen carefully. Hindi ako interesado sa katulad mo." Napataas ang isang kilay ni Vance na gustong matawa, bago yun sa pandinig niya na meron isang babaeng nabubuhay na hindi interesado sa kanya.
"Really?"
"Oo."
"That's... surprisingly painful."
"Good."
"Huh?"
"Kanina mo pa ako sinusundan."
"No—"
"Akala mo yata matatakot ako sa'yo." Napailing si Vance.
"Miss, that's not it—" Isang hakbang pa lang ang inilapit nito ay mabilis nang pumorma si Aphrodite.
"Last warning." Napataas ang dalawang kamay ni Vance na huminto sa paglapit sa dalaga.
"Easy. Just hear me out first—"
"You don't get to ask for my patience after testing every last bit of it."
"Just listen first, Miss... I don't really care whether that d*ldo is yours or not." umasim naman ang mukha ni Aphrodite.
"Then why bring it up in the first place?" Napabuntong-hininga si Vance.
"Looks like I'm not going to get a chance to speak." Bulong ni Vance.
"Look Beauty... I'm not here to cause a trouble... I don't care how beautiful and sexy you are—making assumptions is still wrong. Besides, I'm not interested in women who are scarier than a dinosaur." wika ni Vance kaya sa isang iglap, sumugod si Aphrodite na tuluyan ng napikon talaga, mabilis niyang iniangat ang tuhod. Diretso sana iyon sa pagitan ng mga hita ni Vance. Ngunit sanay sa iba't ibang martial arts, mabilis na nahawakan ni Vance ang tuhod nito bago pa tumama sa gitna niya.
"I got you." Bahagyang ngumiti si Vance.
"You're way too aggressive—" Hindi na niya natapos ang sasabihin. Dahil sa isang mabilis na galaw. Hinawakan ni Aphrodite ang pulsuhan niya. Umikot ang katawan nito. At parang sako ng bigas na bumagsak si Vance sa sementadong sahig.
"Ugh!" Nanlaki ang mga mata niya.
"F*ck—" Hindi pa siya nakakabawi. Nakadiin na ang isang tuhod ni Aphrodite sa dibdib niya habang nakapilipit ang isang braso niya sa likod dahil sapo niya ang nasaktan na balakang.
"Subukan mo pang lumapit." Mariing sabi ng babae.
"Babaliin ko ang isa mo pang balikat." Napasinghap si Vance. Pakiramdam niya'y nawala ang hangin sa baga niya. Ang puso niya sobrang bilis ng t***k habang nakatitig sa babeng ito, dapat galit siya at nag mumura pero hindi iyon ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon at hindi siya sigurado kung ano iyon.
"She's not a woman... She's a monster." Napangiwi siya.
"H-Hey..."
"Anong hey?"
"Wait.."
"Hindi ka ba naturuan ng magulang mo na rumespeto ng babae?"
"Ahhh! It's hurt."
"Mas masasaktan ka pa kapag lumapit ka ulit sa akin." Hingal na hingal siyang nagsalita saka tumayo ng ayos.
"Believe me, I wouldn't approach you if it weren't necessary, but I need my phone." sagot naman ni Vance na bumangon na napapangiwi na hawak ang balakang niya.
"What?"
"My phone." nagsalubong ang kilay ni Aphordite.
"It must've fallen when we bumped into each other." Unti-unting nagdikit ang dalawang kilay ni Aphrodite.
"I think it got mixed in with the phones in the basket." Parang may malaking bombilyang biglang umilaw sa isip niya ng dalaga. Awang ang bibig na mabilis siyang napapasok sa loob ng faculty at tiningnan ang mga cellphone na naconfiscate at meron dun siyang nakilala kakaibang phone, halatang mamahaling smartphone na hindi bahagay sa elemetary at high school student. Nanlaki ang mga mata niya.
"Ay, Diyos ko...naman! Dii-dii." Tili niya sa isip niya ng mabilis niya iyong kinuha, pagkabukas ng screen... Wallpaper ng limang batang nakangiti kasama mismo ang guwapong lalaking nasa labas. Hindi iyon cellphone ng estudyante. Hindi rin cellphone ng guro.
At lalong hindi sa kanya. Dahan-dahan siyang lumabas at napatingin sa lalaking naroon pa rin na hinihimas ang likod.
"Ito?" Ngumiti ang lalaki.
"I've been trying to tell you." Napapikit si Aphrodite.
"Nakakahiya kaiinis." Hindi lang pala siya napahiya. Napagbintangan pa niyang manyak ang isang inosenteng tao. Mabigat ang loob niyang iniabot ang cellphone.
"I'm..." Hindi siya sanay magsabi ng salitang iyon.
"...sorry." Tinanggap ni Vance ang cellphone. Sinuri kung may gasgas. Pagkatapos ay ngumiti.
"That's okay." Napabuntong-hininga si Aphrodite.
"Pasensya na talaga. Dala lang siguro ng stress." Hindi niya napigilang mapangiwi.
"Kung alam mo lang..." Muli siyang yumuko.
"I'm really sorry." Tumango si Vance.
"Hmm."
"Ano?"
"I'll accept your apology." Napangiti si Aphrodite.
"Talaga?"
"But..." Nagduda agad siya.
"But?"
"Treat me to a coffee." saglit na parang nag loading ang isip ng dalaga.
"Ano?"
"Coffee."
"Seriously?"
"Very serious." Napa-cross arms si Aphrodite.
"Excuse me, ikaw ang nakabangga sa akin."
"And yet I'm the one who almost got accused of being a stalker."
"Deserve mo rin naman." Napatawa si Vance.
"You're funny."
"Hindi ako nagpapatawa."
"Exactly." Napailing siya.
"Hindi ako manlilibre."
"Okay." Kibit-balikat si Vance.
"I'll just go to the principal instead." Nanlaki ang mga mata niya.
"Ha?"
"I'll ask the principal if accusing a school visitor of harassment is considered normal here." Biglang nanigas si Aphrodite. Kasabay noon...
"Miss Lagdameo." Pareho silang napalingon. Nakatayo roon ang principal. Magkahawak ang dalawang kamay sa likod.
Mukhang seryosong-seryoso.
"Sir..."
"May problema ba rito?" Bago pa makapagsalita si Vance... Nauna nang nagsalita si Aphrodite.
"W-Wala po!" Tumaas ang kilay ng principal.
"Sigurado?"
"Yes, Sir." Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay bumaling kay Vance.
"I'm sorry if our school caused you any inconvenience." Vance smiled politely.
"No problem." Tumango ang principal.
"Miss Lagdameo."
"Sir?"
"I hope this misunderstanding has been resolved."
"Opo."
"Good." Pagkaalis ng principal... Napahawak si Aphrodite sa noo.
"Muntik na ako dun..." Ayaw na ayaw niyang mawalan ulit ng trabaho.
Noong nurse pa siya sa ospital ng pamilya nila, ilang lalaking doktor ang nagtangkang bastusin siya. May humawak ng baywang.
May nang-akbay. May nagbiro nang lampas sa limitasyon. Hindi siya nagsampa ng reklamo. Direkta niyang ipinagtanggol ang sarili.
Resulta? Tatlong doktor ang napilayan. Dalawa ang na-dislocate ang balikat. Isa ang ilang linggong naka-wheelchair. At siya...Ang natanggal sa trabaho matapos umulan ng reklamo at petisyon laban sa kanya.
Kahit Lagdameo ang apelyido niya, hindi niya pinilit gamitin ang impluwensiya ng pamilya. Lumipat na lang siya bilang school nurse. Ayaw na niyang maulit ang nangyari doon sa school walang batang babastos sa kanya. May hahanga at magagandahan na studyante at mga teacher pero walang mangbabastos. Napabuntong-hininga siya. Pagkatapos ay tumingin kay Vance.
"Fine." Napangiti ito.
"Fine?"
"I'll buy you coffee."
"Great."
"But that's all."
"That's all."
"And after that...you disappear." Bahagyang ngumiti si Vance.
"I highly doubt that." Hindi niya alam kung bakit. Pero pakiramdam niya... Hindi iyon ang huli nilang pagkikita.