Maganda at tahimik ang café na pinuntahan nina Aphrodite at Strella. Isa iyong maliit ngunit eleganteng coffee shop na may malalaking glass windows. Bagong open lang yun malapit sa school kaya medyo tahimik pa talaga, mula sa kinauupuan nila ay tanaw ang mga punong sumasayaw sa banayad na hangin. Hindi gaanong matao ang lugar kaya halos ang mahihinang tugtog lamang at tunog ng coffee machine ang maririnig. Tahimik na inilapag ng waiter ang dalawang tasa ng kape at isang plato ng pastries. "Enjoy your afternoon, ladies." "Thank you," sabay nilang sagot. Ilang segundo silang parehong hindi nagsalita. Paminsan-minsan ay humihigop lamang si Strella ng cappuccino habang si Aphrodite naman ay parang abala sa paghalo ng kape kahit matagal nang natunaw ang asukal. Marami siyang gustong itanong.

