"Magsisigaw man si Tyrex ay walang makakarinig sa kanya dahil na itaas sila,kasama ang dalawang aswang na nakahawak sa kanya",kulang nalang y sipsipin ng dalawang alagad ni Menandro ang binata dahil sa parehong naglalaway ang mga ito habang nakatitig ang mapupulang mata sa kanya. "Sino kayo?bitiwan niyo ako,parang-awa niyo na",kaarawan ngayon ng mahal ko,kaya please...maaawa kayo,iyak na may kasamang sigaw ni Tyrex sa dalawang aswang na may hawak sa kanya. Pero tila walang narinig ang mga ito,mas pinabuti pa ang paglipad kasama ang binata hanggang sa may nakitang malaking bato si Tyrex,kita niya ang kasukalan sa ibaba,napapalibutan ng mga naglalakihang puno at para na siyang mawawalan ng malay-tao ng masinghap nito ang malansang amoy,dugo ng tao. Hanggang sa makababa na sila ay hila-hil

