Pinalipas muna ni Menandro ng isang linggo ang pagmamatyag kina Norma at Aurea bago napagdesisyunan nitong magpakita sa mag-ina.
Kasalukuyan na nasa labas ng bahay si Aurea,naglalaro itong mag-isa ng piko.
Ang saya ng pakiramdam ni Menandro ng masilayan ang kanyang prinsesa,lumalaki ito na naging katulad niya.
tama ang sinabi ng kanyang alagad na mas nanaig ang dugong nanalaytay nito sa kanya,sa wakas may lahi na siyang puwedeng palakihin sa pamamgitan ng kanyang anak na si Aurea.
Tanaw ni Menandro sa di-kalayuan ang nasa loob ng bahay na si Norma,tila abala ito at walang oras na tingnan ang anak na kasalukuyan na naglalaro sa labas ng bahay.
Kaya walang inaksaya na sandali si Menandro agad niyang nilapitan ang bata na tuwang -tuwa sa paglalaro.
Ehem,puwede ba akong sumali sa iyong paglalaro?
Huminto sa paglalaro si Aurea ng marinig niya ang boses ng lalaki sa kanyang likuran.
Nilingon niya ito at doon kita niya ang lalaking kasing-edad ng kanyang ama.
Hindi niya alam kung tama ba ang kanyang nararamadaman na para bang may hindi maipaliwanag sa kanyang dibdib pagkakita sa lalaking kaharap.
Pambata lang po ang laro na ito,agad na sagot ni Aurea sa lalaking hindi niya kakilala.
kahit na,alam mo ba?na noong kasing-edad mo ako ay ganyan din ang paborito kung laro,
talaga po?eh,di parehas po tayo ng gusto,nasisiyahang turan ni Aurea,sa kanyang kaibuturan tila ba nakahanap siya ng kaibigan sa katauhan ng lalaking kumausap sa kanya.
Ano po ang pangalan niyo?at taga saan po ba kayo?ngayon lang kasi kita nakita rito sa aming lugar,sunod-sunod na tanong ni Aurea sa di nakilalang ama.
Kinusot ni menandro ang buhok ng anak,napaka bibo at madaldal nito.sa edad nitong limang taon ay matataas na itong magsalita ng tagalog.
Ako nga pala si Menandro,ikaw ano ang pangalan mo?
Ah,ako po?
Pangalan ko po ay Aurea,wala na po kong papa tsaka ang mama ko andun sa loob ,inaasikaso ang aming mga gamit.
Talaga?natutuwa ai Menandro sa sinabi ng kanyang anak,nalaman niyang sinunod ni norma ang kanyang kagustuhan na Aurea ang ipangalan sa kanilang anak.
Opo,tipid na sagot ni aurea kay menandro.
Eh,bakit naman?
Kasi po sabi ni Mama aalis na raw po kami sa lugar nato dahil naalala lang niya ang papa kung di kami aalis rito.
Nagpupuyos ang galit sa dibdib ni Menandro,may plano na naman na magtago sa kanya si Norma.
Pero sa araw na ito hindi na niya mapapayagan na muling ilayo ni norma sa kanya si Aurea.
Aurea,puwede ba kitang mayakap?
Ha?bakit mo tito Menandro?nagtatakang -tanong ni Aurea sa kakakilala pa lamang na si Menandro.
Naalala ko kasi ang anak ko kasing laki muna at kasing edad.
Wow!talaga po?
Eh,di ibig sabihin puwedw ko siyang maging kaibigan dahil magkasing-edad kami tsaka lalaki po ba siya o babae?ang daldal ni Aurea ang gaan -gaan ng loob niya kay menandro.
Kung alam lang nito na si Menandro ang totoo nitong ama ay baka mas matutuwa pa ito.
Kaya isinaalang-alang nito ang damdamin ni Norma,kakalibing lang ng asawa nito.
Saka na siguro siya magpakilala kay Aurea na siya ang tunay na ama ng bata.
Oo,puwede naman tsaka babae ang anak ko aurea kaya puwede na ba kitang yakapin?
Sige po tito menandro,para narin kitang ama ang gaan ng loob ko sayo katulad ng papa kong namatay.
Mabilis na niyakap ni Menandro ang anak,matagal niya rin na inaasam ang pagkakataon na ito,sobrang galak ang kanyang nararamdaman at lalo na ngayon.
Kung gugustuhin niya,ora mismo kaya niyang dalhin sa kanyang kaharian si Aurea,puwede niya itong ilipad paplayo kay Norma.
Pero di niya ginawa dahil mahal niya ang ina ng kanyang anak,tiyak kamumuhian siya nito pag ginawa niya ang bagay na yun.
Sa loob ng bahay ay natapos narin sa ginagawa si Norma duon lang niya naisip ang kanyang anak na nasa labas ng bahay.
Nagpaalam ito sa kanyan na maglalaro kaya pinyagan na niya.
Pero ang ipinagtataka ni Norma .hindi nag-iisa ang kanyang anak,bagkus ay yakap ito ng isang lalaking nakatalikod.
Biglang bumundol ang kaba sa dibdib nito.
Hindi siya nagkakamali, Aurea ito ni Menandro kahit na katalikod ito ay kilalang-kilala niya ang lalaking minsan narin nakasama niya sa iisang bubong.
mabilis ang kanyang naging kilos,agad niyang pinuntahan ang kinaroroonan ng anak at ni Menandro.
Aurea,twag ni Norma sa kanyang anak na yakap parin ni Menandro.
Tumingin naman ang bata pagkuway binitiwan ito ni menandro saka lumingon paharap kay Norma.
Nanlaki ang mata ni Norma ng makita sa kanyang harapan si Menandro,wala itong katandaan ganun parin ang hitsura nito noong una silang magkita.
Mama,siya po si tito Menandro naalala raw niya ang kanyang anak na babae kaya siya yumakap sa akin.
Hindi pinansin ni norma ang sinabi ng anak.
Bagkus ay pagalit niyang pinapasok ito sa loob ng bahay.
Aurea,pumasok ka sa loob,ngayon na!malakas na pagkasabi ni norma sa kanyang anak.
Nahinytakutan na tumakbo patungo sa bahay si Aurea,ngayon lang siya sinigawan ng kanyang ina.
e bakit mo sinigawan ang anak ko ha?norma!
Anong anak?
Hindi mo siya anak kaya puwede ba umalis kana!
Wag muna kaming guluhin,maayos na ang aming kalagayan kaya please lang pabayaan muna kami menandro.
Hindi norma!
Ito na ang oras na bumalik kayo sa sitio mapayapa.
Kung hindi mapipilitan akong patayin ang mga kaibigan mo,ang mga taong malapit sa yo Norma....See More
Hindi Menandro,diko hahayaan na kunin mo ang anak ko.
Mabilis na hinawakan ni Menandro si Norma,puwes kung ayaw mong mawalay sa'yo ang anak natin sundin mo ang aking kagustuhan,uuwi kayo sa sitio mapayapa dahil doon nababagay si Aurea.
Lumalaki na siya Norma,at maalpit ng maisalin sa kanya ang aking trono kaya huwag na huwag mong isipin na makakawala pa kayo sa paningin ko.
Maliwanag ba Norma?tsaka ngayon na wala na si Leandro ako na ang susuporta sa inyong mag-ina.
Kung magmatigas ka parin ay hindi ko na maipapangako na hindi kita masasaktan Norma.
Uuwi kayo bukas na bukas kung saan ipinanganak si Aurea ang prinsesa ng mga aswang.