Chapter 19

632 Words
Uwian na ay magkasama parin sina Tyrex at Aurea hindi man lang ito nakitaan ng pagkatakot,ang sugat rin nito sa bandang leeg,ay nalagyan na ng bandage.kaya hindi na makatawag pansin sa dalagang prinsesa ng mga aswang. Habang ang tauhan ni Menandro ay nasa di-kalayuan ng kinaroronan ng dalawa. Malimit parin na pinapaalala ni Tyrex sa dalaga ang panliligaw nito. Na ang laging sagot ni Aurea ay darating rin tayo diyan,bigyan mo lang ako ng konting panahon na makapag-isip. At dahil totoo ang pag-ibig ni Tyrex kay Aurea ay umoo na lamang ito sa kagustuhan ng iniibig na dalaga. Pagkadating nina aurea at Tyrex sa bahay ng dalaga ay,nagpaalam na ito na uuwi sa kanila. Hindi naman,pinigilan ni Aurea ang binata dahil baka gabihin ito sa daan kung pipigilan pa niya ito. So, Aurea aalis na ako,ikumusta mo na lamang ako sa inay mo. Oo,bah?sige mag-iingat ka sa daan Tyrex ah? Wag na wag kang makipag-usap sa hindi mo kilala. Ok,siya aalis na ako.hmm, Aurea!wala bang goodbye?bago man lang ako aalis?birong-totoo ng binata kay Aurea. Marahang hinampas ni Aurea ang balikat ni Tyrex,ikaw talaga puro ka biro?sige alis kana,baka gabihin kapa sa daan. Sige,na nga,akala ko kasi maka-hirit ng isang halik sa pisnge,hindi pala.kita tayo school bukas ok? Ok po,ba bye na paalam nito kay Aurea. Pagkapasok sa loob ng kotse ay kumaway pa si Tyrex sa dalaga,sa isip at puso niya ito na ang babaeng gusto niyang makasama hanggang sa kanyang pagtanda. Kahit dipa siya sinagot ni Aurea ay malaki ang pag-asang may nararamdaman rin ito sa kanya,yun nga lang dapat pa siyang maghintay. Pag-ibig nga naman bakit nauso pa? Pagkapasok sa bahay ay agad na hinanap ni Aurea ang kanyang nanay normay,nakita niya itong nasa harap ng altar nagdarasal.hinintay muna niyang matapos ang ina bago niya tanungin kung bakit ganun na lamang ang reaksiyon niya ng makitang may sugat si Tyrex sa leeg at may kunting dugo na lumabas dito. Parang bigla siyang nauhaw ng matitigan ang sugat na may lumabas na preskong dugo. At isa pang ipinagtataka ni Aurea bakit unti-unting sumakit ang likod niya na para bang binabanat ang kanyang buto. Kinapa niya para may kunting nakausli rito kailangan niyang makausap ang kanyang ina tungkol sa mga nararamdaman na kakaiba sa kanyang katawan. Sa wakas lumabas narito mula sa pagrorosaryo, oh,anak?mabuti andito kana. Nang makapag-hapunan tayo ng maaga. Oo,nga po ma. Hinatid ako ni Tyrex,yung sinabi ko sayong bagong kakilala?kaya mas napaaga ang pag-uwi ko. Ganun ba?,sige magbihis kana muna Aurea at ako'y maghahanda ng ating hapunan,bilisan mo ng hindi pa lamigin ang ating pagkain.Opo,ma,sandali lang ako. Pagkapasok sa loob ng kwarto ay agad na naghubad ng damit si Aurea,naco-curious siya kung bakit may nakapa siyang 2 bukol sa likuran niya. Pagkatapos ay agad itong tumagilid sa malaking salamin sa kanyang kuwarto.doon nakita niyang meron nga pero maliit pa lamang.tatanungin niya ang kanyang ina tungkol sa kanyang nakita. Samantala nakarating na sa kanila si Tyrex,ang hindi niya alam ay sinundan pala siya ng aswang na sumakal sa kanya kanina sa school. At dahil nga aswang ito,naging mabilis ang kilos nito.nang akmang papasok sa loob ng bakuran nina Tyrex ang kotseng dala nito ay siya namang pagsulpot ng aswang sa harap ng sasakyan ng binata. Na itodo ni Tyrex ang pagpreno pero tumilapon parin ang lalaki sa pader ng kanilang bahay.dahil walang alam si Tyrex na isa itong aswang ay bumaba ito sa kotse at agad na pinuntahan ang lalaking nabangga. Tulungan na sana niya ito ng bigla itong tumayo,at isang nakakapangilabot na hitsura ang tumambad sa binata,ito ang aswang na sumakal sa kanya kanina. Takot na tumakbo si Tyrex palayo sa aswang pero naabutan parin siya nito pagkuwa'y inihagis ng aswang si Tyrex gilid ng pader katulad ng nangyari rito kanina ng nabangga sa kotseng mina maneho ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD