Nagulat ang lahat sa ginawa ni Aurea,mabilis nitong nahila si Tyrex mula sa pagkakahawak sa kamay nito ng dalawang aswang.Akala nila hindi nito makilala ang kanilang bihag,pero hindi,agad nitong niyakap ang binata pagkatapos ay lumipad kasama si Tyrex. Isang malakas na pagtawag ni Menandro ang nagpabalik sa kamalayan ng mga alagad nito,dahil sa bilis ng pangyayari. "Aurea,bumalik ka rito!,hindi dapat maantala ang paghalili mo sa aking trono,dahil lamang sa mortal na lalaking yan?!"sundan niyo ang inyong prinsesa at agad na patayin ang bihag,malakas na utos ni Menandro sa kanyang mga kampon. Nagsiliparan naman ang mga ito,habang papalapit na sina Aurea at Tyrex sa pinakadulo ng pugad ng mga aswang ay nagawa pang magtanong ng binata kay Aurea...Kahit na mukhang aswang na at nakakatakot ang

