"Ahhhh! Heaven!" Biglang sabi ni Van pagkahiga niya sa kama. Kakatapos lang ng wedding reception and it's almost 10. Pumunta agad kami sa kwarto na kinuha sa amin ng wedding organizer kanina. Pagkapasok namin, agad na humiga si Van sa kama sa sobrang pagod. Well, lahat naman kami pagod but of course, it's all worth it. Maraming bisita ang bagong kasal kaya madaming nakapila sa pictorial.The wedding is a blast. Idagdag pa na nakakatawa yung dalawang kasama ko. Si Van kasi, pinagtitripan si Joseph at yung isa naman, kahit inis na inis, sunod pa rin naman siya ng sunod. Boys will be boys. "Mag-ayos na kayo ng gamit natin. I'll just call Mommy." Sabi ko sabay hikab. I made my way to the bathroom to wash my hands. Then I grabbed my phone and dialed my Mom's number. Binuksan ko ang sliding doo

