[VAN'S POV] Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng ingay ng pagbukas ng pinto. My wrist watch says it's quarter to 6 in the morning. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang nurse na pinapalitan ang IV fluid ng mommy ni Reese. Ilang saglit pa, kinuha niya ang syringe na nasa dala niyang tray saka itinusok ang lahat ng laman nito sa IV line. "Good morning, Sir! Sorry po kung nagising kita. Pinalitan ko lang po yung fluid ni ma'am at binigyan na din po ng antibiotic." "No! It's fine. Thank you." I smiled. Nakatulog pala ako ng nakaupo habang nakahiga pa rin sa lap ko si Reese. Tulog na tulog pa rin. Medyo nakanganga siya at humihilik hilik pa. Same old Reese. Noong niya pa lamang ang mga bata, gustung-gusto niya na natutulog sa lap ko tapos yung tinatapik tapik siya sa likod para ma

