Episode 4

1187 Words
Pinapirmahan na sa akin ni Anna ang mga kailangang mapirmahan para sa pagpurchase ng mga bagong equipment dito sa Captured. Binasa ko na rin ang financial reports ng Captured na galing na din sa dalawa pang branches dito sa Pilipinas. May dumating na dalawa pang empleyado galing sa gig. Si Jake at Michelle. Nakita nila yung kambal at tinanong ako kung pwede silang picturan. Pumayag naman na ako kasi sa Paris, laging sila naman ang subject ng camera ng mga empleyado doon. At isa pa, mukha kasing nabobored na sila eh. Matapos ang ilang oras, nagdecide akong umuwi na kami. Pagod na rin ang mga bata at kailangan na nilang magpahinga. Bago kami umalis, nakita kong ipiniprint na nila ang picture ng kambal. Mukhang nakikita ko na ang future ng dalawang to, ah. "Nay, where's daddy?" Tanong ni Charlie pagdating namin sa hotel na tinutuluyan namin. "Baby, bukas pa po siya darating. Halika, bihis muna tayo ni Dane." Binihisan ko muna sila at pinakain. Pagkatapos kumain, natulog na rin sila. It's almost 1am pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Gusto kong matulog pero hindi yun gusto ng isip ko. Kanina pa nga masakit ang ulo ko kasi mula ng dumating kami, hindi pa ako nakakatulog ng maayos. Tapos dahil lang sa lintik na taong yun, hindi pa ako mapakali. Ewan ko ba. Hindi naman ako yung nang-iwan pero ako itong takot na takot. Tiningnan ko ang mga anak ko na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Naiinis ako sa sarili ko kasi masyado akong naduduwag na harapin ang katotohanang siya pa rin ang ama ng kambal. Hindi ko man lang sila binigyan ng chance na ipakilala sa tunay nilang ama. At naiinis ako sa kanya sa pag-iwan niya sa akin. Gusto kong ihambalos ang kamang hinihigaan ko sa mukha niya! Kanina ko pa gustong sumigaw sa inis pero pinigilan ko at may tulog akong katabi. On positive note, nagpapasalamat pa rin naman ako sa kanya at sa pag-iwan niya sa akin. Kung hindi niya yun ginawa, I wouldn't learn how to stand on my own. I wouldn't be independent enough to stand for my kids. Naalala ko pa noon, lagi akong nakadepende sa kanya. Hindi ako nakakakilos mag-isa. Hindi ako nakakagawa ng bagay hangga't hindi tinatanong ang opinyon niya at ng mga magulang ko. Pero mula ng umalis ako sa poder nilang lahat, sarili ko lang ang naging karamay ko hanggang sa dumating si Van. Ipinikit ko ang mga mata ko. Kailangan kong matulog kung ayaw kong maging bangag bukas. Naalimpungatan ako sa medyo basang bagay sa mukha ko. Masarap sa feeling kasi parang minamasahe ako. Wala pa akong balak bumangon kasi inaantok pa talaga ako. Malapit na akong makatulog ulit at talaga namang feel na feel ko ang bawat pagdampi ng bagay na yun sa mukha ko. Medyo malaming. Ang sarap sa feeling na parang minamasahe ako. Nakarinig ako ng hagikhikan. And there. I knew it. "BULAGA!!!" Panggugulat ko sa kambal na sa kasamaang palad ay sinusulatan ang mukha ko gamit ang marker. "WAAAAHHHH!" Sabay na tili nila. Naiiling akong bumaba sa kama. Paniguradong gutom na yung mga yun kaya nanggigising na. "Wow. Ang galing naman ng mga baby ko magdrawing!!" Natigil ako sa paglakad ng marinig ko ang boses na yun. "AAAHHH! VANNN!" Tumakbo ako palapit sa kanya saka ko siya dinamba ng yakap. "Aray naman! Matutumba tayo niyan eh. 3 araw lang tayong hindi nagkita, parang sobra mo akong namiss." "Tch. Yabang." He chuckled as he wrapped his arms around me. "Oo na. I miss you too. Maghilamos ka muna at ginawa kang sketch pad ng mga anak mo tapos kakain na tayo." Doon ko lang napansin na may nakahanda na pala sa dinng table na mga pagkain. Sumimangot ako sa kanya. "If I know, ikaw ang nagturo sa kanila na sulatan ang mukha ko." Sabi ko bago ako pumunta sa CR para maghilamos. Napangiti ako dahil ramdam ko ang pagrelax ng katawan ko pagkakita ko sa kanya. Para akong nakbunutan ng tinik. "Kailan mo balak umuwi sa inyo?" Tanong ni Van sa akin habang nililigpit ko ang mga pinagkainan namin. Nanonood naman ng cartoons ang mga bata. Natigil ako sa pagliligpit pagkarinig ko sa topic na yun. "H-hindi ko alam. Paano kung nandun si Joseph? Anong gagawin ko? Ayakong makita siya." Kumunot ang noo niya pagkarinig niya sa akin. Bakas ang takot at pag-aalala sa boses ko. "Yung asawa mong hilaw? Ano naman kung nandun siya? Bigwasan ko yun eh. Wag mo ngang intindihin yun. Hindi naman siya ang ipupunta mo doon eh. At kung kausapin ka niya, edi kausapin mo rin. Problema ba yun?" Nakasimangot na sagot niya. Binatukan ko nga. "Gago ka ah. Kita mo nang nababaliw na ako kaiisip kung anong gagawin ko tapos sasagutin mo ako ng ganyan!? Madaling araw na ako nakatulog kaiisip sa pagdating mo tapos wala ka naman palang kwentang kausap ngayon!? Bwisit." "Hinaan mo nga yang boses mo! Baka marinig ka ng mga bata! Panay pa ang mura mo! Tss. Bakit ba kayong mga babae, pinapalaki niyo masyado ang problema? Kung nandun siya, ano naman? Siya ba sadya mo dun? Kung kausapin ka niya, edi kausapin mo rin! Anong kinaiinis mo dun? Tss." "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Van? Hello!? We are talking about 'The Asshole' Joseph here!" "Alam ko. Kaya nga sinasabi ko, wag kang pahalata na patay na patay ka pa rin dun sa tao matapos ng ginawa niya sayo. That's my point. At pwede ba, wag kang mura ng mura! Kanina ka pa, ah." "A-anong patay na patay ka diyan!? Ikaw kaya patayin ko? Matagal ko na siyang kinalimutan. Simula ng iniwan niya ako ng walang pasabi. Tangina niya." "Hindi daw patay na patay tapos bitter! Ewan ko sayo. Ganyan kayong mga baabe eh. Puro pagdedeny lang ang alam sa buhay." "Eh bakit parang bitter ka rin!? Mahal mo pa si KC ano? Suuusss." "Wag mo ngang ilipat sa akin ang usapan!" "Ok fine! Basta samahan mo kami." "Oo na!" "Nga pala, binabalak kong dalhin sa beach ang mga bata mamaya. Tutal, napirmahan na ang mga dapat pirmahan sa Captured tapos wala nang masyadong gawain dun at nandito ka na rin naman. Samahan mo kami ulit." "Saan ba?" "Hmm. Iniisip ko nga sana sa Gota Village sa Caramoan. Maganda daw dun sabi ni Anna eh." "Ahh. Oo. Isa yun sa binabalikan ng mga turista dito sa Cam.Sur eh. Alam na ba ng mga anak mo?" "Hindi pa." Nagplano na muna kami ni Van ng mga gagawin namin dun bago namin sabihin sa mga bata. Natigil lang kami sa paguusap ng magring ang phone ko. "Hello?" "Reese, anak." SI Daddy. May contact naman ako sa kanila. Lagi naman kaming nag-uusap pero hindi nila alam na may anak na ako at nandito ako sa Pilipinas ngayon. Hindi ko alam kung paano ko yun natago ng 4 na taon sa kanila. Masaya ako na tumawag siya. But I can sense na may mali sa pagtawag ni dad. Parang kinabahan ako at nanlamig. "Daddy!" "Umuwi ka na. A-ang mommy mo, nasa ospital." Para akong naitulos sa kinatatayuan ko. Si mommy? Shit! ------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD