You're My Angel ( Part 2 )

1890 Words

Bumangon ako at nagpunta sa cr para maghilamos. Pagkatapos non ay pumunta ako ng kusina para kumuha ng gatas nadatnan ko si Daddy sa sala habang nanunuod ng tv. "Wala ata siyang trabaho ngayon" sabi ko sa sarili ko. "Anong ulam Ya?" Tanong ko kay Yaya. "Menudo" tipid nitong sabi. Umalis na ako dun saka pumesto sa gilid ni Daddy. Napansin niya ata ako ngunit di siya umimik.

Nagring yung cellphone ko at sinagot ko naman ito. "Oh? Warren bat napatawag ka?" Tanong ko sa kabilang linya. Napatingin naman sa gawi ko si Daddy. Umalis na ako don at pumasok ng kwato. "Ngayon na mismo?" Tanong ko uli. "Oo nga! So ano G kana ba ?" Tanong nito. "Yeah sure! Magpapack nako"

Nakita ni Daddy yung paalis ko ng bahay hindi siya nag atubiling tumanong sakin kasi ayoko naman siyang sagotin kapag ganun. Isang taon na din yung hindi kami umiimik ng dalawa para ngang wala ng tao sa bahay.

"This is our last night here, may gagawin ka ba after nito?" Inayaya niya akong pumunta sa beach ng tatlong araw. Kasalukuyang nanunuod kami ngayun ng sunset. "I don't know siguro makipagmeet ako kina Syvel" di ko na kasi alam kung saan na sila. Graduate na rin Kasi sila at nagkawasak wasak ang magbabarkada after non.

Ako ? Balik aral dahil bumagsak ako ng isang subject ko at yung mismong major pa. Si Warren naman ay nagtatrabaho na sa isang kompanya BSBM kasi yung kinuha niyang course samantala ako BSED. Pagiging isang guro. Ewan ko nga ba bat ako kumuha ng course na yun. "That's good how about your Dad?" Tanong nito. "Di ko alam Warren ee? Siguro magiging ganto nalang kami. I tired of being her daughter. I just wanted his attention but he didn't notice it. Nakipagbulakbol ako, umuuwi ng gabi para magalit siya. I even try to killed myself. Sinaktan ko yung sarili ko para subukan na kung nay pagmamahal pa ba siyang natitira sakin pero wala! Hayaan muna kahit ganon yun Mahal ko parin si Daddy" ngumiti ako at di ko namalayan na may luha na palang lumabas sa aking mata. "Shhhhh, don't cry. I'm here I'm willing to protect you! Cause you're my angel" "aray naman" napaaray ito dahil sa hinampas ko siya. "I'm the one who will protect you cause I'm your Angel" hinug niya ako habang unti-unting ng bumaba ang araw. "Babaliktarin natin" saka ako naglean sa kanyang balikat. I am happy with Warren. Di ko na alam kung walang Warren sa buhay ko. I'd already lost my Mom kahit si Dad din buhay pa nga siya parang ipinagmukha niya akong tanga na parang iniwan din.

Umuwi ako ng may saya sa labi. Pagkabukas ko ng bahay ay walang katao-tao. Kahit may tao din naman dito ee parang wala din naman. Di na ako nagtaka kaya umakyat na ako ng kwarto saka nagbihis. Nagring yung cellphone ko hindi ko na tiningnan pa yung screen saka ko ito sinagot. "Yes?" Sagot ko. "Is this Jhea Melanio?" Tanong nito. Tiningnan ko ang screen at nakalagay na unregistered number. "Speaking" sabi ko. "Don't be schoked Ma'am I'am Doctora Stephanie Lee. Your Dad's doctor, he's in pain right now." Nagulat ako sa aking narinig. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinulot ko ang cellphone na nahulog. "Ma'am Andiyan pa po ba kayo? Hello----" "still here san hong Ospital?" Sinabi naman ng Doktor kaya dali-dali akong nagdrive patungo sa Ospital na yon.

Hinarangan ako ng nurse sa pintuan ng ICU. Umiiyak ako at nanginginig ang tuhod. "Mam bawal ho kayong pumasok". Umupo ako sa gilid at humahagulgol ng iyak. Tinawagan ko si Warren  halata nga yung pagkagulat nito sa Cellphone. Papunta narin siya. Pinahirap ko yung mga mata ko. "Dad please lumaban ka! Andito pa naman ako" sabi ko sa aking sarili. Kahit alam kung di niya naman ako maririnig.  Dumating si Warren at nakipagyakap ako sa kanya. Hinihimas niya yung likod ko para tumahan.

"Doc, how's Dad? Is he Okay? Is he---" taranta kong tanong sa doctor pagkalabas palang niya ng pintuan mabuti nalang ay nandito si Warren kaya niya ako pinatigil. "I'm so sorry Ma'am. Ginawa na namin ang lahat----" "No! No! Please. Gawin niyo pa ang makakaya niyo for the sake of my Dad please! I'm begging you!" Hinang-hina ako sa sinabi ng Doctor. Napakasakit ng ganito hindu pa kami nagkakaayos ng Daddy. How should I say sorry for him kung wala na siya? "Please Doctora, kahit itong buhay ko nalang ipalit sa kanya gagawin ko. Ayokong mawala si Dad sakin please! Wala na nga si Mommy" tanging sorry lang ang sinambit nito bago ito umalis. Niyakap ako ni Warren at umiyak ako.

Inilibing na ang Daddy kahapon at ito parin ako ngayon sa kwarto nagmumukmok. I'm in sorrow and anguish right now. "Ma'am may ipinabibigay po yung isang lalaki sa ibaba para daw po sa inyo yun sabi niya" pilit kung tumayo kahit hinang-hina na ako. Hindi pa ako kumakain ng isang araw. Kahit si Warren ay di ko pinapasok ng bahay. I wanted to be alone. Ibinigay naman sa akin ng abogado ng Daddy ang huli niyang habilin. " Ma'am Jhea Melanio. Ito hu yung lastwell testament ng iyong Daddy. Sa isang brown envelope na ito ay may isang flashdrive na panuorin niyo daw kapag wala na siya dito sa mundo. He wants you to protect by everyone who loves you. Hindi na niya yun magawa dahil wala na siya. Condolence for his death." Saka ito umalis.

Nag-imbita ang yaya para kumain na at ang sabi ko "wala akong gana" hindi na siya nagsalita pa ay dumiretso na ako ng kwarto. Pinanuod ko yung flashdrive na ibinigay sa akin ng attorney ni Daddy.

"Hey! My little Angel" kitang kita ko ang mga ngiti nito ang totoong ngiti nito habang siya ah nabubuhay "I miss you Dad" sabi ko. "Kung pinanunuod mo ito siguradong wala na ako. I just wanted to tell my sorry. I'm so sorry for being a careless Daddy in you my angel. I'm so sorry for being a jerk. Forgive me. Alam kung masakit sa atin ang pagkawala ng iyong ina pero dinagdagan ko pa ito. Hindi mo kasalanan yung pagkamatay niya kundi tadhana. Alam kong mawawala din naman tayo dito sa mundo at nauna lang iyong mommy. Sorry sa ugali ko anak. Napakaswerte ko dahil may isang Jhea na nagmamahal sa akin. Naaalala ko pa noon sa tuwing birthday ko. Hinahandaan mo ko ng menudo kahit di ka marunong magluto napakapait non pero kinain ko padin dahil ayokong malungkot ka. Ginawa mo naman yung karapatdapat na ako mismo ang gagawa non sa atin. Bago umalis ang iyong ina, sinabi niyang mamahalin kita ng higit pasa buhay ko pero hindi ako nakinig sa kanya kundi sinisi pa kita dahil sa huling habilin niya ay ikaw palagi ang nasa bibig nito. Mahal na mahal ko ang iyong ina at alam mo yan. Mahal na mahal ka din ng Daddy. Sorry kung hindi ko nasasabi sayo na sobrang nag-aalala ako sayo sa tuwing ginagabi kang umuuwi. Hindi ako makakatulog dahil hinihintay kitang umuwi ng safe. Napakasakit dahil hindi ko kayang humingi sayo ng kapatawaran sa personal. Natatandaan mo ba yung gabing you almost killed yourself? Sinisisi ko yung sarili ko kung san ako nagkamali. Hindi ko kayang mabuhay na walang katuwang sa puso hindi ko manlang naiisip na may iisang anghel pa akong natira. Yun ay ikaw! Jhea. Sana mapatawad mo ang Daddy mahal na mahal kita at sana mahalin ka din ni Warren hindi katulad ko nasasaktan ka lang. I'm so sorry to keep you my sickness. Ayoko namang maawa ka dahil sa may sakit ako. Huwag mo sanang pababayaan yang sarili mo. Lagi mong tatandaan ito Lived your life, spread your wings cause you're my angel. I love you so much" saka ito umiiyak at ipinatay na niya ang video. Umiiyak na naman ako dahil sa sinabi ni Daddy sa akin. Kahit galit ito sa akin ay concern parin ito kahit na inaaway ko siya at napakawalang kwenta kong anak para sa kanya. Lahat pala ng ginagawa ko ay napapansin niya.

"I love you too Daddy" sabi ko sa kanyang lapida. Umiyak na naman ako hindi ko alam kung paano ko siya mapapasalamatan sa kanyang ginawa sa kabila ng ginawa ko sa kanya. "Hinding-hindi akong magsisi na ikaw yung naging Daddy ko! Dad and Mom I miss you both." Pinunasan ko muna yung luha sa aking mga mata at Hinawi ko yung mga lapida nila. "Mom si Daddy pinablind date ako kay Warren" sumbong ko dito. Kahit alam kung di siya sasagot. Magkapartner pala yung kompanya nila ni Dad at nila Warren. Kinausap ni Dad si Warren na kapag wala naito ay aalagaan niya ako at mamahalin. Hindi nga nagkamali si Dad sa lalaking minahal ko ngayon. "Hi Dad, Hi Mommy" bati ni Warren sa kanilang dalawa. "I have to tell you this. Jhea is pregnant" sabay ngiti naming dalawa. "Sana Mom and Dad kamukha niyo si baby para naman kapag mamiss ko kayong dalawa ee makikita ko kayo so paano ba bibisitahin nalang namin kayo sa susunod aa" nagpaalam na kaming dalawa ni Warren kina Mom and Dad. Alam kong masaya na sila sa akin kung anong meron ako ngayon.

Kinamusta ko narin yung mga barkada ko at nakipagcondolence sila sa'akin. Humingi din ng sorry kasi yung mga panahon na wala daw akong karamay ee wala sila doon. Si micah naging isang sikat na singer na at may asawa narin. Si Syvel ay isang sikat na manunulat at isang direktor may asawa narin siya. Si Niña isang negosyante ng milktea may iba't ibang branches narin sa ibang lugar. Si Grace Shiel isa na siyang pastora. Si Jenny naman ay isang modelo na samantala ako ito at nagkakape habang nagpapahinga.

"Hindi ka ba napapagod?" Tanong ko kay Warren. Siya kasi yung nagpapahili sa anak namin. Umabsent siya sa kompanya para umalalay sa'akin. Pinagalitan nga niya ako kasi imbis na gatas yung iniinom ng nanay ee kape yung sakin. Hindi na siya nakipagdebate pa dahil sa huli ako lang din naman yung mananalo.

"You're my angel now baby Jherren" tinapunan ko siya ng pillow kalapit sa inuupuan ko. Mabuti nalang hindi tumama kay baby Jherren. Nagulat ito dahil sa inasal ko. "I thought I'm your angel?" Nakasimangot akong humarap sa kanya. Lumapit naman ito sa akin at hinalikan ako sa noo. "Yes you are my angel and Jherren too" napangiti naman ako. Akala ko nawala na saakin ang lahat. Ang akala ko ay naubos na yung pagmamahal nila sa'akin. Ang akala ko wala na akong puwang sa mundo yun pala ay akala ko lang.

You deserves someone who knows how to make things up to you after hurting you. Not someone who is very good with just the word "sorry"

Nobody's perfect. Everyone makes mistakes but some mistakes will teach you great lessons and wake you a better person.

Habang buhay pa sila iparamdam mo na importante sila sayo dahil wala ng puwang ang pagbabawi kapag wala na sila sayo.

The end.

Hope you like it ♥️

Ps:

Thanks for my classmates/ best of friends for using thier names. I owe you a lot, miss you all ♥️

-Syelvee

June 12, 2021

Date started and Finished in w*****d.

Follow me for my Shot stories there.

my first time publish here :)

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeAdd