Chapter 9.c

1277 Words
Zhaiken Rhald X. Mirchovich’s POV “Tsk! I can’t believe it!” maktol ni Zhairy nang makabalik siya sa kinatatayuan namin matapos niyang guluhin si Zhairell at North. Nakasimangot ito at paulit-ulit na tinatapunan ng masamang tingin si North. “Can you even believe that, Kuya?” Bumaling siya sa akin. “How did Rell trust the man who was the reason why you lost the woman that you love?” “At ikaw pa talaga ang higit na naaapektuhan sa sitwasyon na ito?” sarkastikong sambit ni Luci na nakasalampak sa damuhan. “Hindi ba’t si Kuya Zhaiken dapat ang nagre-react ng ganyan at hindi ikaw?” Mabilis na inilipat ni Zhairy ang kanyang tingin kay Luci kaya naman mabilis itong bumangon at naupo sa tabi ko. “I was just stating the fact, Ry,” dagdag pa nitong si Luci. “Kung mayroon mang dapat magalit kay North, iyon ay si Kuya Ken at Rayszel lang. Hindi ikaw, noh! Sila iyong nawalan.” Hindi sumagot si Zhairy ngunit muli lang niyang ibinalik ang masamang tingin sa direksyon nila Zhairell at North. Kaya napabuntong hininga na lang ako. “Stop it, Ry,” saway ko sa kanya. “Alam mong malaki ang naging papel niya sa laban natin sa RU.” “Kung hindi din naman dahil sa kanya ay hindi tayo maiipit sa sitwasyon na iyon,” ismid niya. “Si Lucifer kaya ang dahilan kaya tayo napunta—aw!” Masamang tumingin sa akin si Luci habang hinihimas ang noo niyang pinitik ko. “Para saan iyon?” “Ang hilig mong sumabat,” ismid ko. Bumaling naman ako kay Zhairy. “At ikaw? May punto si Luci. Walang larong magaganap sa RU kung hindi nga naman dahil kay Lucifer. Naipit lang din sa sitwasyon si North at kinakailangan lang niyang sumunod sa patakaran ni Jyn.” “Sa kagustuhan nating protektahan iyong mga mahahalaga sa atin, nawawalan na tayo ng pakialam sa sitwasyon ng ibang tao,” dagdag pa ni Lucifen. “Kaya huwag mong masyadong sisihin si North. Give him some chance to prove that he is somewhat a good guy to be close to our sister.” Hindi man halata ay alam kong pinahalagahan din ni Zhairy si Rachelle. Nakita niya na maganda ang naidulot nito sa akin kaya ginawa niya ang lahat para protektahan ito. And in his mind, he failed to do that. Kaya kahit alam niya ang mga ginawa ni North para makabawi sa pagkakamaling nagawa niya sa amin, hindi niya pa rin ito mapatawad. Bumuntong hininga siya at muling bumaling sa akin. “But seriously, Kuya? Pinatawad mo na ang lalaking iyon?” Umiling ako. “No matter what happened, I will never forgive him for what he did. But that doesn’t mean I have to stay mad at him.” Kumunot ang noo niya. “How is that even possible?” “Staying mad at someone is exhausting, Ry,” I said. “I just have to ignore him to protect my peace of mind and let karma hit him back. I don’t have to waste my energy on him.” “Does it not even cross your mind to kill him?” he asked. “To avenge Rachelle’s death?” “I thought about it a couple of times,” I confessed. “But it is already too late, Ry. Ayaw kong ako naman ang maging dahilan ng pag-iyak ni Rell.” I saw how Zhairell looked at that man. And upon seeing her reaction earlier, I am now sure that North is the missing piece that she needs to live her life a little less dark. Yes, she is attracted to Light, but North has a special place in her heart that even she couldn’t understand. Ako lang din ang agrabyado dahil ang mga natural na ngiti naman ni Zhairell ang magiging kapalit kung paiiralin ko ang kagustuhan kong maghiganti. “Let’s just be realistic now,” I added. “That man is already on our side. We need everyone to be on our side for as long as we are in this situation.” “Asset na natin iyang si North,” muling singit ni Luci. “Kapag nawala siya, sa tingin niyo ba ay may panghahawakan pa kayo para kontrolin ang temperament ni Rell?” Napansin kong natigilan si Zhairy pagkuwa’y inis na ginulo na lang ang buhok. Mukhang na-realize na niya kung gaano kahalaga ngayon si North sa buhay namin. Without him, we might unleash the dark side of Zhairell. The dark side that considers everyone around her an enemy. Hindi namin kailanman gugustuhin na makalaban ang unica hija ng Chess White Queen. Bumuntong hininga na lang si Zhairy. “Fine. Hayaan na natin ang lalaking iyon.” “Anyway, ano na ba ang plano natin ngayon?” tanong ni Luci. “Kung si Rell ang pupuslit sa kampo ng kalaban, ano naman ang gagawin natin?” Inilabas ni Zhairy ang mapa na lagi niyang dala at inilatag iyon sa damuhan tsaka itinuro ang paligid ng Reigo Mountain. “Kailangan nating mag-dispatch ng mga magbabantay dito. Tapos kailangan din natin ng ilang grupo na kikilos sa kabuuan ng Shiganshina City at Trost City para idispatsa ang mga kalaban. Mas makakakilos tayo kung hawak natin ang dalawang syudad na iyon.” Karamihan sa lupain at negosyo ng pamilya namin ay nasa dalawang syudad na iyon. Kung makokontrol namin ito, madali para sa amin ang muling ma-access ang mga lugar na iyon a siguradong malaking advantage para sa amin. Lalo na Underground at Arch Fend. Sa dalawang lugar na iyon inilalagi ng parents namin ang mga top speed cars na sila mismo ang nag-modify, maging ang mga bagong weapon na mismong ang Chess na nasa henerasyon nila ang gumawa. “Having those cars and weapon, kahit gaano pa kadami ang kalabang harapin natin ay siguradong hindi tayo mapupuruhan,” dagdag ni Zhairy. “Kapag hawak na natin ang Shiganshina at Trost, doon natin simulan ang iba pang syudad hanggang tuluyan nating makuha ang buong Svat Region.” “Hindi magiging madali iyon.” Hindi lang mga Aletta ang kalaban namin. Mayroong mga nakakapuslit mula sa labas na siyang nagpipilit pa ding makatapak sa Reigo Mountain. “Sa ngayon, iyon pa lang ang magagawa natin,” aniya. “Hangga’t hindi natin alam kung ano ba talaga ang dahilan ng mga Alleta para gawin ang gulong ito.” “Hindi pa ba malinaw na gusto nilang makuha ang mga resources na makukuha sa bundok na iyon?” sabi ni Luci. “Basta mapasakamay nila ang lahat ng iyon, siguradong makokontrol nila ang buong Avenir.” “Malakas ang pakiramdam ko na may iba pang dahilan,” sabi pa niya. “Kaya kailangan muna nating hintayin ang imbestigasyon ni Zhairell bago tayo mag-launch ng malawakang plano.” “Then, let’s start with that plan first,” sabi ko. “Mag-usap kayo ni Cloud para buoin ang mga grupo na kikilos para sa pagbawi natin sa Shiganshina at Trost.” Itinabi ni Zhairy ang mapa tsaka tumango. “Sige, ako na muna ang bahala doon.” Agad na din siyang umalis kaya naiwan kami ni Lucifen. “What about me?” Itinuro niya ang sarili. “Anong gagawin ko?” Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat niya. “I have a special mission for you.” Kumunot ang noo niya. “Bakit parang delikado iyang special mission na sinasabi mo?” Ngumisi ako. “It is kind of dangerous, but I know you can do it,” I said. “In fact, you are the only one who can do it.” “Oh boy!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD