Erin Clover Grux’s POV (Chess’ White Rook H1)
It has been months since I became a part of Chess.
Well, despite their great name, not just here in Avenir, as well as around the world, in my circle where I grew up, they were treated as a notorious group that always messed up my father’s business.
Kaya naiintindihan ko na sa kabila ng tiwalang ibinigay sa akin nila Crescent at Zhairy ay mayroon pa din talagang mga miyembro ng nasabing grupo na hindi sang-ayon sa pagiging kabilang ko dito.
Kahit naman ako ay hindi ko din maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pagtitiwala sa akin ng dalawang iyon.
Sa pagkakaalala ko ay wala akong ipinakita para maging ganito sila sa akin.
Pilit ko nga silang iniiwasan mula nang malaman kong papasok din sila sa RU noon.
At tinanggap ko lang ang pagiging miyembro ng Chess sa pag-aakala na pansamantala lang iyon. Na kailangan lang nila ang taong pupuno sa grupo nila dahil hindi maganda ang sitwasyon namin sa loob ng RU.
Pero hindi ko naman inaasahan na sa mata pala ng palasyo at buong Avenir, ako si Erin Clover Grux, anak ng isang malaking drug lord, ay kabilang sa grupong naniniguro sa kapayapaan ng buong Avenir.
Kapag nalaman ito ng tatay ko, siguradong itatakwil ako noon. Baka wala na akong mauwian pagkatapos ng gulong ito.
Napabuntong-hininga ako nang muling makatanggap ng masamang tingin mula sa triplets na Dresden na sina Alhena, Seiren at Ghento.
“Ang lalim ng buntong hininga mo, huh.”
Napalingon ako sa likuran ko at nakita ang nakangiting si Aeren, ang second-in-command ng pwestong hinahawakan ko sa Chess. His parents were also part of the first generation of Chess. His father, Galen Rix, was one of the guards, and his mother, Aeron Deonne, was also holding the same position he had on the board.
Lumapit siya sa akin at napailing na lang nang makita ang triplets na inirapan pa ako. “Still getting the same treatment as before?”
“Mukhang hindi na magbabago iyan.” Ipinagpatuloy ko na ang pag-aayos ng mga bagong crops na kadadala lang dito sa warehouse kung saan ako naka-assign na magtrabaho. “At magpapatuloy iyan dahil hindi pa din nila maintindihan kung bakit nga ba malaki ang tiwala sa akin nila Crescent at Zhairy.”
“Kung nagbibigay lang sila ng time para kilalanin ka, siguradong makikita nila ang dahilan sa likod ng tiwalang iyon.”
Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya. “So, you also knew the reason?”
Walang pagdadalawang-isip siyang tumango. “Why do you think I agreed to become your second-in-command?”
“Akala ko tinanggap mo ang pwestong iyan dahil iyan din ang pwesto ng mother mo sa first generation ng Chess.”
Bahagya siyang natawa. “Kung pwesto ng magulang lang ang pag-uusapan, mas pipiliin kong maging Guard dahil doon ako higit na hinasa ng mga magulang ko.”
Tuluyan akong humarap sa kanya. “That is not the case?”
Umiling siya. “That is not the case,” aniya. “Most of us were aware of what you did for the past three years of your student life in RU.”
Lalong kumunot ang noo ko. “W-what are you talking about?”
Muli siyang natawa at umiling-iling. “Don’t try to deny it, Erin. Ikaw lang ang b-blood protector na nakapagpatakas ng maraming black blood gamit ang red wall sa RU.”
Nanlaki ang mga mata ko.
Shit! How the hell did they learn about that?
As far as I know, no one even knows that I was a b-blood protector. I had a front where I was actually bullying someone. I made sure that everyone sees me as a brat who doesn’t have any sympathy with anyone, royal or black blood.
“It was hard because you made sure to erase their history of even stepping inside the RU, but no one can hide that kind of thing from Moon,” he said. “Especially after you involve a Royal Guard.”
I sighed. “Si South ang nagsabi sa kanya?” Ang lalaking iyon lang naman ang kontak ko sa loob ng royal guard. Siya ang kinakausap ko para mabura agad ang history ng mga black bloods na natutulungan kong makalabas ng RU dahil tulad ko ay hindi din siya sang-ayon sa nangyaring laro noon sa school.
Pero dahil kabilang siya sa grupong direktang nagtatrabaho kay Jin ay palihim lang din ang pag-uusap namin nang sa gayon ay hindi makatunog si Jin o si X sa ginagawa niya.
“Alam mong tikom ang bibig ni South pagdating doon dahil posible nilang ikamatay iyon,” aniya. “But Moon accidentally met one of the black blood that you helped escape. Kaya namin nalaman ang mga ginawa mo noon.”
“Oh.” Tumangu-tango ako.
Hindi nga imposible iyon lalo na’t naglagi sa labas ng Royal University si Crescent ilang buwan lang matapos mamatay ng mga underlings niya.
Tsk! Sinabihan ko naman ang mga iyon na huwag ipapaalam kahit sino ang ginawa ko.
Not that I doubt Jin and Crescent’s situation back then, but I had this feeling that something was going on. Hindi ko lang maipaliwanag kaya siniguro ko na mananatiling lihim ang lahat.
Muli kong itinuon ang atensyon sa ginagawa ko. “Well, maliit na bagay lang naman iyon,” sabi ko. “And I did that because it felt right for me. I don’t need recognition from anyone.”
I grew up seeing how my father’s business ruined a lot of innocent lives, and he doesn’t even give them any sympathy. All he cares about is how much money he can make by making them more addicted to drugs.
Kahit ang nanay ko ay wala ding pakialam kung sino ang maapektuhan ng negosyo namin. Kapareho lang din siya ng tatay ko na ganid sa pera.
Kaya naglayas ako sa amin at nag-enroll sa RU sa pag-aakalang doon ay hindi na muli ako makakasaksi ng mga buhay na nasisira dahil sa mga makapangyarihan at maimpluwensiyang tao pero malaking pagkakamali iyon.
But unlike before, I had a chance to do something inside the RU.
I somewhat saved people from getting used by Jagare or from miserably dying because of Jin’s game.
“You saved a lot of people, Erin,” sabi pa niya. “You chose to be on the good side despite growing up around the bad side of society. Sapat na iyong dahilan para sabihin na deserve mo ang pwesto mo sa Chess.”
“But I didn’t even ask for this.”
“Yet, you still fulfil your duty as part of the group.” Ngumiti siya kaya muli na naman akong napaiwas ng tingin sa kanya. “I remember how you fought alongside the officers and made sure that no one would get fatally hurt.”
Mukhang walang saysay ang pagtatago ko. Aware sila sa mga ginagawa ko kaya kahit ano pang pagmamaldita ang gawin ko ay hindi ko sila malilinlang.
Napabuntong hininga na lang ako.
“You deserve your place, Erin,” he said. “Take pride in it. Own it. No one has the right to say otherwise because you used your heart when you fought alongside us.”
I guess I really have to embrace this duty.
Yes, my family will be furious once they learn about it, but who cares?
Saving people feels much better than ruining someone’s life, so I will stick with being part of this group.
“And it would be such an honor to work with you,” he added. “So, please? Stop pretending like you don’t care about what is happening around you. I know you have something that could help us in this situation.”
Yeah, they really know everything.
Muli akong bumuntong hininga. “Fine. Let’s go tell everyone what I know.”
********************
Xerem Sheann A. Mirchovich’s POV (Chess’ White King)
Ipinatawag ni Zhairy ang buong Chess para sa isang meeting. At pagdating namin sa mansion nila ay agad naming nakita na masinsinan nilang kausap ni Crescent si Erin.
Kaya hindi na ako nagtaka nang maabutang nakasimangot ang mukha ng ilan sa amin na pinangungunahan pa ng Dresden Triplets, kasama ang nakababata kong kapatid na si Francess.
May ilan pa din kasi sa grupo ang hindi tanggap ang pagiging kabilang nito sa grupo. Paulit-ulit na nilang kinukwestyon ang desisyon nila Zhairy at Crescent pero wala naman silang nakukuhang sagot kaya hindi ko din sila masisi.
Pero kung mag-e-effort lang sila na kilalanin ng personal si Erin, siguradong makikita nila ang dahilan kung bakit ganoon na lang kalaki ang tiwala nila dito sa kabila ng pamilyang kinabibilangan nito.
“Pa-main character talaga ang babaeng iyan,” ismid na sambit ni Alhena habang masamang tingin ang ibinabato kay Erin. “Alam niyang hindi na uubra ang mga dati niyang tactic kaya ayan, gumagawa na naman ng ingay para muling mapunta sa kanya ang atensyon ng lahat.”
“Iyan naman talaga ang habol niya kaya tinaggap niya ang pwesto sa Chess,” gatol ni Seiren. “She just wants attention.”
“I already talked to her about this and she even promised back then to quit Chess.” Marahas akong napalingon kay Francess nang marinig iyon. “At sa nakikita niyo naman, wala siyang isang salita.”
“Dahil sa sitwasyon ng bansa ngayon, siguro naisip niya na higit siyang makakakuha ng atensyon kapag naki-ride siya sa magiging achievement ng Chess oras na matapos natin ang problemang ito,” dagdag pa ni Alhena.
“Maghiwa-hiwalay nga kayo,” utos ko sa kanila na agad nilang ikinalingon sa akin. “Puro walang katuturan ang pinag-uusapan niyo.”
“Kuya?”
“Maghiwa-hiwalay kayo,” muli kong utos. “Importante ang pag-uusapan dito at baka hindi pa kayo makapag-focus sa kadaldalan niyo.”
Mukhang nakaramdam si Zhairell sa sitwasyon dahil agad niyang hinila si Seiren palapit sa kanya habang si Ghento naman ay hinila ng pinsang si Sera. Si Francess naman ay lumipat sa kanan ko habang nanatili sa kaliwa ko si Alhena dahil siya ang second-in-command ko.
“Ano bang problema mo, Kuya?” bulong ni Francess. “Nagku-kwentuhan lang naman kami. Bakit ang init ng ulo mo?”
“Fake news spreader!” pabulong kong singhal sa kanya.
“What the hell?” Hinampas niya ang braso ko. “I am not!”
“Judgemental!”
Nanlaki ang mga mata niya. “Kuya!”
Napalingon na sa amin ang lahat pero ipinagsawalang bahala ko lang iyon.
Alam ko naman na may pagka-slow itong kapatid ko pero hindi ko pa din maiwasang mainis sa kanya lalo na’t sumosobra na ang ikinikilos niya ngayon.
“Oy!” Lumapit sa akin si Paul. “Anong problema niyong magkapatid?”
“Iyang si Kuya!” singhal ni Francess. “Nag-uusap lang kami dito bigla na lang nagagalit.”
Masamang tingin ang ibinato ko sa kanya kaya agad siyang tumakbo at nagtago sa likod ni Zhairell na lumapit na din sa amin.
“Chill lang, okay?” ani Zhairell. “I think I have an idea why you are acting like that. Pero hindi makakatulong kung paiiralin mo ang init ng ulo.”
Bumuntong hininga ako at tumangu-tango. “Yeah. I know.”
Bumaling naman siya kay Francess at pinitik ang noo nito. “And you.”
Hinimas nito ang noo at nakangusong tumingin kay Zhairell. “Wala naman akong ginagawa.”
“Stop saying things that you don’t even know,” she said. “Hindi ba, imbestigador ka? Bakit hindi mo muna inaalam ang lahat tungkol sa isang tao bago ka mang-judge?”
“Hey!” angal niya. “Hindi ako judgemental, huh!”
“You are!” diin ko sa kanya.
“Dude, kalma na.” Tinapik ni Paul ang balikat ko. “Huwag mo na patulan iyang kapatid mo. Isa pa, ang dinig ko kay Ry, gagamitin na din niya ang meeting na ito para matapos ang issue nila kay Erin.”
Natigil sa pagngawa si Francess at kunot-noong tumingin sa akin. “This is about that woman?”
“Yes,” walang pagdadalawang-isip kong sagot.
“Dahil sa babaeng iyon, inaaway mo ako?” Itinuro niya ang sarili at nanlalaki ang mga mata dahil hindi siya makapaniwala sa naririnig. “Gosh! You are unbelievable!”
I was about to say something, but Zhairell immediately pulled my sister away from me. Hinawakan naman ako ni Paul nang akma akong susunod.
“Hayaan mo na,” ani Paul. “Si Rell na ang bahala sa kapatid mo. Magsisimula na din naman ang meeting.”
Inis kong ginulo ang buhok ko at malalim na huminga.
Pagkatapos talaga ng gulong ito, hindi na ako magdadalawang-isip na isumbong siya kay Mommy nang sa gayon ay madisiplina siya.
Masyado na siyang pinabayaan kaya nagiging ganito ang ugali.
“Eyes up here, guys.” Crescent got our attention. “So, we called this meeting to clear something up. At idi-discuss din natin dito ang ilang improvement para sa plano nating pagbawi sa Shiganshina at Trost City.”
Zhairy put a huge map that covered the whiteboard we had here. It is a map of the whole Trost City, and it has some red marks around indicating something.
“What is that map, Ry?” I asked.
Tumingin siya sa amin at ngumiti. “Erin gave us this map. And the red mark that you were seeing around, those are entrances and exits for a secret tunnel that they were using in distributing drugs around the city.”
Nanlaki ang mga mata namin.
Nagsimula na ang bulong-bulungan matapos ang narinig.
Well, drugs are still illegal, but since it is already impossible to completely get rid of them, the palace decided to control their distribution around the land to ensure that they will not be abused.
Kaya nga mayroong agreement si Jyn at ang palasyo nang sa gayon ay ma-monitor ang produksyon ng mga ganitong droga na nanggagaling sa loob ng bansa, maging ang paglabas at ang pagkalat nito.
Erin’s family is one of the groups that has been distributing drugs around Trost City. Ang grupo nila ang kailanman hindi nagkaroon ng problema sa mga awtoridad dahil nagagawa nilang iwasan ang mga ito. Ang mga tunnel na ito pala ang dahilan.
They acquired permission to deal with drugs around here, but it still doesn’t sit with everyone’s taste since we don’t really like someone dealing with that kind of substance.
Isa iyon sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa din maganda ang pakikitungo ng barkada kay Erin.
“Yes, secret tunnels,” Zhairy said. “They probably imitate the tunnel that Chess has around Shiganshina.” He pointed at the map. “We will reclaim Trost and Shiganshina to ensure that none of our enemies will step into Reigo Mountain again.”
“Hindi ba, malaking parte din ng Rose City ang sakop ng bundok na iyon?” singit ni Zhairell.
“Yeah,” sagot ni Crescent. “We are still investigating the situation around Rose City. Si Ken na mismo ang nagpunta doon nang masigurong hindi tayo magkakamali sa pagpaplano.”
Kung sakaling mabawi namin ang kontol sa Trost City at Shiganshina City, magiging madali na para sa amin ang linisin ang Rose City dahil napapagitnaan din naman iyon ng dalawang syudad.
Magkakaroon din kami ng pagkakataon na magkaroon ng kontak sa kung sino man sa mga magulang namin ang naka-assign sa pagbabantay sa northern-west border ng bansa.
Chess, along with our underlings only composed of two hundred people. Mababawas pa doon ang grupo ni Zhairell dahil iba ang misyon nila. At ang matitira ay siguradong hindi sasapat para masiguro na hindi na muling mapapasok ng kalaban ang tatlong syudad.
“Reclaiming the city is easy, even for us. We might not have enough experience, but we can fight with those mercenaries that Alleta hired.” Nakaupo si Cielo sa handrest ng sofa na pinakamalapit sa board. “But securing it is going to be hard.”
“Cielo is right,” I said. “Kulang tayo sa tao para bantayan ang tatlong syudad.”
“Dito papasok ang estudyante ng RU,” singit ni Jin. “I already talked to them. They are willing to help us with securing the cities in exchange for letting them use any facilities around that they need.”
Oh. Mas magiging maluwag nga para sa kanila iyon kumpara sa trabahong ginagawa nila dito sa loob ng Chess Estate.
Napabuntong hininga ako.
It looks like they already manage everything.
“Now, let’s start planning our mission to reclaim Trost City.”