Halos mag hating gabi na ngunit wala pa din Trinity na dumadating nag-aalala na ako sa kanya baka kung ano na nanyari sa kanya. Back and forth na ako dito sa sala kakadungaw sa bintana nagbaba sakali na dumating na siya. Muli ako sumilip sa maliit na orasan na meron dito sa sala. 10;48 pm na ngunit wala pa din siya. Wala na mapag-lagyan ng kaba sa dibdib ko. "hija malamig na ang inyong gatas,"halos mapatalon ako sa gulat dahil kay Aling Karmen. "Aling Karmen naman ginulat niyo po ako."nakahawak sa dibdib kong anas sa kanya. "Paano hindi ka magugulat ang lalim ng iniisip mo habang nakatanaw dyan sa bintana. Ano ba tinatanaw mo dyan?" usisa ni Aling Karmen at sinilip din ang aking sinisilip. Problemado akong umupo. "Wala pa din kase ang iniintay ko aling karmen eh, nag aalala na ako k

