Lantang gulay ako nakarating sa Apartment ko. Hindi naman din kase ako aasa na babalikan ako ni Yuri para lang ihatid dito. Naglalakad nako papunta sa apartment ko ng matanaw ko si Virian nakatayo sa tapat ng Apartment ko. Madali ako lumapit sa kanya. "Ano ginagawa mo dito?"takang tanong ko sa kanya. Napa-ayos ng pagkakatayo si Virian at saglit pa siya nagulat dahil sa presensya ko. "Bawal kana ba dalawin?"ganting tanong niya. Inirapan ko siya. "Tinatanong lang naman kita kase halos magdalawang linggo ka hindi nagparamdam sakin."busangot na sagot ko sa kanya. Ngumisi siya ng nakakaloko sakin. "Bakit namiss mo ako?"pilyong tanong niya. Peke akong tumawa. "Asa, pre" bara ko sa kanya. Tinalikuran ko siya at tinipa ang code ng apartment ko. Pumasok ako sa loob hindi ko na inaya p

