YIESHA, KANINA pa 'yon naghihintay. Nagdala na rin ako ng pagkain doon,” ani Aila nang nakapasok ako.
“Salamat.”
Umakyat ako ng ikalawang palapag, naabutan ko si Byron na nagtitipa sa cellphone niya, natigil lang ito nang umupo ako sa harap niya.
“Iti-text sana kita, 'andito ka na rin, kumain muna tayo.” Tumingin muna ako sa kanya bago sa pagkain.
Ang bait niya ngayon...
Nagsimula kaming kumain ng walang imik. Tanging tunog lang ng plato at kutsara ang maririnig.
Bakit niya ako pinapunta rito ng ganitong oras?
Sabay kaming natapos kumain. Tumingin siya sa 'kin at pinatay ang katahimikan ng paligid.
“Pasensiya ka na sa inasal ko noong nakaraan.” Uminom ako ng tubig bago tumingin sa kaniya.
“Dapat lang,” tipid na sagot ko.
Ngumiti lang ito.
“Magkaibigan na ba tayo?”
Hindi ako pumunta rito para makipagkaibigan sa 'yo, Byron.
“Hindi,” sarkastikong tugon ko.
Umayos siya ng pagkaka-upo saka biglang humalakhak.
Ano'ng... nakakatawa sa sinabi ko?
“Iba ka talaga, Ysha.” Uminom siya ng tubig at muling tumingin sa 'kin. “Hindi ba puwedeng maging kaibigan ang isang tulad mo, Ysha?”
Bumuntong-hininga ako.
“Kaibigan? Hindi ako nakikipagkaibigan sa kahit na sino... pero matagal tayong magkakasama, Byron. Mukhang tao ka rin naman, kaya bakit hindi?” Muling siyang humalakhak.
“Salamat,” nakangiting saad niya.
Tumango ako at seryosong tumingin sa kaniya.
Hindi niya ako papupuntahin dito kung ito lang ang dahilan.
“Anong pag-uusapan natin, Byron?”
Nawala ang ngiti sa mga labi niya, yumuko siya at seryosong nagsalita.
“Pinasok ko ang kuta nila.” Tumingin lang ako sa kaniya.
Hindi ako nagsalita, sinusuri ko ang mukha niya, ang mga mata niya.
Paano mo... ginawa 'yon?
“Talaga?” paninigurado ko.
Hindi siya umimik.
Kinain muli kami ng katahimikan.
“Hindi mo kailangang sabihin kung nahihirapan ka.” Uminom muli ako ng tubig at tumingin sa mga mata niya. “Hindi ko alam kung sino at ano ka. Hindi ako magtatanong. Gusto ko lang na, pag-isipan mong mabuti ang pinapasok mo. Kaibigan na kita at ayokong... mapahamak ka...”
Hindi makapaniwalang tumitig siya sa mukha ko.
Lumipas ang segundo at ilang minuto, nakatulala lang siya.
Bakit gano'n siya makatingin?
“Wala ka man lang sasabihin?” sarkastikong saad ko.
Natauhan siya at ngumisi. “Wala.”
“Magkaibigan nga tayo,” may bahid na insultong saad ko.
Dahil mukha siyang tao, parehas kaming napailing.
Sabay kaming tumayo, nauna akong naglakad at sumunod siya.
Tumingin ako sa malaking orasan, 1:23 p.m., huli na ako ng ilang minuto pero wala akong pakialam.
“Hindi kita maihahatid,” ani niya nang makababa kami.
Tumingin ako sa kaniya. “Hindi naman kailangan.”
“Kung wala lang kaming usapan ng manager dito, ihahatid kita.”
“Manager?”
“Ah, nag-apply ako bilang server dito. Kakausapin muna ako ng manager bago makapasok.”
Tumango ako sa kaniya. “Aalis na ako.”
Tumalikod na ako at pinuntahan si Aila. Wala akong number ni Louryze, kailangan kong makuha ang numero niya.
“Aila, puwede ko bang makuha ang personal number ni Louryze?”
“Walang problema, Yiesha.”
Binigay sa 'kin ni Aila ang number ni Louryze. Tuluyan na akong lumabas ng café, pumara ako ng taxi at sumakay.
Habang nasa biyahe patungong B.U, tinawagan ko si Louryze, tatlong ring bago niya sinagot.
“Louryze the pretty, speaking,” ani Louryze sa kabilang linya.
“Hey, his name is Byron. Nag-apply siya sa café mo, can you do me a favor, Louryze—”
“Tatawagan mo lang ako pag may kailangan ka! Peste ka! Malaki kang bangus! What is his name again?”
“Byron.”
“All right. Ako na ang bahala.”
Saktong huminto ang taxi sa harap ng B.U nang maputol ang linya ni Louryze.
Hinintay kong matapos ang klase bago pumasok.
Umupo ako sa upuan ko at tumingin lang sa unahan, isang oras na lang uwian na.
Pumasok sa isip ko ang sinabi ni Byron kanina.
Paano niya kaya nagawa 'yon?
Kahapon ko lang sinabi sa kaniya ang tungkol sa tatay niya, ang pagkamatay ng tatay niya,
kaya paano niya nagawa 'yon?
Pumasok ang propesor namin, nakakunot ang noo nito. May dala-dalang makapal na papel.
“Get one, and pass,” ani ng propesor.
Hinintay ko lang na mapunta sa 'kin ang test paper. Walang buhay na tiningnan ko ito.
Anong alam ko rito?
Lumipas ang segundo, minuto at oras. Tulala lang ako, wala akong naisagot.
Bawas trabaho na rin naman ito sa matandang propesor, matanda na siya kaya malaking tulong na 'to sa kaniya.
“Pass your paper.”
Inabot ko ang test paper sa kaklase kong nasa unahan.
Nauna akong lumabas ng classroom. Habang pababa ng hagdan, nakatanggap ako ng mensahe galing kay Louryze.
One Message Received
From: Louryze
I'll be gone for a few days...
Take care of yourself.
If u need anything, ask her, Shelley. You can trust her...
02:32 PM
Nagtipa ako ng sagot sa kaniya.
Compose Message
To: Louryze
U sure?
Nakababa ako ng hagdan nang tumunog ang cellphone ko, hudyat na sumagot na si Louryze.
One Message Received
From: Louryze
Just trust me...
02:35 PM
Nagtaka ako pero binalewala ko na lang.
Napatalon ako sa pagsulpot ni Shelley.
Kanina lang wala 'to sa klase tapos ngayong uwian na saka naman siya susulpot?
Pangyayari 'to...
Tumingin siya sa 'kin ng nakalabas ang ngipin at halos wala ng mata.
Mukhang... ang saya niya ngayon.
“Ang aga mo naman. Napakaaga mo para bukas,” sarkastikong saad ko.
“Maaga ba? Hapon na nga, e.”
Tiningnan ko lang ang mukha at nilampasan siya.
Ano'ng ginawa ni Louryze sa isang 'yon?
Nahinto ako nang harangan ako ni Shelley.
Ano'ng... problema ng babaeng 'to?
“Hindi puwede. Manonood pa tayo ng practice.”
Kunot-noong tinitigan ko siya.
Naglandas ang titig ko mula ulo hanggang paa niya, may mali sa kaniya.
“Your shoes, how nice. Para kang sasabak sa giyera,” wala sa sariling saad ko.
Natigilan siya at napatingin sa suot niyang sapatos.
“It's cute, right? Kahit makaapak ako ng nakatayong kutsilyo, hindi 'to masisira, because this is the most awesome and toughest shoes—”
Hindi ko na pinakinggan ang mga sinasabi niya.
Sinasayang niya lang oras ko.
Naglalakad ako palabas ng campus nang lumapit sa 'kin si Reeve. May dala itong bulaklak, suot niya rin ang pamatay niyang ngiti.
“Yesh, for you.”
Tiningnan ko lang ang bulaklak sa mga kamay niya.
Pulang-pula ito at napakabango.
“May party sa bahay mamaya
Can you be my... partner, Yesh?”
“Party? I don't do that. It's not my thing—”
“It's my birthday.”
Tumingin ako sa kaniya. Tipid lang itong nakangiti.
“And?” usal ko.
Ngumiti lang ito at napakagat labi.
“Yesh, naman. Hindi mo ba napapansin na may gusto ako sa 'yo? I like you."
Hindi ako nagsalita.
Naramdaman ko na maraming mata ang mga nanonood sa amin. Dumating din ang mga kaibigan ni Reeve, kasama si Truce.
“Hey, man.” Tinapik ni Tyne sa balikat si Reeve.
Nagtama ang mga mata namin ni Truce. Walang emosyon ang mukha nito.
Nag-iwas ako ng tingin.
“Naks, pumuporma ka na, brad,” ani Sigh.
“Stop it, Sigh. Alam mo naman na matagal nang gusto ni Montalvo si Yiesha,” sabad ni Kace.
“Niyay! May pabulaklak ka pa, Montalvo. Basted ka rin naman” panunuyang saad ni Kart.
Napamura si Reeve.
Tinitigan nito isa-isa ang mga barkada niya. Pinagbantaan niya rin ang mga ito.
“You're not allowed to go to my party, damn you!” inis na saad ni Reeve.
Muling nagtama ang mga mata namin ni Truce.
“Pupunta ako,” usal ko habang nakatingin sa kaniya.
Napatingin si Reeve sa 'kin, sumilay sa labi nito ang matamis na ngiti.
“f**k! Ang bakla mong tingnan, Montalvo,” nandidiring saad ni Tyne.
Hinayaan lang ni Reeve ito. Nag-alok siyang ihatid ako pero may umeksena.
“Ang baho ng bulaklak, nakakasuka!”
Laglag ang pangang sinundan nila ng tingin ang papalayong bulto ni Truce.
Bumuntong-hininga ako saka sumunod sa kaniya.