Napangiti ako sa kanya. Nilagay ko na ang laptop ko sa side table ng sofa. Kinuha ko naman ang pangtali at tinali ang buhok ko. "Umupo ka muna," aniko. Nagtungo ako sa kusina at in-open ang ref. Kinuha ko doon ang plastic containers na naglalaman ng marinated chicken wings. "Good thing I already have marinated chicken wings here." Isa-isa ko nang nilagay ang mga chicken wings sa stainless steel rack, na may tray para sa oil drain. "I'll just put it in the oven," Binuhat ko na ito at pinasok sa loob ng oven at sinirado. Pinindot ko na rin ang oras para maluto ito. ".. and cook it in about 10 minutes. Done! We'll just have to wait." Lumingon na rin ako kay Lance habang may ngiti sa labi. Nakatitig lang naman siya sa'kin. "Oh, hubarin mo muna 'yang sapatos mo. Teka, tulungan kita." Igin

