KAHARIAN:

340 Words
TINIGNAN ko lamang s'ya habang hawak ko ang aking espada, hawak-hawak ko ito ng may paninindigan at lakas ng loob para magpatuloy sa kung ano man ang nasimulan ko. Hindi maaaaring hadlang ang aking emos'yon sa lahat ng pangyayaring 'to. "Tila'y hindi mo na kayang lumaban." Tumatawang nakatingin sa akin ang aking kaharap na ngayon ay masayang-masaya na pinagmamasdan ang aking kahirapang nadarama. Inangat ko ang aking noo sabay tingin sa kan'ya na puno ng tapang, maging ang aking puso'y kinakabahan pero kahit kailan hindi ko naisipang sumuko sa anumang laban na aking kinakaharap. "Mamamatay muna ako bago ka makapasok sa teritoryo ko, Hasval. Lahat ng mga plano mo'y batid kong unti-unti ng natutupad. Gayunpaman, ang aking karangalan ay hindi ko kailanman ibibigay sa'yo maging ang aking pinangako sa harap ng aking ina at ama." "Totoo ngang matapang ka, Kamahalan. Kaya't pinag-isipan ko talagang mabuti sino ang 'yong makakalaban 'yon ay walang iba kundi s'ya." Tinignan ko ang tao na nasa likod n'ya. Napahinto ako at tinignan s'ya na ngayon sa akin ay nakaangat ang mukha, suot-suot n'ya ang mukhang 'yon sa una naming pagkikita. Ramdam ko ang pighati sa aking dibdib paakyat sa aking kalamnan maging ang mga taong talunan ay kaya akong wakasan sa sakit na aking nararamdaman. "Ngayon mo sabihin sa aking malakas ka pa, karangalan o ang nararamdaman?" Taas noong tinignan ko s'ya maging ang aking espada ay hindi makakapayag na ang buhay ko'y mawakasan dahil sa isang traydor lamang. "Hindi ko mabibig'yan ng karangalan ang aking mga tauhan at mamamayan, Hasval sapagka't ang nararamdaman ay isa lamang taksil sa kaharian." Tinignan ko silang dalawa gamit ang malamig kong titig."Hindi ako susuko sa kahit sinong lalaki dahil ako ay isang Reyna ng aking kaharian at kayo— kayo lamang ang luluhod sa aking harapan." Dala-dala ang poot sa aking puso inangat ko ang aking espada at sumigaw sa dalamhating naramdaman, hindi ko isusuko ang aking dangal para lang sa aking taong hangal na hangad ay ang kapangyarihan na aking hawak.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD