Halos wala silang imik habang pinapanood nila kung paano inasekaso ang kanilang anak. Nakangiti na ito habang kausap ng doctor, halata ang pagiging masayahin nito sa kabila ng sitwasyon nito. Pinapatawa ito ng isang nurse, panay ang hagikhik naman nito. Di mo aakalain na kagagaling lang nito sa isang mapanganib na operasyon. "Hala mag isa lang po ako e, Mommy kailan po ako magiging big sister?" Tanong nito sa kanya na ikinanganga niya. Di niya inaasahan ang tanong na iyon mula dito. "Pag nag asawa na si Daddy mo magiging big sister kana." Sagot niya dito. Di niya alam kung kailan yun, pero halata sa bata ang lungkot sa sinabi niya. Ngumiti ito ng mapait sa Daddy nito. "Ayos lang po sa akin Daddy kung mas pipiliin nyo po ang iba mo pong asawa. Tama nga ang sinabi ni Vergie na pareho k

