Parang gusto niyang magtanong pero pinangungunahan siya ng takot sa magiging sagot nito. Tulala lang siya habang nakaupo sa may bintana ng bahay nila. Iniisip niya ang magiging bukas nila ng anak niya. Akala niya nung una puro saya lang ang madarama niya pag nagbuntis na siya, pero nakakatakot din palang isipin na kung ano ang magiging kinabukasan na nila. Wala siyang masasandalan sa oras na iwanan siya ni Kiel. "Care to tell me what's going on with you?" Dinig niyang sabi ni Kiel na naupo sa tabi niya. Di siya lumingon dito kasi pakiramdam niya ay magiging mahirap at masakit sa kanya ang magiging reaksiyon nito oras na marinig ang sasabihin niya. "Iniisip ko lang, nakakatakot pala ang kinabukasan namin ng anak ko." Sabi niya na hinahaplos haplos ang pipis pa niyang sinapupunan. "Nakak

