BB2

1329 Words
Tulala siya habang nakatingin sa pinto ng kanilang opisina. Tatlong araw na mula ng magtampo sa kanya ang kanyang best friend. Ibinigay lang naman niya ang number nito sa ex nito kaya ganun nalang ang galit nito sa kanya. Di niya alam kung paano ito aamuhin. Di nito sinasagot ang tawag niya. Flash back "Ikaw diba ang bestfriend ni Keil?" tanong sa kanya ng babae. Matagal niya muna itong tinitigan bago nag sink in sa kanya kung sino ang babaeng kaharap niya ngayon. Naalala niya ang mga painting na nasa galery na luma nila Kiel. Ito ang isa sa mga nandun. "Ako nga,bakit po?" tanong niya dito. "Im Hazel, Im Kiel's ex fiancee."pakilala nito. Of course natatandaan na niya kung sino ito sa buhay ng lalaki, ito lang naman ang babaeng pinili ang career kaysa sa baby nila ni Kiel. Ito lang naman ang babaeng naging dahilan ng pagguho ng mundo ng isang Ezekiel Lacsamana. "Im Shaira." sabi nalang niya, di naman niya kailangan na maging mabait dito sa ngayon. Dahil di nito deserve ang magandang pakikitungo niya. "Now you know who I am in his life, siguro naman titigil kana sa kakailusyon na magugustohan ka niya. Ngumisi siya dito at tumingin dito mula ulo hanggang talampakan at pabalik. "FYI Miss di ako kasing ilusyonada mo, di nagkaroon ng monkey business sa pagitan namin ni Kiel. Kaya dahan dahan ka sa pagsasalita diyan." sabi niya, alam niyang intimidating ang kanyang anyo ngayon. Kaya naman ay kita niya din ang sindak na bumalatay sa maldita nitong mukha. "Then wag kanang makikipagkita sa kanya. " tila gigil na sabi nito sa Kanya. Ngumisi siya dito. "Siya ang pumupunta sa bahay, at kung makikipagkita man ako sa kanya ay wala kanang pakialam pa dun ex ka nalang. " sabi niya dito. Minsan kailangan ding sampal sampalin ng katotohanan ang mga ganito na uri ng tao. "Magkakabalikan kami, kaya ngayon palang lumayo layo kana, kilala ko ang mga ganyan na uri ng kaibigan kuno pero deep inside e naghahanda Lang na sumalakay. " Sabi pa ng gaga na babae. Nagulat nalang siya ng galit na galit na pumunta si Kiel sa Poisons kung saan siya nagtatrabaho. Pinaratangan lang naman siyang nagbigay di umano ng number sa babaeng empakta. Kaya ngayon magtutuos sila ng lalaki na Iyon. "Para kang kakain ng tao Neng!" Biro ng kasama niyang si Weng. "Nakakaubos ng dugo kasi ang bruha na iyon e. At yung hinayupak na lalaki naman paniwalain, parang tanga lang, alangan ibigay ko sa bruha ang number niya gayong di ko naman close yun. Malay ko ba dun sa impakta na yun." inis na sabi niya dito. "Selos kana naman, sabi ko na kasi sayo na tuloyan mo na yang bestfriend mo e." sabi nito na sinamaan niya ng tingin. "Naku tigil tigilan mo ako, wala ako sa mood sa mga pang aasar nyo." ingos niya dito. "Maam Shai nasa labas po ang asawa nyo!" sabi ni Kuya Ador. "Kuya! Di ko nga asawa yun!" inis siyang tumayo upang mang away ng lalaking bwesit. Dinadamay damay pa ang nananahimik niyang buhay sa hidwaan nito at ng ex nitong impakta. "Aysus, dun din naman ang tungo niyo na dalawa." sabi pa nito. Di nalang siya nag komento kasi alam niyang di naman siya pakikinggan ng mga ito. Mapipikon lang siya dito at baka masakal niya pa. Dali dali na siyang tumayo upang puntahan sa labas ang lalaki. Kung kaya nitong mapasunod ang lahat ng tao sa paligid nito, siya ang exemption sa lahat dahil di siya nito madidiktahan. Kahit na anong tutol nito wala itong lusot sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" mataray nyang bungad dito. "I bring you some food." sabi nito. "Iuwe mo nalang yan at kainin mong mag isa." masungit niyang sabi dito. "Sa bahay ka matulog. Mag uusap tayo." sabi nito na tila asawa niya lang makautos sa kanya. Nag palingon lingon siya kung may mga nakarinig sa sinabi ng hinayupak na lalaki. At di nga siya nagkamali dahil napanganga ang lahat ng mga katrabaho niya sa sinabi nito. Dali dali niyang nilapitan at piningot ang teynga nito. "Yang bunganga mo talagang baliw kang lalaki ka!" Inis niyang singhal dito. "I'm not kidding when I said that, sa bahay kita patutulogin ngayong gabi. Kailangan nating mag usap." Sabi nito na tila ito pa ang galit. "Hoy lalaki, wala akong dapat na ipaliwanag sayo. Basta wala akong number mo na binibigay dun sa ex mong malnourished at parang kalansay!" Inis kung singhal dito. "Napakaselosa mo talaga, di naman yun ang dahilan kung bakit dun ka matutulog sa bahay ko matutulog, namiss na kitang katabi." Sabi pa nito, siya naman ay parang gusto niya na maglaho nalang, nilubos lubos talaga ng hinayupak ang moment nito. "Litse ka talagang lalaki ka, baka isipin nilang nag aano tayo!" Nanlalaki ang mata na sita niya dito. "Nag aano?" Puno ng kaaliwan na tanong pa nito sa kanya. "Yung ano, yung basta!" Inis niyang singhal dito. "Yung ano? Sanay na naman yan sila satin." Sabi pa nito na umupo. "Aherm, baka yan ang kailangan mo bhe para naman di ka laging grumpy." Sabi ni Emir na business partner niya, s***h gay best friend. Number one fan ng kanilang love team daw. "Tigilan mo ako Emir at baka mamatay akong virgin sa kunsomisyon sa lalaking ito." Sabi niya pa. "Wow virgin parin? Tsss ang hina mo naman Sir Kiel, bilisan mo na. Hoy babae magkaroon ka naman kasi ng lambing kahit wamport lang." Susog ni Ate Alona. "Umalis kana nga!" Inis kung pagtataboy sa lalaki. "Di ako aalis hangga't di ka pumapayag na matulog sa bahay ko." Sabi pa nito. "May trabaho ako bukas." Sabi niya kahit wala naman. "Alam ko ang schedule mo." Sabi nito. Alam niya na kung magmamatigas lang siza ay aabutin sila ng magdamag sa pagtatalo. Lalo at mukhang nasa mood itong mangulit sa kanya. "Wala kabang ibang makulit at ako ang pinagdidiskitahan mo." Inis niyang sabi dito. "Alam mo namang nag iisa kalang sa buhay ko." Sabi pa nito. Kaya naman namimilipit na sa kilig ang mga pisteng katrabaho niya. "Naku Shaira ikaw na talaga ang may pinakamahabang buhok. Taray taray mo naman talaga kaibigan." Sabi ni Ate alona. "Oo na dun na matutulog, at hoy kayo wag madumi ang utak di kami sa iisang kama natutulog may sarili akong kwarto sa bahay niya." Paglilinaw niya sa mga tsismosa niyang kapitbahay. "Gusto mo bang sa iisang kama lang tayo matulog?" Sabi pa ng gago na halatang nakikiasar lang din. Alam na alam nitong naasar na talaga siya. "Ezekiel! Papatayin na talaga kitang lalaki ka, alis na." Taboy niya dito. Tatawa tawa naman itong tumayo. "Where's my kiss?" Sabi ba naman nito, kulang nalang ay magkulay kamatis siya. "Ayee kiss na daw aherrmm." Sabi ng mga kasama nila. Sa inis niya ay nagkusa na siyang tingkayad at hinalikan niya na ito sa pisngi, pero dahil may sa kagagohan ang loko ay sa labi nito nag landing ang kanyang halik. Smack lang yun ngunit tila naalog ang kanyang daigdig. "I will pick you up later." Sabi nito. Nasa pinto na ito ng bumalik at hinalikan siya sa labi. Smack din lang. "OMG, so kayo na?" Usisa ng mga ito. "Hindi, ano ba naman kayo? Best friend kami. Best friend lang kami period." Sabi niya sa mga ito. "E ano yung halik sa labi na yun? Pakipaliwanag." Sabi ni Emir. "Wala lang yun, back to work guys." Sabi niya nalang, di na maganda ang mga nangyayari lately. Parang dumating na ang kanyang kinatatakutan na sandali. Ang tuloyan siyang mahulog sa kanyang best friend. At ayaw niya sa kanyang nararamdaman dahil di pwede. Kailangan niyang patayin ang kanyang nararamdaman para sa lalaki. Ayaw niyang masaktan at lalong ayaw niyang masira ang ilang taon nilang pagkakaibigan. Nagsimula ang lahat ng kakaibang pakiramdam na iyon nung malasing ito ng sobra at napagkamalan siya nitong nobya nito. Isang malalim at mapusok na halik ang nagpabago ng lahat ng nararamdaman niya para dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD