"Nandito ka na naman..." Narinig ko ang boses ni Peryong sa likod ko. Hindi ko alam kung bakit sinabi niya iyon pagkat ito lamang ang unang pagkakataon na nakita ko siyang pumunta dito sa gabi o makita niyang nandito ako. "Paano mo nasabi niyan? Eh, hindi ka naman pumupunta dito at baka ito ang unang beses na nakita mo ako dito." At pahapyaw siyang tumawa sa sinabi ko. At umupo din sa tabi ko pero may distansya sa pagitan naming dalawa. Hindi naman talaga siya pumunta dito ah? "Nakatanaw ako sa malayo kaya hindi mo napansin kasi nakatalikod ka sa akin. You admire the moon?" Ngumisi naman ako. "Hindi naman... hindi lang naman ang buwan ang pinagmasdan ko, ito at pinunta ko dito, ang payapang dagat. I admire them. Gumagaan ang pakiramdam ko." I said peacefully while looking

