THIRD PERSON POINT OF VIEW Isang tawag ang pumukaw sa malalim na tulog ni Zachariah. Nang tingnan niya kung anong oras na ay malapit ng mag-alas onse ng gabi. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag. Kinusot ni Zach ang mga mata para malinaw ang paningin niya. Biglang kumunot ang noo niya ng makita ang pangalan ng girlfriend sa screen. Buong akala niya kasi natutulog na ito. Maaga kasi silang nag-goodnight sa isa't-isa. Ida-dial na sana ni Zachariah ang number ng girlfriend ng tumawag ulit ito. Agad naman niyang sinagot ang tawag. "Babe?" Singhot lang ang naririnig ni Zachariah sa kabilang linya. "Babe, what's wrong?" Nag-aalalang tanong ni Zach sa nobya. Narinig ni Zach ang pagsinghot nitong muli. "Si S-Samson. Babe, I need you h-here." Humihikbing

