THIRD PERSON POINT OF VIEW Today is the day and Samson is having a cold sweat right now. Gusto niyang tumakbo at huwag nalang ituloy ang napagplanuhan niya. Pero huli na para umatras pa siya. Ilang oras nalang at mangyayari na ang lahat. Pinagpapawisan at pinananlamigan si Samson. Bumubuga siya ng hangin bilang tanda na kinakabahan siya. Hindi lang kinakabahan kundi may takot din siyang nararamdaman sa dibdib niya. "Master, nasabi na po namin kay lady Rania ang tungkol sa gaganaping party." Bungad sa kaniya ni butler Chad. Kinakabahang tumango si Samson sa matanda at pinakalma ang sarili. Naramdaman ni Samson ang pagtapik ng matanda sa balikat niya. "Magiging maayos ang lahat master. Magtiwala lang tayo." Pagpapakalma sa kaniya ng matanda. Marahas na bumuga ng hangin si Samson at t

