Jade's POV
"Jade." tawag na nagpabalik sa akin sa reyalidad.
"Oh, Hilaw." sinalubong ko ang tingin nya. Ganun pa rin ang puwesto nya at hindi pa rin sya nagalaw. Ramdam na ramdam ko din ang malamig nyang kamay na nakaalalay sa cellphone nya. Hindi ko pala nakapitan ng maayos yun kaya nakasuporta sya sa pagkapit ko.
"What's wrong? You seemed lost for a moment."
What's wrong, what's wrong? ka dyan. Pagkatapos nyang magpakil---Hay!
"Ah! Wala." pag-iling ko at tuluyang nilagay sa kamay nya ang bagay na binibigay nya kanina. "Eto oh, idial mo yung relatives mo, tapos ako na lang ang makikipag-usap. Kailangan daw na---Bakit?" kita ko kasing wala syang reaksyon tungkol dun.
"Don't call them." pagpikit nya bagkus ay sumandal at hindi pa rin inalis ang pagkakatingin sa akin. Gusto ko sanang tanungin pero mukhang private topic yun kaya wag na lang.
"Hmm-okay." nilagay ko na lang yung phone nya sa may maliit na lamesa dito sa gilid nitong kama. "Sino ang gusto mong tawagan para may guardian ka daw?"
Sumilay ang maliit na ngiti sa mukha nya. "Can it be you?"
Ay sus!!!! Asukal na naman. HAY! Kalma Jade! WHOOO, hinga lang.
Umiwas na ako ng tingin at pinagulong ang upuan sa may paahan nya para ayusin ang kumot dun.
"Pwede naman." bago bumuntong hininga. Ramdam ko kasi ang mata nya na sumusunod sa akin. "Hindi ko rin naman ineexpect na dadating kaagad yung relatives mo."
"Ah~" mahabang saad niya bago medyo tumawa pa ng kaunti. "Then, I think I should thank them for living in State." isang komento na parang gustong ipaalam sa akin.
State? Nakatira sila sa State? Kung ganun pala, walang pupunta dito kung sakasakali. Hindi pala dahil sa private topic yun kaya walang pupunta, kundi wala pala sila dito sa bansa. Buti na lang at hindi ako nagpatalo dun sa mga tanong ni Ate Nurse kanina.
"Don't worry, me and my family are fine. I just choose to stay here. Alone." dagdag pa nya. "I was about to go back there, and stay here for a short time, a back and forth flight. But someone has been destined to stop and star-struck me at the first meeting, so I got a reason to stay."
Napatitig ako sa tingin nya, merong tuwa sa mga mata nya na nagsasaad ng pagiging totoo. Parang syang may kinekwento at parang ang saya pa nya na mag-isa lang syang naandito. Para bang may iba pa sya meaning na pinapahiwatig. Yung pagkakatingin nya kasi sa akin, parang may gusto syang sabihin.
"Okay lang, di mo naman kailangan mag-explain. Tsaka, hindi ko naman iniisip yun about sa family mo." pag-amin ko. "Pero sino ang tatawagan kung sakasakali ngang kailangan mo ng guardian? Katulad ngayon, may emergency."
"You." simpleng saad nya kaya napabaling ako habang inaayos ang soup na hinanda nina Papa para sa kanya.
Hindi pa nga ako magkaigi sa pagkapit noong lalagyanan ng soup, thermos at kutchara, tapos babanatan kaagad ako nitong Hilaw na to! Gusto ko tuloy ipaubos sa kanya lahat ng pagkaing dala ko!
Mali ata yung sabi ng doctor na dapat daw kaunti lang, parang gutom na gutom na kasi sya ngayon eh at kung ano-ano ang sinasabi.
"Hala, ba't ako?" pagbubukas ko ng takip at nilapag ang kutchara sa may lamesa.
"Cause you're my girlfriend."
Napatigil ako sa binanggit nyang yun. Paa--no?
"Paano mo nalaman?"
"Haha." mahinang pagtawa nya sa reaksyon ko. "The nurse told me that my girlfriend will come back to take care of me, which you did. So I think there's no one else here that I can call that except you."
So kung may ibang dadating, aakalain din nyang girlfriend din nya yun? Ang swerte naman nun, taking credits sa mga nagawa ko. Tapos may automatic pang boyfriend, tanggap lang pala nang tanggap 'tong si Hilaw ng kung sino-sino!!!
Eh ano na lang pala ang ginagawa ko dito?! Marami naman palang pwedeng pumalit sa pwesto ko, edi sana sa iba na lang sya naghanap ng guardian!
Tinalo pa ata ako sa pagiging single nitong si Hilaw. May iba rin palang hindi kinakaya ang pagiging single at pumapatol na lang sa kung sino-sino dahil sa kaloner-ran. Hindi ko aakalaing sa itsura nyang yan ay isa sya dun sa mga di mapakaling single. Kakaiba ka talaga Hilaw!
May ideya namang pumitik sa utak ko. "Ay! Nga pala, nasagutan mo ba yung mga papers? Hindi ko kasi nasagutan." nahiya tuloy ako sa huli kong sinabi.
Ang dami-dami kong sinasabi at inaako tapos papers lang, wala pa akong masagot. Tamo ang kapal ng mukha ko, diba? Sa sobrang kapal nga pwede na akong maging pataba sa lupa.
"Don't worry about it, I already took care of it." pagbuntong hininga nya bago inayos ulit ang pagkakahiga. "And I'll tell you next time the answers to those kind of questions, my girlfriend." pagngisi nya.
"Hilaw, tigilan mo nga yan, para kang walang sakit. Tsaka, sinabi ko lang naman yun dahil bawal daw magstay ang hindi pamilya. Kaya wag kang ano dyan."
Tinawanan naman nya ang sagot ko. "Well, just in case they have to call you again, at least you know how to fill forms for me."
"Anong in case ka dyan?! Wala ng ganun. Parito ka." sinenyasan ko sya.
Sumulyap sya sa akin na inaalam kung ano ang kapit ko. "Why?"
"Eto oh, kaya wala ng next time." pagpapakita ko sa kanya ng bowl of soup na kapit ko. Niilapag ko yun sa connecting table ng kama nya, sa pwesto na sapat para maging katabi ko sya ng konti. "Sabi ng tatay ko noong nagkaganyan din ako, mabuti daw 'tong soup na to kontra sa lahat ng sakit. Tubig muna." pag-abot ko sa kanya ng isang baso ng tubig para hindi mabigla ang tyan nya. Tsaka, pinagpatuloy ulit ang kwento ng tatay ko. -_- Sya original eh.
"Suporta daw to, kaya tinawag nya 'tong bone soup. Oh, tikman mo." inangat ko ang kutchara malapit sa labi nya. Bone soup talaga ang tawag dito, ginawan lang ni Papa ng kwento dahil matanung ako nung bata ako.
Kailangan nyang sagutin yun kundi magkukulit ako. Same with, bakit colors ang tawag sa colors? O di kaya, bakit sumusunod ang rainbows? Mga ganung tanong. Kinekwento ko lang---dahil ano, naalala ko. Walang malisya.
Hindi naman sya magkaigi sa gagawin. Nainitan siguro kaya hinipan ko muna. "Teka lang."
"Thanks." pagngiti nya sa ginagawa ko. Okay? Medyo ginilid ko ang puwesto ko at tumingin sa itaas habang hinihipan yun. Abno kasi 'tong kasama ko eh. Kung makatingin wagas.
"Haha-hhm, that's cute."
Medyo asar ko syang nilingon ulit. "Oh!" pagtapat ko ulit nun sa kanya. "Wag kang gagan---tsk." naparolyo ang mata ko ng may malamig na kamay ang lumapat sa kamay ko. Kinapitan ni Hilaw ang kutcharang kapit ko at tsaka sinubo yun nang nakatingin sa akin.
Nabuhay tuloy ulit ang kabang naramdaman ko kanina. Namula ako nung maalala ko ang pagkakadapo ng kamay ko sa tyan nya kanina. Hay, tsk! Bakit ko ba kasi naalala yun?
Oh, eh, ano naman kung may abs nga sya? Parang iisang lalaki lang naman syang meron nun sa buong mundo kung magreact ka, Jade?!!!! Hello, marami pang lalaki dyan ang meron. Normal lang yan!
Peste talaga oh. Pati siguro yung pagbilis ng t***k ng puso ko kanina dahil din dun. Nakakailang naman kasi! Bakit kailangan ilagay pa nya yung finger print ko sa cellphone nya?!!!! Yan tuloy sunod-sunod yung iregular heart beatings ko!!!
Napaiwas ako ng tingin para magtago ng kunti. Hindi ko alam kung saan ako titingin dahil naiilang talaga ako sa tuwing maalala ko yun. May kalakip na inis na rin ang sumusunod sa pagkailang ko dahil meron akong napapansin sa kanya.
Alam kong alam nya yung ginawa nya dahil sa pagtago nya ng ngiti na pilit sumisilay. Tinakluban din nya ang sariling bibig ng kamay dahil nahihirapan ata syang lumunok at tumawa at the same.
Kung hindi ka naman kasi may pagkaloko-loko, edi sana kumakain ka ngayon ng matiwasay.
"Hmm." pagtango nya na parang sumasangayon sa lasa nun. Napatungo din syang sumisilip sa akin habang nakangiti na talaga.
Bagsak mata kong sinalubong yun. "Ayos ka lang?"
Tinanguan naman nya ako ng tahimik habang hindi binabago ang expresyon sa mukha.
"Ba't mukhang hindi ata? Kumain ka na nga lang."
Katulad ng inaasahan, naging katulad din ng senaryo kanina ang mga sumunod na pangyayari. Puro pangaasar sya, at ako ang katulong, pa boss kasi. Joke! Tinulungan ko lang syang kumain, dahil syempre matic na yun. May sakit sya at ako naman ay wala, kaya gawain yun ng mga may walang sakit.
Pero mas dinaig pa ako ni Hilaw, at parang walang sakit kung makapagkalat ng mga asukal. Buti nga at natapos sya sa pagkain nang hindi ako nag-iisnap. Sarap kasing sabunutan para ilubog ang bibig nya dun sa unan.
Kalhati lang nung bowl ang nakain nya. Hindi pa rin ata kasi sya makakain kaya ganun. May dextrous naman sya, kaya okay lang.
Pero liwas din sa sinabi ng doctor ang nangyayari ngayon, dahil dapat tulog pa rin daw dapat sya kanina pa, ayun sa prediction nila.
Kaso triple ang parusa dahil ang sigla pa nga nya at sobrang daldal, kaya hindi ako masyadong nag-aalala. Hindi katulad nung kaninang tanghali.
"You'll stay here?" saad nya ng may pagdaing. Hindi ata sya komportable sa pagkakahiga nya. Tinakluban pa nya ang mata gamit ng braso.
"Ayos ka lang?" paglingon ko at tuluyang nilapitan na ang puwesto nya. Nag-aayos kasi ako kanina ng pinagkainan namin. "May masakit ba s---"
Mabilis 'tong gumalaw papagilid at sumuka. Tinabig nya rin ako para makatungo sa maliit na timba malapit dito sa may kama.
Juiceko! Kaya pala nagtatanong kung mag-iistay ako dahil kanina pa pala sya nakakaramdam! Ganyan na ganyan din sya kanina sa school, out of nowhere na nagtanong tapos may hindi komportableng mukha. Bakit sya nagtitiis?
"Ay, teka!" mahinang impit ko at nilapit na yun mismo sa kanya. "Sige, isuka mo lang lahat." paghagod ko sa likod nya pero hinuli nya ang kamay ko.
"Ah! Ah!---out." hinihingal nyang saad na hinawi ang kamay ko bago ako tinulak ulit sa may bewang papalayo at sya na mismo ang kumapit dun sa timba. "Bwak! Ah! Ah---Ah!"
Nilapitan ko ulit sya at hinagod ang likod. Ramdam na ramdam ko ang mainit na paghahabol nya ng paghinga. Mukha syang pagod na pagod na naman. Ang dami nyang sinusuka, hindi kaya pinilit lang nyang kumain ng marami kanina?
"Out." mahinang saad nya ulit habang pinupunasan ang gilid ng bibig, at tinignan ako ng masama.
Masama!!??! Ha?!
"Anong problema mo? Tumigil ka nga." paglapit ko at kumuha ng maliit na towel para punasan ang pawis at bibig nya.
"Out." muli nyang ani na hindi ko na pinansin.
Ano ba yan!? Aawayin pa ko, eh tinutulungan na nga sya!!! Ngayon pa talaga nag-inarte!
Tinabig nya muli ang kamay ko. "Out, ah-Jade."
Hindi ko pinansin yun at muling pinagpatuloy ang ginagawa ko kaso umiwas ulit sya. Nakakainis naman sya, ang okay namin kanina eh. Ako nga dapat 'tong agribyado dahil ako yung pinagtritripan nya kanina. Tapos bigla syang mag-gagaganyan??!!
"Get out." mula sa pagkapit nya sa kamay ko ay tinulak nya ako ng mahina sa bewang ko. Mabilis na hinuli yun ng kamay ko at ginamit para mahapit ako pabalik sa may pewsto ko kanina. Hindi naman masyadong malayo yun, pero dahil siguro sa paghatak ko at pagkontra nya ay tumama ang gilid ko sa may balikat at kamay nya, na kapit ko pa rin. Nakatayo kasi ako at nakaupo naman sya sa may kama, kaya malapit lang sya ngayon sa may dibdib ko.
"Hoy." pagkapit ko sa mukha nya gamit ng hinlalaki at hintuturo, hinarap ko yun patingala sa akin. Medyo tinungo ko din sya para magtama ang mga mata namin.
"Remember kanina, dun sa may school nyo, diba nabugahan kita ng pagkain? Mas malala pa yun dito, dahil nabugahan kita ng harap-harapan, tapos sa gitna pa ng kwentuhan natin. Nahihiya rin ako nun pero nagreklamo ba ako nung tinulungan mo ako? Hindi naman, diba?" mataray kong tinaasan sya ng kilay. "Nakita ko na lahat yan, kaya wala kang dapat ikaarte dyan. Suka lang yan at lahat tayo nagkakaganyan. Normal sa akin yan dahil normal ako."
Binigyan ko sya ng seryosong tingin na medyo nagmamataray. Iniwasan nya yun, at bumalik ulit ang paglambot ng expresyon nya. Tama nga ako, nahihiya lang sya sa state nya kanina.
"But--" pagkapit nya sa kamay ko na nakahawak sa magkabilang pisngi nya.
"Tama na, at baka mag-away pa tayo." pinunasan ko ulit ang pawis sa mukha at noo nya. "If this goes on." paggaya ko sa kanyang linya kaninang tanghali.
Yun yung sinabi nyang, "Yes, I did cooked that but forget about it. We'll argue again for sure if this goes on."
Oh diba, ang bongga, tumatak sa akin yan. Ngayon alam ko na kung bakit. Meron din pala kasing pakinabang. See, nagamit ko against din sa kanya yung sariling words nya.
Wait, napatigil ako sa ideyang yun.
Ang sagwa lang dahil para kaming, ano, magkakilala na ng matagal dahil sa galawan namin ngayon. Ang lapit pa namin physically sa isa't isa.
Napascoff sya dun bago binaba ang pagkakapit sa kamay ko at ngumiti. "I heard that before." pag-iling nya. "You're really something."
"Wala ka ring choice kaya wag ka ng mahiya." dagdag ko pa. Pinagpatuloy ko ang pagpupunas sa kanya. "Okay ka na ba?"
"Yeah, I think that's for now." at binaba ang kapit nyang maliit na timba. Tutulungan ko sana sya pero medyo iniwas pa nya yun sa kamay ko.
"Akin na." pinanlakihan ko sya ng mata at tuluyan nang inagaw yun.
Hindi naman yun ang first time na nakakita ako nan. Ako rin ang mas makakaintindi sa kanya dahil diba nga, ako ang unang nakaranas na kumain ng luto nya, kaya alam ko lahat yan. Ang pinagkaiba nga lang, yung akin tinitiis ko hangga't matapos ang school. At sa bahay naman, nagtatago ako dahil ayaw kong maquestion ni Papa sa akala kong luto nya.
Pinagdaanan ko yan ng mag-isa noong unang beses ko, kaya hangga't kaya ko, ayaw kong hayaan syang mag-isa. Mahirap kasi yun.
Buti right now, I know better, at sa clinic na ng school ako tumatambay para maalagaan ako sa tuwing sinusumpong din ako sa luto nya. Oh, diba ang bongga ko! May sarili akong nurse, talagang spoiled ako dun! Matalino ako eh.
"Salamat po, Doc." saad ko bago nagpaalam. Medyo nakatulog kasi si Hilaw pagkatapos nyang magsuka, kaya pinuntahan ko ng saglit yung doctor para magreport at magtanong kung normal lang ba yun. Pero hindi lang kalagayan niya ang nalaman ko, may isa pa na mas importanteng bagay. Something na malaking tulong sa akin. Isang malaking kaalaman.
"Oh, bakit gising ka pa? Nagising ba kita?" pabulong kong tanong sa maliliit na galaw, ang tahimik kasi dito sa loob. Baka balakin nyang bumalik sa pagtulog, mabuti na't hindi sya maabala pa ng ingay ko.
"I thought you leave me." mapaos-paos nyang saad. Halata sa kanya ang kakagising lang. Sya nga lang yung tipong tao na sa paggising ay puro nakatitig lang. Pero may extra pa yung kanya, sumusunod kasi ang tingin nya sa akin. Para syang cctv, at ako naman yung klase ng tao na may itim na medyas sa mukha.
Ow, para syang baby. Ang cute lang.
"Oh, gusto mo ba?" wala sa sarili kong tanong at inabot ang kumot na dinala ko para ayusin.
"No." pag-iling nya. "Will you stay?" paggasgas ng boses dahil sa hina ng tunog nun.
"Hay~" pagtigil ko at nilingon sya ng may nag-aalalang mukha. Napabuntong hininga na lang ako.
May bedroom voice sya. At nakaka--hay~ ewan. Gwapo na nga, naglilyrics pa. Saan ba nya nakukuha yang mga yan? Puro nasa timing ah! Bumagay kasi ngayon yung sinasabi nya sa boses nya.
Burahin na natin yung sinabi kong para syang baby. Hindi na cuteness ang nakikita ko sa kanya.
"Mag-iistay naman ako, kaya wag mo ng ikanta yan." medyo paiyak kong sabi at binato yung unan na kapit dun sa malamig at matigas na tatlong magkakadikit na upuan. "Bwisit! Mag-iistay na nga, eto na nga at naglalatag na." mahinang bulong at reklamo ko sa sarili ko.
"You'll stay here?" hindi siguradong saad nya. Ano bang gusto nya?! Paiba-iba sya ah! Ayaw ba nya o hindi?!
Pagod kong tinigil ang ginagawa ko at humarap sa kanya. "Ayaw mo ba?"
Pwede naman akong umuwi at dun na lang magpalipas ng gabi. Gigising na lang ako ng maaga para maghatid sa kanya ng kailangan nya. Ihahabilin ko na lang sya sa mga nurse at doctor dito.
Sabagay, bakit ba naman kasi ang nagdesisyon ng mag-isa na magstay dito? Eh nakakilala lang namin.
Hindi ata sya sanay sa ibang tao, kaya papasok na lang ako bukas sa school. Tapos balik na lang ulit kapag uwian na. O di kaya, pwede din naman akong matulog sa waiting chairs dun sa tapat ng emergency room. Tutal katulad din naman yun ng hihigaan ko ngayon. Kasura 'tong lalaking to eh.
"No-h." malagong at mahangin nyang sagot.
Yun naman pala. Puro kabig tulak—
"Thanks, Jade." gumuhit ang isang purong maliit na ngiti sa mga labi nya.
Ay tatay ko po! Gusto ko nang umuwi!!! Nakakita ako ng delekado dito!
Kumikinang ngayon ang mga mata nya dahil sa pagtama ng dilaw na ilaw sa mukha nya. May katamtaman na pag-aagaw ng dilim at orange na liwanag ang nagbibigay sa akin ng mensahe. Nakatayo ako ngayon sa kalhati ng dilim ng silid na to. Samantalang, sya ay malapit sa ilaw. Parang nagbibigay sya ng ilaw sa aki——Mukhang mamalasin ata ako neto ah. Delekado.
Hindi, imposible! Baka naman may ibang senyales nga to. Malay mo una pala syang kukunin ni God, malapit na sya sa liwanag eh. Tsaka, light, diba means good. Oh di kaya mas mabuti nga syang tao kesa akin, okay na yun!
"Oo na. You're welcome." mahinang bulong ko at tumalikod para ayusin ulit yung hihigaan ko.
"Jade." pagtawag nya na hindi ko na nilingon at humiga na lang. "Good night, Jade."
Jade, Jade na naman sya dyan. Paulit-ulit.
"Good night." plain kong pagsagot.
Pinalipas ko muna ang ilang sandali at nag-abang. Nang masigurado ko ng walang ingay ay nanalangin na ako.
"God, oh, ang g**o-g**o na ng isip ko. Ang daming nangyari sa araw na to, tapos nahahawa na rin ako sa mga sayad ng iba. Yung isa dyan, hindi ko alam kung gusto ba akong matulog dito o umalis. Ano ba talaga ang ineexpect nya sa akin, na nababasa ko utak nya? Ganun ba? Ano bang ineexpect nya sa akin---"
"To be his girlfriend." sagot ng mapaos-paos na boses. Napapikit na lang ako ng madiin.
Sorry, God, may umepal. Napalakas ata ako eh. Pagpasensyahan Mo na, Hilaw eh.
"Tulog na." pagharap ko sa sandalan nung upuan. " Ah--kurrr, grhhh--" pagharok ko kunwari.
"Ha--hahahmm." tumawa to ng mahina. Ayan na naman! Pang morning voice dapat yan ah, ba't naandito na kaagad? Gabi pa lang!
Tsk', pasalamat sya at hilaw sya.