Jade's POV Tahimik akong nakikinig at nagmamasid sa masayang pagkwekwentuhan ng mga kasama ko. Buti pa sila sobrang komportable na sa isa't isa. Samantalang ako, eto iniiwasan yung bumabaon na tingin sa may gilid ko. Nagpalit-palit na rin kasi kami ng pwesto, at kagaya ng gusto ni Cheska ay nanuod lang kami ng movie na hindi na rin napapansin dahil mas nag-uusap sila at puro tanong. Ako naman walang ginagawa. Tinabi na kasi yung mga ginagawa naming school works kaya nakikinig lang ako sa kanila. "Seriously, gaano na kayo magkatagal na magkakilala ni Cheska? I didn't see you kasi, ngayon lang." mabagal na tanong ni Stella. Nangangapa pa ata kung mao-offend nya si Liam pero tumawa lang to ng mahina. Interesting question 'tong sisimulan nya. Stage na kasi to ng interrogation. Alam nyo nam

