Jade's POV Hindi natapos ang pagsagi ng mga tanong ni Hilaw sa utak ko. Simula pa lang nung nagpractice ulit kami ni Brian, puro sigaw na kaagad sya sa akin dahil lipad daw ako. Iniingatan ko pa naman ang ginagawa kong luto at ayaw kong magkamali, pero mas lumalalim pa lalo ang imahe ni Hilaw sa utak ko sa tuwing nasa kusina ako. Nakasanayan ko na nga siguro, katulad nung sinabi ni Brian, na mag-isip habang gumagawa sa kusina. Napansin din nya ata dahil kailangan pa nya akong tulungan para matapos yung niluluto ko. Kanina pa pala sya tapos at tinitignan lang ako kung matatapos daw ba ako gamit ang lipad na utak. Sorry naman, hindi ko lang namalayan ang oras. Kung hindi nga nya ako tinulungan ay baka siguro nasa school pa ako ngayon at nagluluto pa rin. May trabaho kami pareho at walan

