Jade's POV "Jade, ano let's go?" pag-aya sa akin nina Rina. Magkaholding hands sila ngayon ng boyrfriend nya, at ganun din naman ang iba. Magkakasama na naman kasi kaming magkakaibigan. Nabalakan nilang manuod ng sine, since hindi na ganung ka-busy sila sa school. Buti pa sila, eh ako medyo nakakarelax pa lang ng kaunti. Buti tapos na ako sa mga kailangan kong gawin. Malapit na rin kasing matapos ang school year. Alam na rin naming gragraduate kami kaya mas nagsasaya kami. Syempre, may interviews at ect pa, pero tsaka na yun. "Ahem, Jade please?" maarteng pinitik ni Cheska ang sintido ko. Grabe, ha. "We need your presence here on earth, pwede ba?" sassy nyang tanong at inirapan pa ako. "Gosh, Jady! Wala na talaga akong masasabi sayo. Buti nga at ide-date na kita. Ang hirap mo kasing ma

