CHAMIE P O V
Dapat nga ay hindi na Ako a-attend ng Batch Reunion Namin dahil wala naman si Colt. May College Reunion din kasi Sila. Kaya lang na-balitaan Kong pupunta daw ang ibang ka-batch Namin tapos may kasama Silang Boyfriend. S'yempre hindi naman Ako magpapa-talbog, Kailangan Akong pumunta kung hindi ay magpapa-rinig na naman sa Social Media ang Mortal Naming kaaway mula Nuong High School hanggang Ngayon kaya Kailangan Kong maka-isip ng Plano kung Sino ang isasama Ko. Nag-i-scroll Ako sa Cellphone nang mapunta Ako sa Call History at makita Ko ang naka-save na Number ni Cris. Talagang s-in-ave Ko para kung Kailangan Kong magpa-massage ulit ay madali Ko na S'yang mako-contact.
Tinawagan Ko S'ya pero hindi Ko sinabing hindi S'ya magma-massage. Pagkarating na lang N'ya sa Condo Ko tsaka ko sasabihin ang balak Ko. Binili Ko pa S'ya ng isusuot. Sasabihin Ko naman sa Kanyang kung magkano ang rate N'ya ay tatapatan Ko naman ang bayad basta samahan N'ya lang Ako.
Pagkarating N'ya sa Condo Ko ay nag-a-alangan pang pumayag pero bandang huli ay pumayag din naman. Bagay pa sa Kanya ang Long Sleeve na suot at Trouser. Para ngang sinukat sa Kanya ang Damit eh hinulaan Ko lang naman ang Size N'ya.
_ _ _
"Hi! Bestfriend! Kumusta!?" tili ng Isang Kaibigang Ko pagkakita N'ya sa Amin. Lumapit Ako tsaka nakipag-beso beso sa Kanila.
"Ayos naman, Ikaw ba?" tili Ko ding Tanong
"Always Good!" tugon naman nung Isa, "Sis! hindi S'ya ang BF Mo!" bulong Nito nang makilala ang Kasama Ko
"'Wag Kayong maingay, si Cris 'yan Massage Therapist Ko." bulong Ko din pero naka-ngiti para hindi mahalata sa Katabi Naming Table. Nasa High School pa lang kasi Kami ay may kumpitensya na sa Aming mga Grupo ng mga Kaibigan hanggang Ngayon kaya Kailangan ay patalbugan Kami sa mga pino-post Namin sa Social Media.
"Oh! Gwapo!" kini-kilig na sabi ng Isa Ko pang Kaibigan. Naputol ang pagbubulungan Namin nang magsalita na ang Emcee na uumpisahan na ang programa kaya umupo na Kami.
Natapos ang Reunion Namin na puro Plastic-an lang ang ginawa Namin. Kung hindi naman kasi Kami a-attend ay papa-ringgan Kami sa Social Media na Loser Kami.
"Hay! I'm feel exhausted!" buntong hininga Ko, pagka-sakay Ko sa Kotse Ko pauwi na Kami. Si Cris na ang nag-drive pati Kanina.
"Nagsasayang Ka lang ng Panahon sa ganuong Okasyon!" Turan ni Cris
"Ganuon talaga 'yung ibang mga Babae, may inggitan!" natatawang tugon Ko naman, umiling-iling lang S'ya.
"Oh My! Ang lakas ng ulan!" bulalas Ko ng biglang bumuhos ang malakas na ulan nung nasa Parking Lot na Kami ng Condo kung Saan Ako nakatira.
"May Payong Ka ba sa likod?" Tanong N'ya, saktong pagka-off ng Makina ng Kotse
"Meron, pero maliit lang!" mabilis Kong Sagot
"Huy! Mababasa Ka!" sigaw Ko sa Kanya, Wala kasing abog abog na lumabas ito tsaka pumunta sa Likod ng Kotse para Kuhanin ang Payong
"Tara na! Para makapag-pahinga na Tayo pareho." aya N'ya sa Akin, naka-bukas na ang Payong pero basa na S'ya, lumabas na Ako para hindi na S'ya mababad sa basa, nakakahiya naman kung magkaka-sakit S'ya dahil lang sa Akin.
S'ya na ang nag-lock ng mga Pinto tsaka Kami nagmamadaling naglakad papuntang Entrance ng Condo. Pero dahil malaki ang Katawan N'ya ay hindi Kami kasya, S'ya ang may hawak ng Payong, pina-payungan N'ya Akong mabuti para hindi Ako mabasa pero S'ya ay basang basa na.
"Kukuha lang Ako ng Towel." paalam Ko sa Kanya tsaka Ako pumasok sa Kwarto Ko pagkarating Namin sa Condo Ko. Basang basa talaga si Cris dahil Ako lang yata ang pina-payungan N'ya.
"Oh! Magpalit Ka muna sa Banyo malapit sa Kitchen para hindi Ka magkasakit." abot Ko sa Kanya ng Towel at T-shirt ni Colt. Nag-iiwan na kasi S'ya ng Damit Dito para kung sakaling maki-tulog S'ya ay may maisusuot S'ya.
Kinuha naman N'ya at pumasok sa Banyo, habang nagpapalit S'ya ay nagtimpla naman Ako ng Kape para mabawasan ang lamig Namin sa Katawan. Mas lalong lumakas pa ang ulan.
Binuksan Ko ang TV nung naka-timpla na Ako, dinala Ko sa Center Table ng Sala ang mga tasa Namin, para maka-panuod ng News kung may Bagyo ba o kaya ay magtatagal ang malakas na ulan.
"Magkape muna Tayo." sabi Ko sa Kanya nang makita Ko S'yang nakalabas na ng Banyo, naka-upo na Ako sa Sofa, hawak Ko ang Tasa ng Kape at mahina Kong hinihipan dahil mainit pa.
"May Bagyo daw ba?" Tanong N'ya pagka-upo sa Solohang Sofa sa tabi Ko
Hindi na Ako naka-sagot sa Tanong N'ya dahil nag-news flash na sa TV, sinabi ngang magtatagal pa ang ulan ng hanggang Tatlong Oras, baha na din daw sa ibang Lugar pauwi sa Bahay Nila Cris. Natanong Ko na kasi Kaninang papunta pa lang sa Venue ng Reunion Namin ang ibang details N'ya.
"Paano Ka N'yan makaka-uwi?" nag-a-alalang Tanong Ko
"Oo nga eh, maghihintay na lang Ako sa malapit sa Amin sa Isang Convenient Store," Sagot N'ya sabay higop ng Kape
"Paano kung matagal pang humupa ang Baha?" Tanong Ko ulit, dahil sa walang ka-kwenta kwentang Reunion Namin ay malalagay pa sa alanganin si Cris kahit na ba bayad ang Oras N'ya. Nakaka-hiya pa din baka kapag Kailangan Ko na talagang magpa-massage sa Kanya ay hindi na N'ya Ako i-massage dahil nadala na sa Akin. Tsaka Hatinggabi na din.
"Sanay na!" natatawang tugon N'ya sabay kibit Balikat.
"Ay! Hindi naman pwede 'yun! Dahil sa Akin kaya Ka inabutan ng Laki ng Tubig. Dito Ka na lang matulog, kapag humupa na tsaka Ka na lang umuwi." suhestyon Ko sa Kanya
"Naku! Hindi na! Baka kung Ano ang isipin ng mga Kapitbahay Mo kapag Dito Ako naki-tulog." tanggi N'ya
"Ano Ka ba Naman! Bakit Sila ang iisipin Mo?" bulalas Ko sa Kanya
Tumayo na Ako tsaka Ko kinuha ang mga Tasa Naming wala ng laman. "Kukuha lang Ako ng Kumot Mo, D'yan Ka matulog sa Sofa." Saad Ko sa Kanya, napakamot lang S'ya sa Ulo hindi na Kumibo.
"Basta kapag alam Mong wala ng Tubig pauwi sa Bahay Mo, pwede Ka nang umuwi, 'wag Mo na Akong gisingin dahil wala naman Akong Trabaho Bukas, Tanghali na Ako babangon." bilin Ko pagka-bigay Ko sa Kanya ng Kumot
"Okay! Salamat!" tipid ang ngiting tugon N'ya, kita tuloy ang pantay pantay N'yang Ngipin at mapuputi. Sabi na mas Gwapo ito kapag laging naka-ngiti.
"Sige! Goodnight!" paalam Ko sabay talikod sa Kanya habang naghihikab
"Goodnight din!" tugon din N'ya, hindi na Ako nagsalita ulit. Nakapasok na kasi Ako sa Pinto ng Kwarto Ko.
Pagka-higa Ko sa Kama maya-maya lang ay naka-tulog agad Ako. Quarter to One na din kasi.
Pero nung Madaling Araw ay naka-ramdam Ako ng uhaw, kaya lumabas Ako ng Kwarto para pumunta sa Kusina at kumuha ng Tubig sa Ref. Naka-pikit pa ang Isang Mata Kong naglalakad, s'yempre kabisado Ko na ang Kusina Namin kahit Dalawang Mata ang hindi Ko idilat. Kumuha na nga Ako ng Isang Bottled Water tsaka Ko ito tinungga ng Diretso habang naka-bukas pa ang Ref. Ilaw sa Ref lang ang nagsisilbing liwanag sa Kusina. Hindi na kasi Ako nagbukas dahil may sinag naman na nagmumula sa Ilaw ng Bintana sa Labas.
Pabalik na Ako sa Kwarto Ko nang may mabangga Akong matigas na Pader. Nawala ang antok Ko at napangunot naman ang Nuo Ko dahil wala namang Pader sa Gitna ng Kusina Ko. At nagulat Ako nang hapitin Ako ng 'Pader' na 'yun sa Baywang Ko kaya mas lalong napalapit ang Aming mga Katawan.
"Matagal na Akong may gusto Sa'yo, Unang meet pa lang Natin." saad ng 'Pader' na nabunggo Ko, kaya mas lalong nalukot ang Nuo Ko, hindi naman ito si Colt, Sino kaya ang mapangahas na Lalake ang pumasok sa Condo Ko, alam Kong Lalake dahil sa laki ng Katawan at boses Nito. Hindi naman Ako maka-sigaw at baka kung ano ang gawin sa Akin ng Lalakeng ito, paano kung masamang Tao pala.
"Teka! Teka!" pigil Ko sa Lalakeng hinahalikan na Ako sa Leeg. Tinutulak Ko pa S'ya ng mga Kamay Ko sa malapad N'yang Dibdib. "Sino Ka ba?!" tanong Ko na sa Kanya, madilim pa kasi kaya hindi Ko talaga makita ang Mukha N'ya, pero parang pamilyar ang amoy na gamit N'yang pabango.
Natawa naman ang pangahas na Lalake, "Nakalimutan Mo Ako agad?! Ako lang naman ang pinakilala Mong Boyfriend Kanina sa Reunion N'yo!" bulong Nito, inilapit pa ang Bibig sa Tainga Ko kaya nagtayuan ang lahat ng balahibo Ko sa Katawan. Naalala Ko ng si Cris itong pangahas na Lalake na pinatulog Ko sa Sofa dahil malakas ang ulan.
"B - Hhmmppp!" nakulong na sa mga Bibig Namin ang sasabihin Ko pa dapat. Dahil pinaglapat na N'ya ang mga Labi N'ya sa mga Labi Ko.