THIRD PERSON P O V
"Hindi Ka pa ba Tapos?" naiinis na Tanong ni Colt sa Fiance na si Chamie
"Malapit na, Hon, Lipstick na lang." tugon naman Nito na balewala lang sa Kanya ang inis ng Nobyo
"Okay! Let's go!" Saad na N'ya makatapos mag-pahid ng Lipstick sa mapupula nang mga Labi. Kunot Nuong tumayo na ang Fiance N'ya tsaka tahimik na lumabas ng Kanyang Condo.
Tahimik lang Silang bumi-byahe papunta sa Bahay ng Parents ni Colt, Birthday kasi ng Ama Nito.
"Wala na ba Tayong nakalimutan sa pag- prepare ng Kasal?" basag ni Colt sa mahabang Katahimikan
"Ahm! Wala na, Hon, Araw na lang ng Wedding ang hihintayin Natin." excited na tugon naman ni Chamie
"Okay! Excited na Akong tawagin kitang Mrs. Perez." maluwang ang pag-kaka-ngiting tugon pa ng Binata, "S'yempre sa Honeymoon din Natin." dagdag pa N'ya.
"Sus! Ginagawa naman Natin iyon kahit wala pang Kasal eh." natatawang tugon ng Dalaga
"Eh, 'di pwede mamaya?" may pilyong ngiting naglalaro sa mga Labi ulit ng Binata, nahampas naman S'ya sa Braso ng Kasintahan
Hindi na ito naka-Sagot dahil huminto na Sila sa Gate ng Bahay ng mga Magulang ni Colt. Binuksan naman ng Gwardya ang Malaki Nilang Gate para maka-pasok Sila sa Bakuran ng Pamilya Perez.
"Let's go Hon! Baka Tayo na lang ang hinihintay." aya ni Colt kay Chamie, pagkababa Nila sa Sasakyan
Hindi na sumagot ang Dalaga, kumapit lang sa Braso ng Binata tsaka sabay Silang pumasok sa maluwang na Sala.
"Happy Birthday, Dad!" sabay Nilang bati tsaka humalik sa magka-bilang Pisngi ng Daddy ni Colt, sabay abot ng Regalo.
"Thank You! Thank You! Upo na Kayo para makakain na!" naka-ngiting tugon ng Padre de Pamilya ng Pamilya Perez
Binati din ng mga Bagong Dating ang Mommy ni Colt, mga Kapatid at Asawa ng mga ito. Nakipag-bro hug si Colt sa mga Lalake, naki-beso naman si Chamie sa mga Babae. Umikot naman ang mag-kasintahan para batiin din ang ibang Myembro ng Pamilya ni Colt bago Sila naupo sa pwesto Nila sa Twelve Seater na Dining Table. Tsaka sabay-sabay na Silang Kumain.
Limang Taon ng mag-Nobyo Sila Chamie at Colt. May Architecture Firm si Colt at Dalawa N'yang Kaibigan. Kahit may mga Negosyo ang Pamilya ni Colt ay nagtayo din Sila ng Sarili Nilang Negosyong magka-Kaibigan. Isang Architect naman si Chamie. Employee Nila si Chamie kaya Duon na-develop ang Feelings Nila ni Colt. Wala namang problema sa Kanilang Pamilya, Boto sa Kanilang Dalawa.
_ _ _
"Nakaka-pagod!" daing ni Cris pagkarating sa Apartment N'ya sabay pabagsak humiga sa Kanyang Sofa sa Sala, katatapos lang kasi ng Maghapon N'yang Trabaho, Isa kasi S'yang Massage Therapist.
Kahit may Kaya ang Kanilang Pamilya ay ginusto N'yang umiba ng Trabaho na ma-i-enjoy N'ya. May Favoritism kasi ang Kanyang Ama kaya ang magaling lang para Dito ay ang Kuya N'ya na Panganay sa Kanilang Magka-kapatid.
Kaya Lumuwas S'ya ng Manila para hanapin ang Kanyang Kapalaran. Hindi S'ya nanghihingi sa Kanilang Ama kahit Sentimo. Pagod at pawis N'ya ang Puhunan sa pagtira Dito. Ang kinikita N'ya sa pagmamasahe ang pinag-kakasya sa Sarili.
Kahit Graduate S'ya about Business ay hindi iyon ang Trabahong in-apply-an N'ya. Ayaw N'ya kasing matunton S'ya ng Ama. Pero alam ng Kanyang Ina ang lahat ng mga ginagawa N'ya sa Manila. Ito lang ang nakaka-alam ng lahat-lahat sa Kanya. Pati na ang sama ng loob N'ya sa Kanyang Ama.
Nang makapag-pahinga si Cris ay Tumayo na S'ya para magluto ng para sa Hapunan N'ya. Mahilig naman S'yang magluto kaya hindi S'ya nahirapan na bumukod. Paglalaba lang ang hindi S'ya marunong kaya nagpapa-laba na lang S'ya ng marurumi N'yang Damit sa Kapitbahay Nila Dito. Medyo dikit-dikit kasi ang mga Bahayan sa napili N'yang Tirhan dahil iyon lang ang kaya N'yang upahan sa kinikita N'ya sa pagmamasahe.
Hindi N'ya ginagastos ang Perang nasa Bank Account N'ya para walang masabi ang Kanyang Ama. Isang Taon na S'yang Nandito pero Wala pa S'yang Balita kung pina-pahanap ba S'ya ng Ama o hindi, Wala naman kasing nababanggit ang Kanyang Ina.
"Tok! tok! tok!" Katok sa Pinto ang nagpa-hinto kay Cris sa pagluluto. Binaba na muna N'ya ang Syansi sa Kawali at hininaan ang apoy ng Kalan. Nagpi-prito kasi S'ya ng Tinapang Bangus.
"Oh!? Napa-dalaw Ka?!" gulat N'yang Tanong sa nabungaran N'yang Babae pagbukas N'ya ng Pinto ng Apartment.
"Pinag-dala Kita ng Ginisang Sayote, baka kasi hindi Ka pa nakaka-luto." Sabi ni Melissa na naka-ngiti, may hawak nga itong malaking Bowl na may Takip
"Nagluluto pa nga lang Ako." sambit naman N'ya tsaka nilakihan ang Bukas ng Pinto, "Pasok Ka!"
Pumasok naman ang Babae, diretso sa Kusina para ilapag ang hawak na Bowl sa Lamesang pang-dalawahan.
"Ako na ang magluluto, upo Ka na lang D'yan, ayos itong Tinapang Bangus sa Gulay na dala Ko" Saad naman N'ya, kinuha na Nito ang Syansi at S'ya na ang nagpihit ng pini-prito Kanina ni Cris. Hinayaan naman ng Binata. Naglagay na lang S'ya ng Dalawang Pinggan sa Lamesa.
"Dito Ka na Kumain," alok N'ya sa Dalaga, hindi ito sumagot naka-harap pa din kasi ito sa niluluto.
Matagal nang nagpaparamdam si Melissa na may gusto kay Cris pero hindi S'ya pina-pansin ng Binata. Madalas din itong magbigay ng Lutong ulam kapag nagdala naman ay isinasabay na ng Binata sa Pagkain, tulad Ngayon. Minsan nga ay gusto Nitong S'ya na ang maglaba ng mga maruruming Damit N'ya, hindi lang pumayag ang Binata.