CRIS P O V "'Ma!" maluha- luha Kong sabi sa Nanay Kong matagal Ko ng hindi nakasama at nakikita, mahigpit na Kaming magkayakap, tinatapik- tapik naman ng Kuya Ko ang likod Ko at naka- ngiti ang Asawa Kong naka- tingin lang sa Amin. "I Miss You, 'Ma!" emotional Kong sabi, magkayakap pa din Kami, "Ouch!" biglang ngiwi Ko din at kalas mula sa pagkaka- yapos Namin, kinurot kasi Ako ng pino ni Mama sa tagiliran, natawa naman ng malakas ang Kuya Ko. "'Ma!? Ang sakit po! Wala Ka pa din pong pagbabago!" saad Ko habang hawak ang tagilirang kinurot N'ya. Naka- ngiwi na din si Malissa. "Na- miss Mo Ko, pero hindi Ka naman umuuwi!" kukurutin pa sana Ako, mabuti na lang at nakatakbo agad Ako sa likod ng Asawa Ko. "Damuhong ito at nagtago pa sa likod ng Asawa!" naiiling na sabi N'ya, natatawa nama

