CRIS P O V Akala Ko naman ay matagal Kong makakasama ng walang istorbo si Chamie. Dahil Birthday pala ng Tatay N'ya kaya kailangan Naming bumalik agad sa Metro Manila, pero ayos na din kasi magdamag naman Kaming nakapag-solo at nanawa ang mga Katawan Namin sa isa't isa. "Kuya Cris," tawag ni Melchor, Bunsong Kapatid ni Melissa, kapapasok Ko lang kasi sa Compound ng tinitirhan Namin, hinintay N'ya siguro ang pagdaan Ko, "Eto daw pala 'yung pinalaban Mong Damit kay Manang, wala Ka kasi Maghapon eh kaya iniwan na lang Dito." paliwanag N'ya, buhat buhat N'ya 'yung Laundry Basket Ko. "Ganuon ba!? Eh, Nasaan ang Ate Mo?" tanong Ko, nilibot Ko pa ang paningin Ko sa paligid ng Bahay Nila, naka-bukas kasi ang Gate kaya kita ang buong Bakuran "Sinundo ng mga co-teacher N'ya, Birthday yata ng Pri

