Walang kamalay-malay ang dalawa noon na mula sa itaas ay pinapanood sila ng kasambahay na si Milly at ang desiotso anyos nilang kasambahay na si Joy. "Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Bakit parang umiiyak si Ate Mika?" tanong ni Joy.
"Oo nga. Mukhang galit si Sir Cedric," dagdag ni Milly.
"Kayo talagang dalawa. Napaka-tsismosa niyo," ani Manang na noo'y kasalukuyang pinapalitan ng damit ang bata.
"Naku, Manang. Baka po paalisin din ni Sir si Mika,” nag-aalalang sabi ni Milly.
"Paalisin? Bakit naman?"
"Mukha po kasing galit si Sir Cedric sa kanya."
Napangiti si Manang Beth. "Baka mayroon lang hindi pagkakaintindihan ang dalawang ‘yon. Kilala ko si Cedric, kapag galit siya sa tao galit siya. Hindi sila makakaabot sa garden nang tahimik kung talagang galit siya kay Mika."
Kunot ang noong nagkatinginan ang dalawa. "Ano po ang ibig niyong sabihin, Manang?"
" 'Wag na kayong mag-alala kay Mika dahil siguradong hindi siya paalisin ni Cedric."
Napangiti na ang dalawa. Napalapit na rin kasi sila kay Mika. Madalas kasi ay tinutu lungan din sila nito sa gawaing bahay.
"Sige na. Matulog na kayong dalawa at ako na lang ang magbabantay sa bata."
Nang makalabas ang dalawa, dumungaw si Manang sa bintana. Tanaw niya mula roon ang seryosong pag-uusap ng dalawa.
"Ano na naman kaya ang nangyari?" nangingiting bulong nito atsaka ito naglakad pabalik sa bata.
"Ano? Hindi ka pa rin aamin?" tanong ni Cedric.
Hindi pa rin umiimik noon si Nikki kaya kunwa'y tumayo si Cedric.
"Kung ayaw mong magsalita, ire-report na lang kita sa mga pulis," aniya atsaka niya dinukot ang cell phone niya sa bulsa.
Bigla namang napatayo si Nikki at pinigilan ang kamay niya. "Magsasabi na ako ng totoo," mabilis na sabi nito.
Muling hinila ni Cedric ang silya atsaka siya naupo. Sunod namang naupo si Nikki.
"Tumakas ako sa amin dahil ayokong magpakasal sa kababata ko," simula niya.
"Forced marriage? Uso pa ba ang ganun ngayon?"
Tumango lang ang dalaga.
"Bakit ayaw mo sa mapapangasawa mo?"
"Bata palang po kami noong huli kaming nagkita. Maliban sa pagiging magkaibigan, wala naman kaming naging malalim na relasyon noon kaya bakit kami magpapakasal?"
"Bakit nga ba?" ganting tanong ng binata.
"Nangako kasi ang lolo ko sa matalik niyang kaibigan bago mamatay na ipapakasal kaming dalawa."
"Kahit katiting ba wala ka man lang feelings dun sa lalaki?"
Natawa si Nikki. "Feelings? Ang payatot kaya nun. Tapos puro alambre pa ang ngipin."
Napakagat sa labi si Cedric na tila nagpipigil ng galit. Pero hindi iyon napansin ng dalaga dahil hindi ito nakatingin sa kanya habang nagkukwento. "Payatot pala, ha?"
"In short, wala kang gusto sa kanya?"
"Kung gusto ko siya, hindi ako tatakas at magpapakalayo-layo nang ganito. Ang dami kayang hirap ang tiniis ko para lang makapagtago sa kanya."
"Paano kung hindi na siya payatot ngayon? Magugustuhan mo ba siya?"
Natawa si Nikki. "Imposible! Ang baduy-baduy kaya nung manamit. I'm sure hanggang ngayon ganun pa rin ang isang 'yon. I don’t think na ma-iinlove ako sa kanya. Never!”
Muling napakagat sa labi si Cedric at napaamba pa ng kamay pero hindi niya ‘yon napapansin ng dalaga. "Sigurado ka ba'ng magkaibigan kayo dati?" mariing tanong niya.
"Oo naman po. Pero sobrang bata pa po namin noon. If I'm not mistaken Kyle was seven and I'm just five years old."
"Sa ganung edad marunong ka nang makipag-plastikan? You make him believe na you are okay with kahit hindi?"
Napakunot ang noo ni Nikki. "Malapit po siya sa akin noon pero wala po akong gusto sa kanya."
"Kaya hindi mo na tinangkang makipag-usap sa kanya? Basta mo na lang siyang tinakbuhan?"
“Sir, retired General ang Lolo ko. Malawak ang impluwensiya niya sa military at maging sa mga pulis. Wala po akong kalaban-laban kapag ginamitan ako ng pwersa ni Lolo.”
“Kaya mas pinili mo na lang na takbuhan ang fiance mo. At pagmukhaing kaawa-awa? Nasaan ang konsensiya mo?” biglang napataas ang boses niya.
"Sir? Bakit parang affected naman po kayo masyado?" tanong ng dalaga.
Bigla siyang napaiwas ng tingin. Hindi na niya kasi kinakaya ang mga rebelasyon ni Nikki kaya hindi niya maitago ang kinikimkim niyang emosyon.
"Okay lang po kayo, Sir?" muling tanong ng dalaga.
"Siguraduhin mong totoo 'yang mga pinagsasasabi mo, ha?" kunwa'y sabi niya.
"Opo. Totoo po 'yun, Sir."
“Mayaman ka pa pala sa akin. Paano kita gagawing yaya niyan?” kunwa’y sabi niya.
“Sir, ‘wag niyo na pong intindihin ang totoong pagkatao ko. Okay lang naman po sa akin ang maging yaya. Huwag niyo naman po akong patalsikin. Hindi ko pa po kayang bumalik sa amin.”
"So, it's Nikki not Mika?" tanong niya.
Alanganing ngumiti ang dalaga. “Yes po, Sir.”
"Stop calling me, Sir, nanliliit ako. Saka bakit ka ba po nang po sa akin? Ilang taon ka na ba?” kunwaring tanong niya.
“Twenty four po.”
“Twenty six palang ako. Huwag mo na akong pino-po.”
“H-Hindi mo naman ako paalisin, hindi ba?” alanganing tanong ni Nikki.
Gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi ni Cedric. Ito na kasi ang pagkakataon niyang makabawi sa lahat ng panlilibak sa kanya ng dalaga. “Depende,” aniya
Napakunot ang noo ni Nikki. “D-Depende po saan?”
“Kung sasagutin mo ang tanong ko at susunod ka sa mga condition ko.”
Biglang natigilan si Nikki. “Ano po ‘yon, Sir?”
“Cedric. Iyon ang gusto kong itawag mo sa akin.”
Ngumiti ang dalaga sabay tumango. “Okay, Cedric.”
“May isa pa akong tanong sa’yo.”
Seryosong napatingin si Nikki sa kanya.
“Wala ka bang balak makipag-usap sa lalaki? I’m sure nasaktan ‘yon sa ginawa mo.”
“Saka na lang siguro. Hindi ko rin naman alam kung paano magpapaliwanag sa kanya.”
Tumango-tango si Cedric. “So, ano’ng gagawin ko sa’yo ngayon? Hindi na kita pwedeng gawing yaya. Baka malagot ako sa lolo mo kapag nalaman nilang pinahihirapan kita rito.”
“Sir, ‘wag niyo naman po akong paalisin. Ayoko pa pong umuwi sa amin,” pakiusap ng dalaga.
“Isang tawag mo pa ng, Sir, ako na mismo ang maghahatid sa’yo sa lolo mo,” seryoso ang mukhang sabi niya.
Napataas ng kamay si Nikki. “I’m sorry! But please let me stay. Kahit ano kaya kong gawin. Huwag mo lang akong ibalik sa amin.”
Naningkit ang mga mata ni Cedric. “Kahit ano? Sigurado ka?”
Alanganing napatango ang dalaga.
“Kailangan ko ng tatayong nanay kay Migui. Kaya mo bang maging asawa ko?”
Napakunot ang noo ng dalaga. “Asawa?” tanong nito.
“Yeah,” seryosong sagot ni Cedric habang nakatingin sa dalaga.
Natawa si Nikki. “Joke ba ‘yon? Tinakbuhan ko nga ‘yung ipapakasal sa akin ng lolo ko, tapos eto ka, aalukin mo akong maging asawa mo? Okay ka lang?”
“Hindi naman katulad ng sa lolo mo ang alok ko,” seryoso ang mukhang sabi ni Cedric. Inilapit niya ng bahagya ang mukha sa dalaga bago siya muling nagsalita. “Wala akong gusto sa’yo, Nikki. At wala akong balak na makipagrelasyon sa’yo,” naniningkit ang mga matang sabi niya.