Chapter 17-Sila na ba?

1615 Words
“Nasanay na ako na kasama ko kayong dalawa. Kaya hindi ko alam kung ano’ng mararamdaman ko kapag hindi ko na kayo kasama. Para ko na kasi kayong pamilya,” nangingilid ang luhang sabi ni Nikki. Napangiti si Cedric sabay napailing. “Dapat ba akong matuwa sa sinabi mo o dapat akong masaktan?” “Ikaw? Nasa sa’yo na kung paano mo tatanggapin ang sinabi ko,” aniya. Naningkit ang mga mata ni Cedric. Humakbang ito ng isang hakbang papalapit sa kanya atsaka siya nito tinitigan. Unti-unti nitong ikinawit ang isang kamay sa baywang niya atsaka siya nito hinapit papalapit. Dahan-dahang inilalapit ni Cedric ang mukha sa kanya nang bigla niya itong itinulak papalayo. “I’m sorry. Wala akong balak maging mistress mo.” Biglang natawa si Cedric. “Mistress? Sino namang may sabi na gagawin kitang, Mistress?” Napatingin sa malayo ang dalaga. “Cedric, please. Stop teasing me!” Lumuwang ang pagkakangiti sa mga labi ni Cedric. Ibinaling nito ang mukha niya at nagtama ang kanilang paningin. Muling ikinawit ni Cedric ang isang kamay sa baywang niya atsaka siya nito muling hinapit papalapit. Sa pagkakataong iyon, hindi na niya napigilan pa ang sarili. Pinaubaya na niya ang mga labi niya sa binata.“Trust me. I won’t hurt you,” anito nang bumitiw sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ni Cedric doon. Basta ang alam niya lang sa mga sandaling iyon, hindi na niya kayang ikubli pa ang feelings niya para rito. “Okay ka lang?” tanong ni Cedric nang hindi siya kumibo. Nanatili lang siya noong nakatitig sa binata. Alanganin ang ngiting gumuhit sa mga labi niya atsaka siya tumango. Natatawang kinabig siya ni Cedric atsaka siya niyakap. Palaisipan kay Nikki kung ano ang ibig sabihin nang ikinilos na iyon ni Cedric. Pero hindi naman niya ito magawang tanungin sa takot na baka iba ang isagot nito sa kanya. Kaya hahayaan niya na lang ang sarili na magpatangay sa agos. Hanggang sa kung saan siya dalhin ng feelings niya para kay Cedric. Bumitaw si Cedric sa pakakayakap sa kanya atsaka siya nito tinitigan. “ I can’t believe this. Nandito ka na ngayon sa harapan ko,” anito. Nagdilim ang mukha ni Nikki sa narinig. Isang malakas na sampal ang pinakawalan niya sa mukha ni Cedric. Napangiwi si Cedric sa sakit. “Para saan ‘yon?” kunot noong tanong nito habang hinihimas ang pisngi. “Hindi ako ang mama ni Migui. Huwag mo akong gamitin para buuin ang ilusyon mo na ayos na kayo. How dare you do this things to me? I hate you!” aniya sabay takbo sa loob ng silid. Natatawang hinimas ni Cedric ang namamanhid na pisngi. Mukhang na-misinterpret ni Nikki ang sinabi niya. Dahil hindi ito aware na matagal na niya itong pinapangarap na muling makita, inakala nito na ang mama ni Migui ang tinutukoy niya. “Dapat ko na bang sabihin sa kanya?” bulong niya habang nakatanaw sa nakasarang pinto. Umiiyak at nakasubsob sa kama si Nikki nang pasukin niya ito sa kwarto. Naupo siya sa tabi nito atsaka niya ito inalo. “Babe, mag-usap naman tayo,” aniya habang hinihimas niya ito sa braso. “Get out! Ayaw kitang makita,” anito. Nahiga siya tabi ni Nikki atsaka niya ito niyakap. “It’s not what you think, okay? Hindi ang mama ni Migui ang tinutukoy ko. Hindi lang talaga ako makapaniwala na mahuhulog din ang loob mo sa akin.” Unti-unting bumaling ang dalaga sa kanya hanggang sa magtama ang kanilang paningin. "Dapat ba akong maniwala sa'yo?" tanong nito. Bahagyang napangiti si Cedric. "Wala ka namang ibang choice, eh." Nangingiting tinuyo niya ang luha sa pisngi ng dalaga atsaka niya hinawi ang nagulo nitong buhok. “Ang sakit nun, ah?” aniya patungkol sa kaninang sampal na inabot niya. Napangiti si Nikki. “Sorry!” sambit nito. Napatulis ang nguso ni Cedric. Inilapit niya ang mukha sa dalaga atsaka niya ito hinalikan sa noo. “Cry baby ka pa rin hanggang ngayon,” wala sa loob na sabi niya. Ganoon kasi si Nikki noong mga bata pa sila. Sa tuwing magtatampo ito sa kanya nagkukulong ito sa kwarto at doon nag-iiiyak. Tumitigil lang ito kapag sinuyo na niya. Napakunot ang noo ni Nikki. “Ka pa rin? Bakit kilala mo na ba ako noon pa?” Ngumiti si Cedric sabay gulo sa buhok niya. “I love you,” mahinang sabi niya. Nanlaki ang mga mata ni Nikki. Bigla itong bumangon at naupo paharap sa kanya. “Alam mo ba ‘yang mga pinagsasabi mo, ha? Sobra-sobra ka nang magpaasa, ha. Ano? Part pa rin ba i—“ Napatutol ang pagsasalita niya nang bigla siyang sunggaban ng halik sa labi ni Cedric. Masuyo ang halik na iyon ng binata na tumagal din ng ilang segundo. “When I said I love you, I mean it,” anito nang bumitiw sa kanya. Napaawang ang mga labi ni Nikki nang mapatitig siya sa binata. “So, ano? Ready na ba akong maging mistress?” Tinapik-tapik niya ang sarili para magising sa inaakala niyang panaginip. Pero natatawang hinuli ni Cedric ang mga kamay niya atsaka siya nito dinampian ng halik sa labi. “Hindi ka nananaginip, Babe. Totoong nangyayari ang lahat nang ito.” “Kailan ka pa nagkagusto sa akin?” kunot ang noong tanong niya. Napangiti si Cedric. “Ako yata ang dapat magtanong sa’yo niyan. Kailan ka pa nagsimulang magkagusto sa akin?” anito sabay lapit ng mukha sa kanya. “Hindi ko alam,” nakatulis ang ngusong sagot niya sabay iwas ng tingin. Ikinulong ni Cedric sa mga palad ang mukha niya atsaka nito ikiniskis ang ilong sa ilong niya. “Paano mo ba nagagawang palundagin ang puso ko nang ganito,” anito. Napangiti si Nikki. “Ewan ko siya!” aniya sabay iwas ng tingin. Natatawang kinabig siya ni Cedric atsaka siya nito niyakap nang mahigpit. Naghuhugas ng plato si Nikki noon nang yumakap mula likuran niya si Cedric. "Ako na ang bahala riyan, bukas. Tulog na tayo," anito na noo'y inihilig pa ang ulo sa balikat niya. "Sige na. Mauna ka na. Tatapusin ko lang 'to," hindi lumilingong sabi niya. Kumalas si Cedric sa pagkakayakap sa kanya atsaka siya nito kinabig paharap. Dinampian nito ng halik ang noo niya bago ito nagsalita. "Sunod ka, ha?" Napangiti na lang siya sabay tango. Ilang minuto rin ang lumipas bago siya nakasunod sa kwarto. Naghihilik na si Cedric mula sa pagkakahiga nito sa mahabang upuan kaya hindi na niya ito ginising. Para hindi makalikha ng tunog, maingat na nahiga siya sa tabi ng bata. Madaling araw nang maramdaman niya ang pagtabi sa kanya ni Cedric. Kaya nilingon niya ito. "Ano'ng ginagawa mo rito?” aniya. Sa halip na sumagot, inunan nito ang braso sa kanya atsaka siya nito niyakap. "Tulog na tayo," anito sabay subsob ng mukha sa likod niya. Tinangka niyang kalasin ang kamay ni Cedric mula sa pagkakayakap sa kanya pero mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. "Ilang araw na akong walang maayos na tulog. Hayaan mo na akong matulog sa tabi mo," bulong nito. Napabuga ng hangin ang dalaga. Pansin niya rin ang lumalaking eyebag sa mga mata ni Cedric kaya pinagbigyan na niya ito. Nang magising si Nikki nakayakap pa rin sa kanya si Cedric. Dahan-dahan niyang iniangat ang kamay nito pero mas lalo pa itong yumakap sa kanya. "Magluluto lang ako ng almusal," aniya sabay pisil sa ilong nito. Nakangiting dumilat si Cedric. "Talagang paninindigan mo ang pagiging asawa ko, ha?" naniningkit ang mga matang sabi nito. "Bakit? Ayaw mo ba?" Bahagyang inilapit ni Cedric ang mukha sa kanya atsaka siya nito tinitigan. "Sinabi ko ba'ng ayaw ko? I want coffee for breakfast," nangingiting sabi nito. Tinangkang bumangon ni Nikki pero agad siyang nahila pabalik ni Cedric. "Hindi pa ako tapos. Gusto ko rin ng kiss," anito sabay dampi ng halik sa labi niya. "Pa-fall ka talaga," aniya nang tangkain niyang tumayo pero mabilis siyang nadaganan ni Cedric. Bumilis ang t***k ng puso niya habang nakatitig sa binata. "Effective naman, 'di ba?" naniningkit ang mga matang tanong nito. Napatulis ang nguso niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito atsaka niya pinisil. Natawa na lang ang binata."Get up! I'll teach you how to cook," anito na noo'y nagpatiuna nang tumayo. Naging masaya ang mga nalalabing araw nila sa Bataan. Wala silang ginawa kundi kumain at magtampisaw sa dagat kasama ni Migui. Marami-marami ring pictures ang nakuha niyang remembrance sa lugar na iyon. Siniguro niya kasing maka-capture niya lahat ng mga happy moments nila ni Cedric kasama si Migui. Tahimik lang si Nikki habang bumibiyahe sila pauwi ng Maynila. Kinakabahan kasi siya sa kung ano na ang mga mangyayari sa relasyon nila ni Cedric sa mga susunod na araw. Inabot ni Cedric ang isang kamay niya atsaka iyon bahagyang pinisil. "Ano na naman 'yang iniisip mo?" anito nang tapunan siya ng tingin. "Nothing," maikling sagot niya. Hindi na umimik si Cedric pero hindi rin ito bumitaw sa isang kamay niya. "Focus on driving. Okay lang ako," aniya nang kalasin niya ang kamay nito mula sa pagkakahawak sa kanya. Sumulyap sa kanya si Cedric atsaka ito ngumiti. "I love you," bulong nito sa hangin. Napangiti na siya. Yumakap siya sa baywang ni Cedric atsaka niya inihilig ang ulo sa tagiliran nito. Kinabig naman siya nito atsaka siya dinampian ng halik sa ulo. "Cedric, madali ka! Nandiyan sa loob si Kassey hinihintay ka!" humahangos na sabi ni Manang nang makababa sila sa kotse. Napatingin siya kay Cedric na noo’y biglang sumeryoso ang mukha. Napatingin din ito sa kanya pero hindi ito nagsalita. Sino nga kaya si Kassey? At ano ang kaugnayan nito sa binata?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD