Chapter 2- Meet Cedric, ang supladong amo

1390 Words
Napa-sign of the cross si Mika bago siya pumasok sa loob. "Oh? Ano pa'ng hinihintay mo? Bakit hindi mo pa kunin si Migui?” ani Cedric. Napasulyap ang dalaga sa cute na bata na noo’y nakatayo habang nakahawak sa gilid ng crib. Hindi naman nalalayo ang hitsura nito kay Cedric. “Linisan mo muna ang bata at palitan ng damit bago mo patulugin," ani Cedric. "Okay po," mabilis niyang sagot atsaka siya lumapit sa bata. Nanginginig ang tuhod ni Mika noon. Hindi niya mawari kung dahil ba 'yon sa takot na baka mabuking siya ni Cedric na wala siyang alam sa pag-aalaga ng bata o sadyang may kakaiba lang talagang dulot sa kanya ang presensiya ng binata. Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa kanya noon. Dati namang malakas ang loob niya pero tila natatameme siya sa harapan ni Cedric. Medyo seryoso kasi ang mukha nito. Kinakabahan siya na baka sa maling galaw niya, basta na lang siya nitong kaladkarin palabas. Wala pa naman siya ngayong mauuwian. Kukuhanin na niya si Migui nang marinig niya ang pagtunog ng sumarang pinto kaya agad siyang napalingon. Wala na sa likuran niya si Cedric. Napahawak na lang siya sa dibdib at nangingiting humarap sa bata.” Hay! Ang sungit naman ng daddy mo, pogi,” bulong niya sabay pisil sa pisngi nito. Natawa naman ang bata na tila sumang-ayon sa sinabi niya. Nangingiting binuhat ni Mika ang bata. At habang kalong-kalong niya ito, inisa-isa niyang buksan ang mga drawer para hanapan ito ng damit at diaper. Madali lang sa kanya ang mga ganung bagay, kayang-kaya niya pang banuin ang mga ‘yon. ‘Wag lang sa puntong magkakasakit at madidisgrasya ang bata. Wala kasi siyang alam sa mga ganung sitwasyon. Lumuwang ang pagkakangiti ni Mika nang matanaw niya ang mga bundle ng diaper na nakalansan sa bandang itaas ng cabinet. Inilapag niya ang bata sa crib atsaka niya tinangkang abutin ang diaper. Pero masyadong mataas ang kinalalagyan nito kaya nahirapan siyang abutin ito. Inilinga niya ang mga mata sa paligid para humanap ng matutuntungan pero wala siyang makita. Napaupo sa gilid ng kama si Mika sabay napabuga ng hangin. “Grabe, naman ‘to! Pagkuha lang ng diaper, pahirapan pa,” bulong niya. Tinapik-tapik niya ng mga kamay ang kama habang nag-iisip hanggang sa makaisip siya ng solusyon. Tumuntong siya sa ibabaw ng kama atsaka siya dumukwang sa cabinet. Medyo kinulang pa rin ang taas niya kaya napatingkayad pa siya. Saktong aabutin na niya ang isang bundle ng diaper nang biglang bumukas ang pinto. Nagulat si Mika kaya nawalan siya ng balanse at dumulas ang paa niya pababa. Mabuti na lang at agad na nakatakbo papalapit sa kanya si Cedric. Biglang namilog ang mga mata niya nang dumikit ang mga labi niya sa pisngi nito. Napayakap siya noon sa leeg ng binata kaya ganoon na lang ang kabog ng dibdib niya. Tila slow motion na napatingin sa kanya ang binata at saglit na nagtama ang kanilang paningin. Biglang nagkailangan ang dalawa nang mapansin ang posisyon nila. Nakayakap kasi sa baywang niya si Cedric habang nakayakap siya sa leeg nito. “Ano ba kasing ginagawa mo?” ani Cedric nang ibaba siya. “Kumukuha lang po ako ng diaper, Sir,” mahinang sabi niya. Hinila ni Cedric ang drawer na malapit sa crib at tumambad sa kanya ang mga wipes, diaper at iba pang gamit ng bata. Stock lang pala ang nakita niyang diaper na nakasalansan sa itaas. “Sa susunod, matuto kang magtanong,” seryoso ang mukhang sabi nito. “Sorry po, Sir.” Napailing si Cedric. Inabot niya ang bote ng gatas na nabitiwan niya sa kama atsaka niya isinubo sa bata." 'Wag kang magla-luck ng pinto. Anytime, sumisilip ako sa bata.” Alanganing napangiti ang dalaga. Wala rin pala siyang privacy kung ganun. "May problema ba tayo dun, Mika?" seryoso ang mukhang tanong ni Cedric. "Wala po, Sir." Kasalukuyan na silang naghahapunan nang pasimpleng kilatisin ni Cedric si Mika. Agad niyang napansin ang naka-print sa suot nitong blouse. Nasisiguro niyang mula iyon sa isang kilalang brand ng damit. Dahil nakita na niya ang ganung design sa ilang mga kaibigan niya. Napansin niya rin ang makinis at maputing kutis ni Mika. Pino ang kilos at maingat ang bawat galaw nito. Walang-wala sa hitsura nito na sanay ito sa hirap. Bigla tuloy siyang nahulog sa malalim na pag-iisip. “Hindi kaya miyembro ng sindikato ang isang 'to?” “Bakit po, Sir?” tanong ni Mika nang mapansin ang pagtitig niya. "Taga saan ka na ulit?" tanong niya. Biglang nasamid si Mika kaya dalidali nitong inabot ang baso ng tubig sa tabi nito. Hindi na kasi nito matandaan ang address na inilagay sa resume. Napakunot ang noo ni Cedric pero hindi ito nagsalita. “Ano po ulit ang tanong niyo, Sir?” kunwa’y tanong ni Mika nang maibaba ang baso. “Taga saan ka?” “S-Sa Quezon City, po,” alanganing sagot nito. Hindi siya sigurado roon kaya lihim siyang nagdasal na hindi sana siya nagkamali. “Ba’t namumutla ka? Okay ka lang ba?” kunwaring tanong niya. “Medyo masakit pa po kasi ang ulo ko, Sir. Okay lang po ba’ng umakyat na ako kay Migui?” “Sige, pababain mo na tuloy si Milly para makakain. May gamot sa drawer, uminom ka na rin.” Mabilis na tumayo si Mika at patakbong umakyat ng hagdan. Napakunot na lang ang noon g binata. Bago pumasok sa opisina, sumilip muna si Cedric sa kwarto ng mag-yaya. Mahimbing pa rin ang tulog ng dalawa habang magkayakap sa kama. Hitsurang mag-ina ang dalawa sa posisyon nilang ‘yon. Mukhang agad nahulog ang loob ng bata kay Mika dahil malaki ang pagkakahawig ng dalaga sa ina nito. Tirik na ang araw nang magising ang mag-yaya. "Good morning, Pogi," nakangiting bati ni Mika kay Migui sabay pisil sa pisngi nito. Ngumiti ang bata atsaka ibinuka ang mga kamay na tila nagpapakarga. Nakangiting binuhat ito ni Mika atsaka sila bumaba sa sala. "Oh, gising na pala kayong dalawa. Mag-almusal na kayo," nakangiting bungad ni Manang Beth, ang fifty eight years old na mayordoma sa bahay. Agad itong kumilos at pinaghanda sila ng pagkain ni Migui. "Salamat po, Manang. Hindi niyo po ba kami sasabayan ni Migui?" nakangiting tanong niya. “Sumabay na kami kanina kay Cedric,” anito habang inilalapag ang plato sa harapan niya. Luminga-linga sa paligid si Mika na tila may hinahanap. “Wala po ba rito ‘yung asawa ni Sir?” alanganing tanong niya. Napatigil sa pagsandok ng kanin si Manang Beth. “Wala pang asawa si Cedric,” anito. “Eh, sino po ang mama ni Migui?” “Ay, naku! Kung gusto mong magtagal rito, ‘wag kang marites. Ayaw na ayaw ni Sir sa mga tsismosang kasambahay. Trabaho lang ang ipinunta natin rito. Wala tayong karapatang panghimasukan ang personal na buhay ng mga amo natin. Ano man ang makita o marinig niyo sa loob ng bahay na ‘to, hindi na dapat makarating sa labas,” anito. Napaawang ang mga labi ni Mika. Nagulat siya sa naging tugon ng matanda. Natawa naman si Milly na noo’y kasalukuyang naghuhugas ng pinggan. “Nakakatuwa naman kayo, Manang. Nagtanong lang naman po siya tungkol sa nanay ng inaalagaan niya, marites na agad? Natural lang naman po siguro na alamin niya kung sino ang ina ng batang inaalagaan niya, hindi ba?” “Ah, basta! Bawal pag-usapan ang bagay na ‘yan,” ani Manang na noo’y nagpatuloy na sa pagsasandok ng kanin. “Kung gusto mong malaman, si Cedric na lang ang tanungin mo,” anito nang ilapag ang bandehado sa harapan niya. Bahagyang ngumiti si Mika. “Hindi na po siguro, Manang. Naitanong ko lang naman po ‘yon.” Hindi na kumibo si Manang na noo’y nakatingin lang sa kanya na para bang binabasa ang pagkatao niya. Kasalukuyang abala sa computer si Cedric nang dumating si Louie, ang kaibigan niyang detective. "Pards, ano 'yung sinasabi mong ipapa-imbestiga mo sa akin?" bungad nito. Naglakad ito papalapit sa kanya atsaka ito naupo sa silya sa harapan ng mesa niya. Tumigil sa ginagawa si Cedric. Hinila nito ang drawer atsaka nito inilabas ang isang brown envelope na naglalaman ng resume ni Mika at ng larawan nito. "Gusto kong i-background check mo ang babaeng ito," aniya nang ilapag niya ang envelope sa harapan ni Louie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD