Nakahiga na si Nikki nang maramdaman niya ang pagpasok sa kwarto ni Cedric. Ramdam niya ang pagkilos nito sa loob ng silid, mula sa pagbibihis nito hanggang sa mahiga ito sa sofa. Hinihintay niyang lumapit ito at humalik sa noo niya gaya nang lagi nitong ginagawa pero hindi ito ginawa ng binata. Ni hindi man lang siya nito ginising para magpaliwanag kung bakit hindi nito nasasagot ang mga tawag niya. Hindi niya tuloy maiwasang mapaisip na baka parte lang talaga ng pagpapanggap nila ang pagiging sweet nito sa kanya, maging ang pagsasabi nito ng I love you. Pero alam niya sa sarili niya at ramdam niya naman na mahal siya nito. Dahil sa isiping iyon, hindi agad nakatulog si Nikki dahilan para mahuli na naman siya ng gising. Agad niyang sinipat ang maliit na orasan na nakapatong sa mesa at ma

